Chapter 2

7 0 0
                                    

Bag


Hindi ko na siya hinintay na makababa ng sasakyan, at nauna na akong bumaba sakanya. Sinalubong ko sila ninang at ninong sa labas ng airport, at nakipagbeso ako.


"What happen? Nasaan ang sasakyan mo Ryle? Bakit yung sasakyan ni Anne ang gamit mo?" Tanong ni ninong Patrick, sa kanyang anak na mayabang. Habang nakahawak sa baywang ko si ninang Samantha. Nakakainis! Nag-insist lang ako na ang magdadrive. Binalewala, siya na daw kasi ayaw nyang pinagdadrive nya ang kasama niyang babae. Ano naman sakanya yon? Sana pala hindi na lang ako nag-alok pa sakanya.


"May nangtrip kasi ng gulong ko. Ayan naflat tuloy yung gulong ko." Sabi ni Kryllie sakanyang ama, habang binibigyan nya ito ng makahulugang tingin na para bang silang dalawa lang mag-ama ang nagkakaintindihan.


"Anak, sayang naman 'yon. Galing Brazil pa iyon diba?" Sabi ni ninang Sam sakanya.


"Opo. By the way, where is ninang Coleen and ninong James?" Tanong niya.


"On the way pa lang daw ang mama at papa mo, Rientlle." Sabi sa akin ni ninang Samantha. At nagnod na lang ako sakanya.


"Buti na lang at naisipan ng mama at papa mo na isama ang kambal mo. Malay mo naman bumalik sa dati ang kapatid mo." Sabi ni ninong.


"Sana nga po." Tanging nasabi ko.


"Oh nandyan na pala sila." Sabi ni ninang, at nakipagbeso kila mama at papa, pati na rin sa kambal ko.


"Kanina pa ba kayo?" Tanong ni mama saamin.

"Hindi naman po gaano." Sagot ni Kryllie.


"Eto kasing mama mo, ang daming binitbit. Akala mo naman aabutin kami ng isang taon doon." Pang-aasar ni papa kay mama. Kaya sinamaan siya ng tingin ni mama, at hinampas ng bahagya sa balikat. At pumasok na sa airport.


"Nga pala Ryle, yung mga gamit mo nasa bahay na nila Anne." Sabi ni ninang Anne.


"Ha? Bakit ma?" Tanong nya, na parang gulat na gulat.


"Habang wala kami, doon ka muna sa amin. Babantayan nyo ang isa't-isa. We can allow you to overnight with your friends, but you need to ask our permission first." Sabi ni papa.


"Pero kaya na namin mag-isa." Sagot ko naman.


"Sweetie, wala ng pero. Please? Doon lang kasi ako makakampante." Sabi naman ni mama, habang hawak ang dalawa kong balikat.


"Opo." Tanging nasagot ko na lang, at pumunta sa kambal kong nakaupo habang may tinitignan sa kanyang cellphone.


"Hey, tweenie. Don't waste yourself on her, forget her." Sabi ko sa kambal ko.


"Hindi kasi ganon kadali 'yon."

When The Peevish Girl FallWhere stories live. Discover now