11

128 8 2
                                    

Minghao's POV

Mag aala-una na ng madaling araw hindi pa din ako makatulog. Pano ba naman kasi tong isa dito sabi mag momovie marathon kami. Expect ko makakadaming movie kami kaya uminom ako ng kapeng barako yung mas barako pa kay Jihoon hyung. Tangina eh isang movie palang knock out na tong si Mingyu.

Wala na kong magawa. Bored na ko. Ayoko din naman manood ng movie kasi ayoko ng nanonood ng mag isa. Si Seungkwan naman tulog na. Nag sscroll lang ako sa FB at puro selfie ni Jeonghan hyung ang nakikita ko sa timeline ko. Sarap iblock!!!! Maganda ka pero wag kang mang inggit!

Tinignan ko yung mga online. Halos lahat ng kaibigan ko tulog na. Wait hindi pala. Online si Jun hyung! Nag hesitate akong ichat sya. Hindi naman ako ganto dati. Basta basta chat lang ako pero ngayon kasi iba na. Nahihiya ako. Oo na pabebe na pero kasi di nyo rin ako masisisi ganto din naman kayo sa mga crush nyo eh. Oo crush ko na sya at kanina ko pa sya iniisip huhu. Hindi naman masamang magka crush ng lalaki diba? Hay basta naniniwala ako kay Seungkwan.

Pagkatapos ng ilang pagdadalawang isip at pagpapabebe eh sa huli chinat ko din naman si Jun hyung.


Jun Ge

Ming: hyung!

Ming: okay ka lang ba? hindi ka kasi lumabas buong maghapon eh

seen by Jun Ge

Ming: seener -____-

Ming: buti nga concerned pa ko eh tch

Jun Ge is typing...

Jun Ge: pwede ba ko jan?

Ming: ha?

Jun Ge: tabi tayo matulog

Ming: ok

Jun Ge: buksan mo pinto

OMYGASH PANO TO GUYSEU HELP BUMILIS AGAD TIBOK NG PUSO KO PANO TO PIGILIN HUHUHUHU KINAKABAHAN AKO NG SOBRA PERO SIGE BUBUKSAN KO NA ANG PINTO KYAAA

Binuksan ko yung pinto at nakita kong nakatungo sya. Damang dama ko yung hindi magandang aura sa kanya. Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Hinila nya yung kamay ko at niyakap ako.

Pinatong nya yung baba nya sa balikat ko habang yakap yakap ako ng mahigpit. Naririnig ko yung mga paghikbi nya. Bakit? A-anong problema? Gusto ko siyang tanungin kaso umurong yata ang dila ko sa sobrang shock sa mga pangyayari. Napayakap nalang din ako sa kanya nung napunta na sa pag iyak yung kaninang mga pag hikbi nya.

Ilang sandali din kaming magkayakap. Hinimas himas ko yung likod nya para kumalma sya pero mukhang wala namang effect. "Hyung ano bang problema?" tanong ko habang kumakalas sa yakap. I held his cheeks that are wet from tears. Medyo nangilid yung luha ko nung nakita ko yung mukha nya. Eyes that are too tired from crying and cheeks that are too drenched from tears that flowed. Kumirot yung puso ko kasi hindi ko siya gustong makita ng ganito ang kalagayan nya.

"Hyung ano ba kasing problema? Magsalita ka." sabi ko habang pinupunasan yung mga luha nya. Ganito din kasi yung ginawa nya sakin nung umiiyak ako kagabi.

Humikbi siya ng malakas at sumagot "B-break n-na kami." at lalong umagos yung luha nya. Pano nangyari yon? Eh monthsary lang nila kahapon ah?

Niyakap ko siya ulit. "Wag ka ng umiyak hyung." hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Masyado pa kong shocked sa mga pangyayari. Bumalik ulit ako sa pagpupunas ng luha nya. Kawawa naman si hyung :(

"Tara na sa loob." sabi ko. Binuksan ko yung lampshade at kumuha ng panyo. Nakaupo si hyung sa kama at tumabi ako sa kanya. Pinunasan ko yung mukha nyang basang basa ng luha.

"Ang sakit sakit Hao. Sobra." he said with hoarse voice then looked at me. Hindi yan si Seokmin ah hahaha. "Wag na muna nating pag usapan yan hyung. Kailangan mong mag pahinga. Itigil mo na yang iyak mo please." hindi ko alam kung nakikita nya ba yung malungkot kong expression pero bahala na. Concerned ako kay hyung.

I wiped his face for the last time and gestured for him to lay down. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit. Yung madadama nya na nandito ako, na magiging ok lang ang lahat kahit hindi ko sabihin. Tumingin siya sakin, tinignan ko din naman siya. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isat isa.

My heart is beating so loud. Bakit ganito? Naririnig niya kaya?

Nginitian ko siya. "Okay lang yan hyung. Tutulungan kita mag move on. Hindi lang ako, pati ng mga kaibigan natin. Magpapakasaya tayo." mahina kong sabi sa kanya. Nagulat nalang ako sa sunod kong ginawa. I kissed his forehead.

Yung puso ko biglang nag wala. As in parang mag cocombust na ko. Tangina i shookt myself. Bakit ko yon ginawa??? Pakshet ang bakla ko!!!!!!

Nahihiya man ako pero tinignan ko yung reaksyon nya. Nakapikit na siya. Thank God! Napangiti nalang din ako kasi yung ichura niya ngayon mas okay na kung ikukumpara mo sa kanina. Sana bukas maging ok na si hyung kasi walang magandang maidudulot tong pagpapahirap niya sa sarili niya.

Oplan move on! Tutulungan namin siya ng tropang papilicious delicious na makalimot.

"Good night hyung." i said while caressing his hair.

Confirmed. Gusto ko na nga sya...

comfort ㅡ junhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon