CHAPTER TWELVE: THE SECOND CHANCE

3 0 0
                                    



Red

Sakto! Sila Yanna.

"Yan--"

"Ano bang ginawa mo kay Jam? Ha?" Agad na salubong nila.

"I will explain. Please, 'wag muna kayong magalit."

"Huwag magalit? The hell. Hindi pa umiyak ng ganun kalala yun!" galit na sabi ni Louise.

"Please, calm down."

"Calm down? Tingin mo talaga kakalma kami? Ha?" Ika ni Shaina.

"Pakinggan natin siya..." sabad ni Yanna. "...sa canteen."

This is all my fault. I'm sorry.

"What?! So ikaw yung nang-iwan sa kanya?!" sigaw ni Louise.

"Iwan agad? May reason naman eh. I don't want to leave her intently." pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Okay. Okay. Fine! So ano nang balak mo?" tanong ni Yanna.

"Liligawan ko siya." confident kong sagot.

"Ligaw? Are you sure? Pagkatapos ng ginawa mo?"

"Hihingi ako ng tawad. Please, tulungan niyo ako."

Nagtinginan muna sila. Parang di sila sang-ayon. Seryoso ako kay Jam. Hindi ko siya lolokohin.

"Paano kami makasisiguradong hindi mo siya sasaktan ULIT?"

"Hinding hindi ko na siya iiwan ULIT!" Mukhang hindi pa convincing.

Bumuntung-hininga muna ako. "I love her."

Matagal silang nagtitigan at, "KYAAAAAAAA~!"

"Kinikilig ako!"

"Yieeee! Magkakalovelife na siya!"

"Yeheeeey!"

"Uhmmm." Yun lang ang nasabi ko.

"Isa ba 'yang 'Yes'?"

"OO NAMAN!" Yes!

"So kelan tayo mag-uumpisang manuyo?"

Yes! Sa wakas. Kahit isang chance lang Jam. Kahit isa lang.

Jam

Nagtext sa akin si Louise. Sabi niya hintayin ko daw sila sa isa sa mga benches sa garden. Hapon na! Although, marami pang tao. Naiinip na talaga ako.

"Uhmmm, hindi daw makakapunta si Louise dahil sa Athletics Club, si Yanna naman SC Meeting tapos si Shaina, pinauwi ng maaga." That Red.

"Really? Mamatay na nagtanong."

"Let's talk."

"Kanina mo pa ako kinakausap." sarcastic kong sagot.

"Just listen."

Listen pala ha. "Lalalalalalala..."

"Please? Kahit sandali lang."

I looked at him. Stared at him. "Time's up!"

"What?! Hey! Hindi ako nakikipaglokohan." Asar niyang sabi.

"Tingin mo nakikipaglokohan ako sa'yo?"

Tumingin lang siya. Palabas na ako ng school. Akala ko hindi na niya ako sinusundan. Pero napakalaki kong tanga!

"Tumigil ka na nga!" sigaw ko sa kanya. Nasa gilid na kami ng kalsada.

"Please. Kausapin mo ako. Real talk."

"Bakit? Pirated ba ito?"

"Jam naman. Makinig ka muna."

Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon