01 ㅡ intro

466 18 10
                                    

Author's POV

"AYOKO NA!!!!" sigaw ni Minghao habang ginugulo ang buhok nito.

Nandito sila nila Mingyu, Seungkwan, Chan, Wonwoo, Jeonghan, at Soonyoung sa loob ng study room. Yung iba naman nasa labas ng kwarto.

Break nila ngayon sa school. 5 days break para mag aral para sa upcoming exam week kaya naman tutok sila sa pag aaral ngayon. #StudiousSeventeen hehe.

Binato sya ni Wonwoo ng hawak nitong stress ball.

"Ang ingay mo! Ano ba kung ayaw mo mag aral wag ka ngang mandamay dito. Nai-stress na nga ako dito sa Chem eh. Akin na nga yan." pagpapa-abot sa stress ball na binato nya kay Minghao. #StudiousWonwoo #StressedWonwoo

"Binato bato mo tapos kukunin mo? Edi ikaw kumuha. Hmpp." pagtataray ni Minghao at tumayo para lumabas sa study area.

Ganito talaga sila. Halos 2 years na silang magkakasama sa apartment kaya komportable na silang makipag-argue sa isa't isa. Haha.

"Kainis." Sambit ni Wonwoo at tumayo para kunin ang stress ball nya. Sa sobrang stress nya sa pag-aaral kinailangan nya na ng stress ball haha.

Malaki yung apartment nila. May limang kwarto, dalawang CR isa sa baba at isa sa taas. May malaking kusina at sala at isang malaking study area. Kasi ito naman talaga ang dahilan kung bakit sila nandito. Para mag aral.

Kumpleto ang study room nila. Madaming libro, kumpleto para sa kaniya kaniyang course nila. Sa loob non meron ding isa pang maliit na kwarto. Music room para kay Jihoon at Vernon kasi kailangan nila to dahil Music ang course nila. Heheh. Madalas dito sila gumagawa ng mga school works nila.

Hindi sila magkaka mag-anak pero magkakasama sila sa apartment na to. Sa university kasi nila bago magpasukan, may section sa bulletin board ng main campus kung san nakalista ang mga pangalan ng naghahanap ng makakasama sa apartment. May dorm ang university pero may ganitong section para makatulong sa mga ayaw mag-dorm. Madaming nag hahanap ng apartment kasi masyadong mahigpit sa dorm. Sa isang papel nakasulat ang pangalan ni Hong Jisoo at nakalagay don ang offer nya. Kinailangan nya ng 12 pa na makakasama. Nakalagay din sa papel ang price ng bahay at contact number nya. Medyo crowded ang 13 people sa isang apartment kung iisipin pero malaki naman ang flat na nakuha ni Jisoo. May kamahalan pero worth it naman kasi maganda at two storey at may balcony. At kung maghahatihati silang 13, mura na din. Madaming nagsulat sa papel na pinost ni Jisoo. Umabot ng 20+ pero ang 12 na naunang contact-in sya ang nakapasok sa slots. Yun nga ang seventeen members hehehe. And ayun the rest is history. Junhao fic kasi to eh no kaya titigilan ko na pagdadaldal ko sa past nila hahahaha.

Pag labas ni Minghao sa study area nakita nya si Vernon at Seokmin na nanonood ng TV. Hay nako talaga tong dalawa na to -__-

Umupo si Minghao sa tabi ng dalawa. "Ano to pa-easy easy nalang kayo?"

"Minghao hyung easyhan nyo lang kasi. Masyado kayong tutok sa pag aaral. Nakaka-stress din kaya yon no. Mag chill muna kayo katulad namin ni Seokmin hyung. Diba hyung?" Sabi ni Vernon na parang pinangangaralan pa tong si Minghao.

"Oo nga Hao. Wag kayo masyado tutok sa pag aaral. Di bagay sa inyo." Natatawang sabi ni Seokmin. Napakunot naman ang noo ni Minghao. "Pero seryoso. Wag kayo masyado magpaka-stress. Madami pa tayong oras. Magpahinga din naman kayo. Lalo na yon si Wonwoo hyung at Jihoon hyung. Ang init ng ulo simula kagabi." Dagdag pa ni Seokmin.

comfort ㅡ junhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon