Promise
Ilang weeks na ang nagdaan, at nalalapit na ang Proclaium Ball. Mapapansin din ng pagiging abala ng lahat.
Dumaan ang mga araw, na nararamdaman ko ang unti-unti kong pang pagkahulog kay Kryllie.
Walang araw na hindi nya ipinaramdam nya saakin kung gaano ka-mahal.
I can't deny my feelings! I already liking him! I can't deny that! Why? Because he's kind! And I think he's worth it.
Pero hindi naman ibig sabihin noon ay nababawasan ang pag aaway namin. Feeling ko nga ay mas lalong napapadalas ang pagiging pala asar nya.
Feeling ko nga ay baka anytime ay hindi ko namamalayan na naiinlove na pala ako sakanya.
Wait! Why am I jumping on that scenery? On that fast? Oh Rientlle Anne, what's happening to you?
Tumunog ang aking phone at nakita kong si ninang Sam ito.
Inayos ko muna ang aking uniporme atsaka sinagot ang tawag.
"Hija? Where are you?" Ninang Sam asked. She sounds like needing for a help.
"Po? Nasa bahay pa lang po."
"Ah, ganun ba? Can you do me a favor please?"
"What is it po?"
"Pwede bang pakialagaan si Kryllie for me? He's sick. Wala kasing ma-" I cutted him off.
"Bakit po anong nangyari sakanya?" Natataranta kong sabi.
"Hindi ko alam hija, tumawag lang saakin si manang. Inaapoy daw siya ng lagnat. Diba nasa Cebu kami ng mama at papa mo. Bukas pa kami makakauwi 'nak" pag-aalala nya.
Kakatext lang ni Kryllie, saakin kanina. Na susunduin nya ako any minute by now. So it means, inaapoy siya ng lagnat tapos susunduin nya ako. Is he insane?!
"Sige po ninang, aabsent muna po ako. Tapos ako na po bahala sa kanya." I said, while unbuttoning my polo.
"Pero hija paano ang pasok mo ngayon?" Agad akong nagpalit ng black tshirt na may logo ni batman. At isang maong shorts na katamtaman lamang ang haba.
"As I said, aabsent muna po ako ngayon. Ako na po ang bahala sakanya." Sumuko na lang si ninang at nagpasalamat atsaka pinatay nya na agad ang tawag dahil may meeting pa daw sila.
Agad kong hinanap sa closet ang aking vans na black. Sinuot ko iyon ng mabilisan, dahil alam kong kahit anong oras ay paparating na dito ang inaapoy na lagnat na si Kryllie.
Kinuha ko ang sling bag ko na black, at nilagay ko doon ang aking wallet, phone at mga gamot na kailangang inumin hanggang mamayang gabi.
"Oh ma'am Anne, hindi ka po ba papasok ngayon?" Puna ni yaya Flor sa akin.
"Hindi po muna, may aasikasuhin lang po ako."
"Hindi ka po ba mag-aalmusal, man lang muna?" Pahabol na tanong nito, ng napansin nyang padirekta na ako palabas ng pintuan. Tumigil muna ako saglit at nilingon ko siya.
"Hindi na po yaya, salamat!" Sigaw ko, at tuluyan ng lumabas ng bahay.
Nadungaw ko sa labas, na may katitigil na kotse. At alam ko kung kaninong kotse iyon.
"Oh, bakit hindi ka nakaschool uniform?" Tanong nya pagkapasok nya sa aming gate. Kahit pati naman siya ay hindi nakauniporme. Siguro ay ihahatid nya lang ako, at doon na siya magpapahinga.
Nakasuot siya ng jacket na puti, at may black na shirt siya sa loob, at tinernohan nya iyon ng black jeans at isama pa sa porma ang kanyang black na jordan air.
YOU ARE READING
When The Peevish Girl Fall
Novela JuvenilRientlle Anne Fortacio was a too peevish and dangerous type of a girl. Once you dare to fight or hurt her, wait for her revenge. Despite on being a peevish, Anne has a big heart. She has three friends, like her friends she also comes to a well known...