06

135 10 0
                                    

Minghao's POV

Pagkatapos kumain tinigil ko muna yung mga kalandian ko sa utak. Hindi pa kasi ako nakakapag review sa buong araw. Dumerecho ko sa study room at tumabi kina Seungkwan at Gyu. Parehas nila akong tinignan. "Ano ba? Ano nanamang meron?" sabi ko ng pataray eh kasi naman kanina pa iba tingin nila sakin. "Wala." sabi ni Gyu na may ngiting aso. Wala? Sigurado akong hindi "wala" lang yon. Kilala ko tong mga to.

Bumukas yung pinto, pumasok si Jun hyung at umupo sa tabi ni Soonyoung hyung. "Oh akala ko ba may date ka?" bulong ni Soonyoung hyung pero rinig ko. "Mamaya pang 6pm." sagot ni Jun hyung while smiling. I love seeing him smile. Shit. Ano ba to. Napatingin naman sya sakin habang nakangiti kasi siguro napansin nyang nakatingin ako sa kanya. Ang gwapo nya- pucha Minghao ano ba! Iniwas ko yung tingin ko at tumingin sa libro ko, kunwari nagbabasa. Iba nanaman yung pakiramdam ko. May sakit ba ko?

Tinry kong mag focus sa pag rereview. Kasi ba naman si Soonyoung hyung at Jun hyung usap ng usap. Hindi ko din alam kung bakit pero hindi ko maiwasang hindi tignan si Jun hyung. Hindi nya naman ako nahuhuli kasi tutok na tutok sya sa usapan nila ni Soonyoung hyung.

Naalis lang yung pagkatingin ko kay Jun hyung nung tumayo na sya at niligpit yung mga libro nya. Agad naman akong napatingin sa orasan, 4:30pm na. Mag aayos na siguro to para sa date nila ng girlfriend nya. Bakit ba ko may pake? Dapat nag rereview ako eh. Tch kainis. Bumalik nalang ako sa pag rereview ko kasi wala namang mangyayari kung iisipin ko ng iisipin yung iniisip ko ngayon.

Saglit lang ako nag review kasi ang sakit na ng mata ko. Gusto kong matulog pero ayoko. That feeling haha. Lumabas ako sa sala at naupo sa sofa at umupo sa tabi ni Mingyu. Hinampas ko sya sa hita. Nagulat naman sya. "Aray!" pagrereklamo nya. "Bakit ba ganyan ka makatingin? May kasalanan ka no?" sabi ko habang naka grin. Agad naman syang pumeke ng tawa "Wala ang cute mo kasi kaya sorry na~" kumapit siya sa braso ko at nagpa cute. Abnormal din tong best friend ko eh no? Wala daw pero nag sorry. Ginalaw galaw ko yung braso ko para bitawan nya. "Walang kasalanan pero nag sorry? Ano yun? Pag talaga nahuli ko yang kagaguhan mo patay ka sakin." sabi ko mukha namang takot yung itsura nya. Kahit na ganto to si Gyu, matangkad at mukhang ipaglalaban ka, may pagka duwag din to lalo na pag dating sakin haha.

Habang nagpapacute si Gyu nakita kong pababa si Jun hyung sa hagdan. Bihis na bihis ang kuya mo naka gel pa nga yata ang buhok. Natawa nalang ako habang iniisip yon hahaha. Nagsigawan naman yung mga nasa sala kasi ang gwapo ni hyung. "How to be yours po???!!" sigaw ni Soonyoung hyung. Natawa naman si Jun hyung at dumerecho sa may salamin para mag ayos.

"Okay ba?" lumingon sya kay Vernon. "Oo hyung. Sigurado mai-in love lalo si Minhee noona nyan sayo." sagot ni Vernon habang naka thumbs up. Natawa naman si Jun hyung. Hay nako nagpauto naman sya.

Maya maya lumapit siya sakin. Shit bakit. My heart is suddenly feeling weird again. At nararamdaman kong namumula ako. Pucha pano pigilan to??? Umupo sya sa tabi ko at inakbayan ako. Tangina. "Ayos lang ba yung suot ko?" tanong nya habang nakatingin sakin. Ako naman hindi makatingin sa kanya kasi pucha feeling ko pulang pula na ko. "A-ah... Oo ayos naman." sabi ko. Tumayo sya agad at nag paalam na sa iba. Nag good luck yung iba sa kanya. Ano yon magproprose na ba? Maka-goodluck naman tong mga to.

Halos lahat kami nasa living room nanonood ng tv show. Si Jihoon hyung, Jisoo hyung at Seokmin nasa loob ng study room. Naalala ko naman bigla yung unstable kong puso. Hahaha. Nilapitan ko si Jeonghan hyung at kinausap sya.

"Hyung magpapaconsult sana ako." sabi ko. Natawa naman sya. "Haha sige sige ano yon?" Hindi ko alam kung pano ko i-eexplain pero kasi nakakabother na. "Kasi simula kaninang umaga iba na yung nararamdaman ng puso ko. May mga times na ang hirap huminga sa sobrang bilis ng tibok." Tumingin naman ng masama si Jeonghan hyung sakin. "Sinong kasama mo pag nararamdaman mo yan?" sabi nya habang kinakapa kapa yung sa may chest ko. Yes naman Dr. Yoon haha. "Si... ano... Jun hyung." sabi ko pero feeling ko namula ako bigla shet. "Tanga ka ba? Medicine student ako. Hindi ako love expert." natawa sya. Huh?? Natanga pa ko ah. "Love expert? Bakit naman sa love expert ako magpapaconsult?" sabi ko. "In love ka, wala kang heart ailment okay? Halatang halata. Namumula ka pa" in love daw pota. Napahawak naman ako sa cheeks ko. Ugh nakakahiya.

Sa totoo lang maniwala man kayo o hindi, never pa kong nagka-crush. Siguro meron pero hindi sobra at hindi nagtatagal. Masyado kasi siguro akong focus sa friends and family ko. Naks haha. Hindi ko alam tong sinasabi ni Jeonghan hyung kasi ngayon ko lang to naramdaman. Sinasabi nya bang in love ako kay Jun hyung? Baka sya ang tanga eh lalaki yon eh!

"In love?! Kanino kay Jun hyung?" napahina bigla yung boses ko don sa last na sinabi ko. Nag nod sya habang nakangiti. "Baliw ka ba hyung eh lalaki yon eh!!" lalaki si Jun hyung kaya imposible talaga. "So? tignan mo namumula ka nanaman." sabi nya. He giggled. Tangina Jeonghan hyung. "Hay nako ewan ko sayo hyung sa totoong doctor nalang ako magpapaconsult." sabi ko at tumayo para pumanhik sa kwarto. "Wag na magsasayang ka lang ng oras." he said while chuckling.

Pagka higa ko sa kama saka ko lang narealize na hindi pa ko nakakapag check ng messenger buong araw. Baka nag message sakin si mama. Kaya kinuha ko yung phone ko at chineck yung messages. Wala pang message si mama, baka busy pa sa trabaho. Nagscroll ako at nakita ko yung group chat namin. Ano nanaman kayang pinag usapan ng mga to.

Nag backread ako. Tangina kaya pala iba tingin sakin ng mga mokong na yon. Makakatikim talaga tong mga to sakin!!!

PAPALICIOUS DELICIOUS

HaotAF: tangina nyo ha

HaotAF: kaya pala parang ang bait bait nyo sakin kanina pa

HaotAF: kung makapag usap kayo parang di ako kasali dito sa gc ah

HaotAF: GUSTO KONG MANAPAK YUNG SOLID

HaotAF: WAIT LANG KAYO MAG WAWARM UP LANG AKO

comfort ㅡ junhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon