04

177 11 2
                                    

Minghao's POV

Nagising ako dahil sa ingay ng messenger app sa phone ko. Nagulat ako ng nakita kong katabi ko si Jun hyung. Mas malala pa don, magkayakap kami. Napatingin ako sa mukha nya. Tulog pa sya at naririnig ko ang bawat paghinga nya. Napatulala ako sa mukha nya kasi kahit ayaw ko man aminin, ang gwapo gwapo ni Jun hyung.

Di ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya. Patuloy pa din ang pagtunog ng cellphone ko. Natauhan nalang ako ng biglang gumalaw ng bahagya yung ulo ni Jun hyung. Shet. Bat ako nakatitig???

Naitulak ko sya at nahulog siya sa kama. "Ah! Aray!" sigaw niya. Umupo sya sa sahig at tinignan ako ng masama. "B-bakit tayo magkatabi ha??" pasigaw kong tanong. Kumamot siya sa ulo nya at tumayo. "Baka kasi hinala mo ko sa kama mo?" sabi nya at nagdive sa kama ko at niyakap ulit ako. He buried his face on my neck. Hindi ko man nakikita ang mukha ko, ramdam kong namumula na ko.

Tinulak ko siya ng malakas dahilan para mahulog ulit siya sa kama. "Aray ha!" sigaw nya sakin. "D-dun ka na nga m-matulog ulit sa kwarto nyo!" tinarayan ko siya habang nakatungo para hindi nya makita ang tomato face ko.

Inis siyang tumayo at lumabas sa kwarto. Oh gad. Anong ginawa ko sa kanya kagabi? Hinila ko daw sya?? Ugh nakakahiya asdfjsghgjd. Pero yung ginawa nya kanina. Yung... yung ginawa nya... iba yung naramdaman ko. Napahawak ako sa leeg ko at ramdam kong namumula ulit ako dahil nag flaflashback yung nangyari kanina ><

Tumunog ulit yung cellphone ko. Umagang umaga nangbubulabog ang mga panget. Binuksan ko ang phone ko at nagulat ako sa nakita ko sa gc namin.

"KIM MINGYU!!!!!"

Lagot talaga sakin tong putapete na to. Bebe boi qouh #17 pala ha gagu lintik lang ang walang ganti! Wala na kong pake kahit may muta pa ko or ano pa tinakbo ko na yung kitchen. Napatingin silang lahat sakin at nakita ko yung gulat na mukha ni Mingyu. Dumerecho ako sa kanya at binatukan sya. "Gago pakyu anong kasalanan ko sayo ha" sabi ko habang nanggigigil at sinasabunutan siya. "Aray aray hao! Masakit!" sabi nya habang sinusubukang tanggalin yung kamay ko sa buhok nya. "Talagang masakit! Diba naghahanap ka ng sakit ng katawan ha? O ito na makukuha mo na!" sabi ko habang patuloy ang pagsabunot at gigil na gigil. Hindi naman ganon kalala yung pagsabunot ko sa kanya. Biro lang talaga yon na may halong gigil. Yung iba nagtatawanan sa table sila Seungcheol hyung naman pinipigilan ako. Binitawan ko si Mingyu at sinapok sa mukha pero mahina lang.

"Wooh! Grabe ah good morning Hao." sabi ni Mingyu habang inaayos ang nagulo nyang buhok. "Talk to the hand paker ka." tumawa naman yung ugok. Napatingin ako kay Soonyoung hyung habang kumakain at iba yung tingin nya sakin. "Ano?" sabi ko. "Wala lang mukhang masarap ang tulog mo eh." sabi nya at sumunod na yung iba sa pang aasar. "Two timer pala yon si Jun hyung?" sabi ni Chan. Wtf? Tinuloy ko lang yung pagkain ko. Hindi ko na sila pinansin baka may masama pang mangyari. "Sinong two timer?" Napalingon ako sa likod ko. Si Jun hyung bihis na bihis. Umupo sya sa harap ko at nagsimulang kumain.

"Oh bat bihis na bihis ka?" tanong ni Jeonghan hyung. "Aalis ka?" tanong ni Soonyoung. "Oo eh. Bibili ako ng regalo para kay Minhee." Tch. Minhee nanaman. Puta walang forever hoy! "Monthsary namin." nangingiti nyang sabi. La akong pake.

"Monthsary nyo pala eh bakit kagabi kayo ni Minghao ang magkatabing natulog ano hyung two timer ka na talaga?" sabi ni Vernon. Nasamid naman ako dahil napunta nanaman don yung topic. Ang gago talaga ni Mingyu nakakainis. "Ha?" Napatingin naman si Jun saming lahat. "Check the group chat." sabi ni Joshua hyung. Chineck naman ng mokong at natawa sya. Anong nakakatawa? Ugh. "Si Hao kasi hinila ko sa kama nya kagabi. Nakatulog na tuloy ako don kasi ayaw nya kong bitawan." Shit. "Oh bat namumula ka Hao hyung?" pang aasar ni Seungkwan. Napatungo naman ako. Kingina bat ako ginaganito hindi naman ako masamang tao di ko to deserve. Nagpatuloy yung asaran sa table habang ako hindi nalang umiimik kasi baka ma-high blood lang ako.

comfort ㅡ junhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon