Chapter 5

4 0 0
                                    

1:30 pm


"Franchesca Marie.."

"Pero Anne-"

"Ches, why don't you think on it?"

"It's been a week, simula nang nangyari iyon." I continued.

Bakit ba kasi hindi niya mapatawad si Ryle? Dinaig niya pa ako, ako na na-injured. It's been a day na rin nang tinanggal na yung splint sa wrist ko, kaya malaya na akong nakakagalaw ngayon.

"Oo nga...Pero, paano kapag ginawa niya ulit iyon?"

"Paano kung hindi?" Giit ko pa.

"Chesca, kayo na rin ang nagsabi sa akin na mabait si Kryllie. Pero bakit parang hindi ko nakikita sa'yo iyon?" I explained. 

"Bat ba pinagtatanggol mo si Ryle?" 

Napaisip ako sa tinanong ni Chesca. Bakit ko nga ba pinipilit na mapatawad ni Chesca si Ryle? Samantalang siya ang mortal kong kaaway? Na wala siyang ginawa kung hindi ang bwisitin ang araw. Ano nga bang nangyayari sa akin ngayon?

"Kasi tao rin siya. He also has a right to forgive." Tumigil muna ako saglit, at huminga ng malalim.

"Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, ikaw pa kaya?" galit na galit na sabi ko sakanya.

Lumabas na ako ng kwarto, at agad akong pumasok ng health room, at in-operate ang oxygen.

Napapansin ko lang, napapadalas ang paghahabol ko ng hininga. Last na na-experience ko ito noong grade 6 pa ako. I still remember that, when the time that I almost die. Buti na nga lang at naagapan ito agad ito. Kung hindi ay wala na ako ngayon.

Dahil sa nangyari ngayon, na-threaten ako. Siguro kailangan kong magpa-check up para macheck kung may pagbabago sa kalusugan ko.

"Anne!" Rinig kong sigaw ni Chesca sa akin.

Hindi na lang ako umimik at nagfocus sa paghahabol ng hininga.

Isang oras na nang namalayan ko, na nakatulog na pala ako. Inayos ko na ang sarili ko. Pagkatapo ay umalis na ako sa health room.

"Ma'am tamang-tama po. Kakain na po." Salubong sa akin ni ate Celia.

Tinanguan ko na lang siya at dumiretso na sa kwarto ko imbes na sa dining room. Mas maganda na rin siguro na huwag akong dumiretso sa dining para mabawasan naman kahit papaano ang stress ko.

"Anne." Sabi ni Chesca, pagkapasok ng aking kwarto.

Hindi ko siya pinansin, pumunta na lang ako sa closet. Naramdaman ko naman na sinundan niya ako.

"Anne, I'm sorry. I realized that I was being OA."

Hinarap ko na siya, at hinayang makapagsalita.

"Tama ka. I should give him a chance. Masyado lang siguro ako nagpadala sa galit ko sa ginawa niya sa'yo." She explained.

"Halika nga." I open my arms widely, to give her a hug.

Agad niya naman itong tinanggap.

"Sorry din, kasi nasigawan kita." I said while hugging her.

"You don't have to." she said and caressed my hair.

"Sige na. I have to go." and she let go of our hug.

"Huh? Hindi ka ba dito matutulog?" Pagtataka ko, dahil halos isang linggo na siya natutulog dito. Simula nga nang nangyari iyon ay nawalan na siya ng tiwala kay Ryle.

"Nope. Pupunta kami kila lola ngayon." she said, while packing her things.

"Ganon? Ingat sa pagdadrive ah?" Paalala ko. Kahit alam kong hindi niya ako katulad na reckless driver.

"Opo, ingat ka rin dito ah?"

"Ches.." Pagbabanta ko.

"Sorry.." Sabay tawa.

"Sige na. Kanina pa tumatawag si mommy." sabi niya, sabay bitbit ng bag.

"Ikumusta mo na lang ako kay tita. Ihatid na kita." at lumabas na kami sa kwarto.

"Kryllie Ryle!" Sigaw ni Chesca nang nakita niya ito na pababa ng hagdanan.

"Yes?" tanong niya, sabay lapit.

Sa tono pa lang ng pananalita ni Ryle, ay halata ko ng magka-ayos na sila. Hindi katulad nung galit pa si Chesca sa kanya. Parang babaeng mahiyain si Kryllie, kapag kaharap niya si Chesca.

"Alagaan mo itong bestfriend ko ah?" Bilin nito sakaniya.

"Syempre naman." Sabay akbay sa akin. Agad ko namang inalis iyon at pinagpag ang damit.

"Good."

"Anne, take care always." Paalam niya, sabay yakap sa akin.

"You too. Drive safely." Tumango na lang siya at lumabas na ng pinto.

"Tara nood tayo." Anyaya niya saakin ni Ryle.

"Ikaw na lang mag-isa." Sabi ko, sabay talikod sakanya.

"Sungit mo talaga." Sigaw niya sa akin. Humarap ako sakanya at iniripan.

Umakyat ako sa kwarto, at kinuha ang mga gamit. Dinala ko ang lahat ng iyon sa study room, para makagawa man lang ng school works. Marami akong na-pending ng dahil sa injured ko. Buti na lang at pinahiram ako ng mga notes nila Chesca. Marami pa akong gagawing assignment. Siguro nga natambakan ako ng gawain.

Nagdaan na ang ilang oras, hindi ko pa rin tapos ang mga ginagawa ko. Or should I say, I don't know what time where am I going to finish all of these.

"Anne?" Katok nito sa pinto.

"Come in." Sabi ko, at bumalik ulit sa pagsusulat.

"Mag-lunch ka muna." He offered, and put a tray with full of foods.

"It's too early." I said.

"Early? It's already 1:30 pm Rientlle." Kaya napatingin ako sa wall clock na naririto.

Shoot! He's right! It's already 1:30 pm, and I hate the fact that I didn't notice, what time is it!

"Sorry, hindi ko namalayan yung oras." I apologized and put away my things for a while.

Unti-unti naman niyang nilatag ang mga pagkain, and I find it...cute.

I start eating, and I notice him, watching me. When he saw that I notice him on what I'm doing, he goes outside the room. And I don't know where he's going?

Pumasok ulit siya, at dala-dala niya na yung mga gamit niya. I guess? He's doing the same thing, I was doing.

"H-how about you? Kumain ka na ba?" I asked stuttering. I don't know why?

"Oo, kanina pa. Akala ko nga sasabay ka." Puna niya

Hindi na ako nagsalita pa, at pinagpatuloy na lang ang kumain. Habang siya ay abala sa pagsasagot ng ginagawa ko kanina.

Hindi ko maiwasang mapangiti, pero hindi ko naman alam kung bakit?

Hay Kryllie! Why are you doing this-...to me?

When The Peevish Girl FallWhere stories live. Discover now