31

175 7 0
                                    

Author's POV

It was the start of rainy season. Pinaka hate dati ni Minghao pero ngayon favorite niya na. Minsan nga winiwish niya pa na sana kumidlat ng malakas kasi automatic na dadating si Jun kahit anong oras pa yan.

It was a rainy afternoon when Jun went home really wet from the rain.

"Hala hyung bakit sumugod ka sa ulan?!" Chan shouted. Napalingon naman yung ibang kasama niya sa living room, including Minghao.

"Hansol kumuha ka ng towel." Jeonghan commanded. What a mom! Haha.

Lumapit agad si Minghao kay Jun dala ang towel na kinuha ni Vernon. He wiped Jun's face and then went on drying his boyfriend's hair.

"Bakit sumugod ka sa ulan, hyung? Sana tinext mo ko para sinundo nalang kita."

"Wala na landian na!" Seokmin shouted.

Umamin na sila sa mga kaibigan nila kaya they can do their boyfriends stuff freely. On the negative side, panay naman ang asar ng mga ito sa kanila knowing na official na sila.

Minghao glared at Seokmin. Nag-peace sign naman agad ito sa kaniya.

"Hindi naman kasi malakas yung ulan kanina eh. Akala ko hanggang ambon lang. Hehe."

"Hehe mo to."

Jun gave him a face.

"Itigil mo yang kaka-mo to mo."

Minghao pouted. He can't argue with Jun. Lately nag-gigive in na siya lagi dito. Dati naman kaya niya pang barahin si Jun. Siguro masyado lang din talaga siyang in love dito kaya hindi niya magawang awayin to kahit yun ang hobby niya, mang away ng tao a.k.a. Kim Mingyu hahaha.

"Jun iligo mo na yan. Baka magkasakit ka lang pag nagpatuyo ka pa." Jeonghan said from the living room.

"Ito naman bitter naglalandian pa sila don oh!" sabat ni Seungkwan.

Sinamaan siya ng tingin ni Jeonghan. These past few days kasi laging bad mood itong si Jeonghan. Hindi din sila masyadong nagpapansinan ni Seungcheol. Alam naman ng lahat na may something sa dalawang to, idagdag pa natin si Jisoo.

Nasa living room sila ngayon nanonood ng Scarlet Heart. Lahat sila sinusubaybayan to. Kahit si Jihoon na hindi mahilig sa dramas.

"Ano ba yan hyung! Uminom ka na kaya ng gamot?" sabi ni Vernon dahil hindi na nila mabilang kung pang ilang sneeze na ba ito ni Jun.

"Aw may sakit ang bebe ko~" sabi ni Soonyoung habang naka-cling sa braso ni Jun. Tumingin naman sa kanila si Minghao. "Ay bebe mo na pala siya. Ay makairap ha!"

"Jun uminom ka na ng gamot baka lumala pa yan." Jeonghan said.

"Isang kiss lang ni Minghao gagaling na agad- Aray!" hindi na naituloy ni Mingyu ang sasabihin niya dahil sinipa na siya ni Minghao sa likod. Poor Mingyu.

"Oo na labyu Mingyu." sabi ni Minghao.

Tumayo si Soonyoung para mag-CR. Jun took the chance to crawl next to his boyfriend's sit and hugged him lazily. Minghao looked at him and stroked his fringe.

comfort ㅡ junhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon