18

155 10 2
                                    

Minghao's POV

Ilang araw na din nakalipas, break nanaman namin. 3 days break after exam week then rak nanaman sa school. Ewan ko ba dami naming bakasyon. Kakainggit no? Hahahaha. Minsan dito natutulog sa kwarto si Jun hyung. Tumigil lang sya nung nagsuspetsya na yung mga kaibigan namin kung ano ba talagang meron samin. Eh ako nga hindi ko din alam kung anong meron samin.

The last time Jun hyung slept beside me, he held my hand. Ilang oras na din yon nung nagpasya kaming matulog. Nagulat nalang ako nung hinawakan nya yung kamay ko. Akala niya siguro tulog na ko eh never naman naging maayos ang tulog ko kapag mag katabi kami. Ang gulo diba? Bakit niya gagawin yon? Pero ayokong mag assume eh. Binitawan niya din naman yung kamay ko after a while.

First day ng break namin kaya magpipicnic kami sa Han River. Bukas kasi hindi na kami kumpleto. Si Gyu, si Chan, si Jisoo hyung, at Soonyoung hyung uuwi sa kanila mamaya.

10AM ang usapan namin na departure time namin dito sa bahay kaso 9:30 na hindi pa tapos magbihis yung iba. Yung iba naman naliligo pa. Nasa kitchen ako tinutulungan mag pack ng mga pagkain si Jeonghan hyung. Si Gyu at Seok naman may hinahabol pang iluto. Sa dami kasi namin you know, yung iba pa naman samin gahaman sa fud my gad stressful.

Maya maya may umakbay sakin, kahit hindi ko tignan kung sino alam kong si Jun hyung to. I know his scent and how it feels whenever our bodies touch. "Ano yan?" he asked. He's so close I can feel his breath in my ear. My heart beat is going too fast. "A-ah... ano yung pagkain natin para mamaya." sagot ko. "Ang aga aga naglalandian. Wag dito uy baka mapanis mga pagkain natin!" bumitaw naman agad si Jun hyung dahil sa sinabi ni Jeonghan hyung. "Hyung wag nyo na nga kaming asarin ni Hao. Alam mo namang parang kapatid ko na yan." Tangina I whispered.

Maingay sa byahe. Well what do you expect from 13 boys? Katabi ko si Gyu at si Seokmin. Naglalaro kami ng Temple Run, kung sino may lowest score tatalon sa Han River. Hahaha joke. Ewan walang consequence. Kung sino nalang matalo panget hahaha. Pagtapos naming maglaro nakinig nalang ako sa mga nagkkwentuhan. Si Soonyoung at Seungkwan kung ano anong joke pinagsasabi, tawa naman ng tawa yung iba. Ang ingay pero masaya. I diverted my gaze to where Jun hyung is seating. He looks happy.

Sana ganito lang lagi, yung lagi siyang tumatawa. Nung isang gabi kasi umiyak nanaman siya. Akala ko tuloy tuloy na yung progress ng pag momove on niya. Hindi pa pala. Akala ko sapat na yung nandito ako, hindi pa pala. I heard him sobbing that night, he was lying beside me with his back against me. Tinanong ko kung bakit. Madami lang daw siyang narealize. Na baka hindi daw talaga siya minahal ni Minhee. Kasi after nung break up nila sa phone call, he never heard from her again. Ni sorry or whatever wala man lang. Binlock pa siya sa Facebook. I told him to stop thinking about those things because it wouldn't help him. Kung hindi siya mahal edi wag niya ng habulin, he deserves better. Napatingin sakin si Jun hyung, nginitian niya lang ako which I gladly answered with a smile too.

Pagdating namin sa Han River, kumain na agad kami. Gutom na kami kasi mag 1PM na kami dumating. Ang traffic kasi huhu. After kumain nagsialisan na din yung iba para maglibot libot. "Hao sama ka sakin." pagyaya ni Jun hyung. "Saan?" I asked. "Mag rent tayo ng bike." sabi niya habang nakangiti. "Ayoko si Chan nalang yayain mo." pabebe ng konti hehe pero gusto ko talaga. "Magbabasketball sila eh. Tara na." sumimangot ako pero sumama na din naman ako part ng acting yon haha. Hinila niya ko papunta don sa rentahan ng bike. Ako yung nakaangkas sa kanya pfft. Binilisan niya yung pagpedal sa bike dahilan para mapasigaw ako kasi muntik na kong mahulog. Nahampas ko naman siya sa likod habang tawa siya ng tawa. "Kumapit ka kasi sakin!" sabi niya. Kanina ko pa talaga gusto kumapit eh kaso lang nahihiya ako. "Kumapit ka Hao~ Bibilisan ko yung pagpapatakbo." he exclaimed excitedly. I wrapped my arms around his waist and he sped up.

Nakailang ikot din kami. Tumigil lang kami nung nagreklamo na ko kasi ang sakit na ng pwet ko sa pagkakaupo. Itinigil ni Jun hyung ang bike at umupo kami sa damuhan.

Silence. Ang awkward. Tumitingin tingin lang ako sa paligid, kunwari may hinahanap. "Hao..." he called my name. And every time he does that, I just want to inhale his voice. I looked at him and answered him with a "Hhmm?" he hesitated but he still spoke. "Kanino ka inlove?" I felt my heart jump when I heard his question. How am I supposed to answer that? Kahit na mahangin at malamig dito, I can feel myself sweating from being too nervous. Odg help me. He took my hand... I... I- Putangina! Pwede mahimatay?

"Kanino ka inlove Hao?" he repeated his question. I gulped. He's still holding my hand. Nagkatinginan kami. His eyes stared at me, looking for an answer. "Wa-wala yon. Hindi big deal." was all I can give as an answer. He smirked while looking down at our hands. "Alam mo kasi..." he started speaking, still looking down while fondling with my hand. "Parang g-"

"HAOOOOO!!!!! JUN HYUNG!!!!!!!" parehas kaming napalingon sa sumisigaw na si Seungkwan. Tangina naputol yung moment namin. May sasabihin si hyung eh! Ugh. Jun hyung let go of my hand and i felt a little disappointed. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na lumapit kay Seungkwan. "Ano yon bat ka ba sumisigaw?" I asked in an irritated tone. "Eh kasiiiii wala lang. Aalis na daw tayo. Ihahatid pa natin yung iba sa terminal ng bus eh." Seungkwan explained.

Naglalakad kaming tatlo pabalik sa van. Awkward kasi walang nagsasalita. "Nagulo ko ba yung pagmomoment nyo? Sorry ah... ituloy nyo na ngayon mahaba haba pa naman yung lalakadin eh. Sige bye!" sabi ni Seungkwan sabay takbo. "Huy anong moment?! Hindi ah! Huyyy pakwan!!!" hinabol ko si Seungkwan at hinila yung kamay ni Jun hyung. Wala na din siyang nagawa kundi tumakbo din.

Ayoko na din kasing ituloy yung nangyari kanina kasi nakakahiya. At saka ayokong mainterogate ulit no! Magkakasakit na yata ako sa puso nito eh huhu.

Pagkahatid namin kela Gyu sa terminal dumaan lang kami sa drive thru at dumerecho na sa bahay. After nung nangyari kanina hindi pa din kami nag papansinan ni Jun hyung. Hindi ko din naman kasi alam kung anong sasabihin ko kung papansinin ko man siya.

Pagdating sa bahay dumerecho ako sa kwarto. Gusto ko lang matulog maghapon. Bumukas yung pinto Si Gyu yun agad ang nagregister sa utak ko pero ang tanga ko kasi umuwi nga pala si Gyu sa kanila. The footsteps became closer until a body slid next to me. Si Jun hyung. I turned to face him. Shit we're too close. I'm flustered again, I know. I tried to back away but he resisted. He snuggled into my cheeks. I felt his lips brush my cheeks for a moment. I cant omfg. "Tulog tayo." he murmured. "Y-you're so weird. Di ko maintindihan-" I whispered. "I know. I'm confused too." he answered in a sleepy soft voice.

Ano bang nangyayari? May dapat ba kong asahan? Pero kasi lately hyung has been acting differently pero ayokong bigyan ng meaning. He gives me hugs, so what? He's hugging the others too. He's been clingy, but he always has been with the others. He holds my hand, he did it with Minhee but that doesn't mean he has feelings for me like he has for her right? This is what's hard when you get attached to clingy people. You can misinterpret their actions if you don't pay attention. Ugh. Why does everything have to be this complicated :(

comfort ㅡ junhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon