Medicine
"How's your twin?"
"He's doing fine by now." At kumagat ako ng kaunti sa burger na hawak ko ngayon.
"So you mean, you can go back here?" Napatigil ako sa pagnguya ng dahil sa sinabi niya sa akin.
"Chesca.."
"Why? Diba bumubuti na naman si Dan. Kaya pwede ka ng bumalik dito?" At inayos ang buhok.
"Ayusin mo yung sa likod, nakalabas ang kulot. Ches, yes you're right. But it doesn't mean, ay iiwan ko na agad si Dan." At kumagat pa ulit ng burger.
"Oh, sorry. I'm just missing you." While curling her eyelashes, and put a mascara on it.
"I feel the same way too. But I promise you, mapanatag lang ang loob ko."
"Okay, I know you when you're saying promises. Anne, I have to go. May klase pa ako remember?" Pagpapa-alala niya, habang inaayos ang kanyang blush-on.
"Oh, I forgot! Take care, Ches. Ikumusta mo na lang ako kila Thalia at Cretchen ha?"
"Opo, you too. Bye! Love lots." And we ended our video call.
Kung pwede nga lang na umuwi na, dahil alam kong marami na akong naliliban na klase. Pero kailangan kong siguraduhin ang kalagayan ng kapatid ko, bago ako umuwi. Para saan pa kasi, kung uuwi ako doon pero yung isip ko ay nandito. Iniisip kung maayos ba ang lagay ng kapatid ko dito.
Inubos ko na ang burger na kanina ko pa kinakain, at uminom ng tubig. Lumabas ako ng kwarto, at pumunta sa kitchen para kumuha ng gatas. Hindi kasi ako makatulog, hindi ko alam kung bakit.
"Hindi ka rin makatulog?" Napatalon ako sa gulat sa biglang pagsulpot ni Ryle sa likod ko.
"Oo, ikaw?" Sabay salin ng gatas sa aking baso.
"Oo, pahingi naman ako." At kumuha ng baso, para masalinan ko ito.
"Bakit hindi ka makatulog?" Tanong niya sa akin, sabay inom ng gatas.
"Hindi ko alam? Siguro namimiss ko na sila Chesca."
"Don't worry. Makakauwi rin tayo." He said.
"Ikaw? Bakit hindi ka rin makatulog?" Pumunta siya sa akin, at hinalikan ang ulo ko.
"Matulog ka na." He said while wearing a smirk on his face.
Umalis na siya, pagkatapos niya ilagay ang baso sa sink. Pero seryoso, nagulat nanaman ako sa ginawa niyang paghalik sa ulo ko. Nakakaugalian niya na kasing gawin iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko?
Maiinis ba o kikiligin?
Nagising ako dahil sa tunog ng aking phone. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag na galing dito.
"Hello?" Matamlay kong sagot.
"Hello, Anne. Pwede ka bang pumunta dito sa ospital? He badly needs you." Agad akong napabangon sa higaan, sa narinig ko.
"Bakit po ninang? Ano pong nangyari kay Dan?" Nag-aalala kong tanong.
"Hindi namin alam. Pero bigla na lang siya nahirapan huminga. Kaya hanggang ngayon, sinusubukan pa ng mga doctor na tulungan siya.
"Sige po ninang. On the way na po ako." At agad ko nang pinatay ang tawag.
Kumuha ako ng jacket at ipinatong ko iyon sa aking pantulog. Lumabas na ako sa kwarto ko, at kinuha ko agad ang susi ng ferrari ni daddy. Kailangan kong magpatakbo ng mabilis, at baka hindi ko na maabutan pang buhay ang kakambal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/93405417-288-k586505.jpg)
YOU ARE READING
When The Peevish Girl Fall
Teen FictionRientlle Anne Fortacio was a too peevish and dangerous type of a girl. Once you dare to fight or hurt her, wait for her revenge. Despite on being a peevish, Anne has a big heart. She has three friends, like her friends she also comes to a well known...