Chapter 12

4 0 0
                                    

"Manang maayos na po ba yung mga plates?"

"Oo anak. Saan ko ba ilalagay itong hipon?"

"Sa may bandang gitna na lang po, sila lang naman po ang kakain. Dahil alam nyo naman pong may allergy kami ni mommy dyan." Sabi ko, at inayos ang pinaglagyan ko ng pastry na aking ginawa.

"Yaya, pakilagay muna po ito sa may freezer. Please?" At lumabas muna ng kitchen, para i-check ang long table

"Yaya Flor, paki-pasok po ito. Lalamig po ito kaagad kung ise-serve nyo na ngayon." Tumango na lang siya.

"Where is the other chair?" Sigaw ko.

"May ginawa lang po maam Anne." Naramdaman ko namang, may pumulupot na braso sa aking katawan. Amoy pa lang ay alam ko na kung sino. Humiwalay agad ako dahil, amoy pawis ako. Hindi naman ako tutol doon. Dahil aaminin ko, napapadalas na ang pagiging clingy nya sa akin. Kahit sabihin mong nasa school kami, tuwing break siya nagiging clingy. Wala na rin akong nagagawa, dahil ultimong katawan ko ay ginugusto na rin ata? Natutuwa naman ako dahil alam nya kung kailan ang tamang oras at tamang lugar para maging clingy siya. And he know he's limit.

"Amoy pawis ako."

"Don't stress yourself too much." He said in a baritone.

"I kno- Yaya Melda! Yung bacon nangangamoy na!" Sigaw ko pa, tatakbo na dapat ako papuntang kusina ng higitin nya ang kamay ko.

"Anne! Calm down! Let them work!" Sigaw nya, dahilan para mapuno ng boses nya ang dining room. Napatigil ang mga kumikilos dito dahil sa pagdagungdong ng kanyang boses.

"What are you looking for? Back to work." Baling niya sa mga nagtatrabaho. Bumalik na sila sa pagtatrabaho sa takot nila sa boses na inilabas ni Kryllie.

"Magbihis ka na, 2 hours na lang dadating na sila mommy." He said in a colder tone.

At lumabas na ng dining room. Inalis ko ang apron ko, at inabot iyon sa nakita kong katulong na padaan.

Nakita kong papunta siya ng living room, kaya tinakbo ko na ang natitirang distansya naming dalawa. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay.

"Ryle, sorry."

"Magbihis ka na." Malamig pa rin nyang sabi saakin.

"Kryllie, I'm sorry."

"Just change, Rientlle."

"Okay." At umakyat na sa aking kwarto para makaligo na rin, dahil ayaw kong yumakap ng malagkit at amoy pawis.

Pagkatapos ay nagmadali akong mag-ayos ng aking sarili. Kinulot ko lang ng bahagya ang dulo ng buhok ko at itinali ito ng isa, para magmukhang simple. I put mascara on my eyelashes, to make it simple but adorable too? I put a lip gloss matte on my lips. After that, I look myself in the mirror. And wore my prettiest smile.

Kinuha ko na ang sling bag ko na black, at inilagay ang aking wallet at phone. Pagkababa ko ay nakita ko si Kryllie na nakaupo sa sofa. Nang namataan nya akong pababa na ng hagdanan, ay nag-iwas siya ng tingin at unti unti ng tumayo para makaalis na.

I think there's something wrong, I feel it.

Tumakbo ako, dahil gusto kong mahabol si Kryllie. Nang maabutan ko siya ay agad kong hinawakan ang wrist nya at iniharap ang katawan nya sa akin.

"Sorry na.." I started.

Hindi siya nagsalita, ang tanging ginawa nya lang ay hinigit ako at niyakap. May kung ano sa katawan ko na namalayan ko na lang na niyakap ko na siya pabalik.

"I'm sorry." I uttered, at ibinaon na ang ulo sakanyang dibdib. Dahil nga hindi ko maabot ang kanyang balikat.

Hindi naman sa maliit ako, my father and my mother have a appropriate height. Tama lang din ang height ko, pero mas matangkad pa rin si Dan kaysa sa akin. Sadyang matangkad lang itong si Kryllie. I think magkasing tangkad sila ni Dan. Why do men have a too much height? But other person who needs it, doesn't let them to have it.

When The Peevish Girl FallWhere stories live. Discover now