Minghao's POV
Nagising ako ng medyo maayos na yung panahon. Hindi katulad ng kagabi na malakas ang ulan. Naalala ko tuloy bigla yung kagabi yung pag iyak ko at saka... si Jun hyung. Panaginip lang ba yon? Nung nagising ako wala naman akong katabi, pero naaamoy ko si Jun hyung sa kama ko. Ang bango ugh.
Kagabi sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang yakap ako ni Jun hyung. Hindi dahil sa natatakot ako sa kulog at kidlat, kundi dahil yakap nya ko at sobrang lapit namin sa isat isa. Hindi ko pa din maipaliwanag kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Ayokong sabihing kinilig ako kasi hindi, hindi pwede. Sobrang sobrang gulo.
Hindi ko inexpect na yayakapin ako ni hyung kagabi, kasi ang kailangan ko lang naman ay katabi. Kapag si Gyu tumatabi lang sya sakin, walang yakapan na nagaganap. Ok na kasi sakin yung alam kong may katabi ako. Nagulat ako nung yumakap sya, namula pa nga yata ako. Pero hindi ko idedeny, yung yakap nya nakakapagpakalma. Isa yung yakap nya sa gusto kong maranasan ulit. Oo na. Ang weird pero kinilig ako.
Tumingin ako sa kama ni Gyu, wala na sya don. Baka nasa baba na naghahanda ng almusal namin. Humiga ulit ako sa kama at nag-cellphone. May mga message galing don sa apat na chismoso.
ㅡ
Horseok
active nowHorseok: Hao hao
Horseok: Sorry na
Horseok: Saka wag ka na magalit kay Gyu. Hindi lang naman sya ang may kasalanan eh. Kami ding tatlo nila Kwan at Hoshi hyung.
Bahao: Ok na ko seok. Sorry din kung nagalit ako kagabi :)
Hoshhhh
active 10 hours agoHoshhhh: Hi Hao hehehehehehe sorry naaaaaaa
Hoshhhh: sige naaaa ilalakad nalang kita kay Jun ;)
Hoshhhh: ahahaha joke lang wag kj hahahahahahahaha
Hoshhhh: kiss nalang kita lika do tooooo
Haoooo: ano ba nag sosorry ka ba talaga eh nang aasar ka pa yata hyung
Haoooo: ok na ko hyung sorry din :(
Boowaya
active 11 hours agoBoo Seungkwan changed Xu Minghao's nickname to Pamingta
Boowaya: oy hao
Boowaya: arte mo ha
Boowaya: wag mo na itago filings mo kay jun hyung
Boowaya: kinwento na sakin ni inang jeonghan
Boowaya: go for it gerl
Boowaya: supot!
Boowaya: supot yung english ng suporta
Boowaya: and im so much sorry about um
BINABASA MO ANG
comfort ㅡ junhao
Cerita Pendekin which junhui and minghao turn to each other to find comfort. "why is my heart beating so loud? bakit ba ganito? naririnig nya kaya?"ㅡ x.m.h.