29

130 7 0
                                    

Jun's POV

"Jun!" tawag ni Seungcheol hyung.

"Bakit?" tanong ko habang hindi inaalis ang mata ko sa pinapanood naming drama sa TV.

"May itatanong lang ako."

Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa pinapanood namin.

"Ano yon hyung?"

"Dun tayo sa kwarto. Medyo private kasi."

Wow ha. Ano naman kaya yon? Madalas kay Jisoo hyung siya humihingi ng payo bakit kaya ngayon ako ang kinukulit niya?

"Ayokooo. Dito nalang nanonood ako eh."

Tumayo si Seungcheol hyung sa sofa at hinila ang kamay ko. "Tara na. Mamaya na yan i-pause mo muna."

"Ano ba yan exciting na yung mga nangyayari eh. Feeling ko talaga si Sunny si Sunhee eh. Magkapatid talaga sila ni Goblin!"

"Napanood ko na yang episode na yan. Ikkwento ko nalang sayo."

Saming lahat si Seungcheol hyung ang pinaka-addict sa kdramas kahit hindi halata. Kahit exams namin pinapanood niya tong Goblin. May isang araw na pinatay ni Jeonghan hyung yung wifi namin kasi hindi makapagfocus si Seungcheol hyung sa pagrereview. Grabe.

"Sshhh! Wag kang spoiler! Sige na nga tara na." sabi ko at pinause yung TV.

"Hoy ano?!" sigaw ni Wonwoo.

Oo nga pala nanonood nga din pala siya. Haha. Pinakiusapan kong i-pause niya muna.

"Babalik ako agad. Wag mo i-play habang wala ako ha!"

"Oo na. Bilisan mo na."

"Promise?" Ayokong maunahan niya ako. Feeling ko kasi may revelation na magaganap sa episode na to.

Sinamaan ako ng tingin ni Wonwoo. "Para kang ewan. Oo na promise!!"

"Ano ba yon hyung? Bat kailangan dito pa tayo?" tanong ko pagkapasok namin sa kwarto nila.

Umupo siya sa kama niya at umupo naman ako sa kama ni Jeonghan hyung na katapat nito.

"Kasi... nag-confess na ko don sa nagugustuhan ko. Pero parang wala lang sa kaniya." sabi niya ng pabulong.

As expected from Seungcheol hyung. He is someone that is brave enough to confess and voice out. He is someone who does not hold back. Lahat ng gusto niyang sabihin sinasabi niya. In short, he's someone who is very straightforward.

Kung may ayaw siya sayo sinasabi niya. Kung may dapat kang baguhin sinasabi niya. Nung una medyo natatakot pa kami sa kaniya pero nasanay na din kami. Narealize din kasi namin na all of those are for our own good. Kung gano kadalas siya pumuna, ganon din naman siya kadalas mag compliment. Basta lahat ng gusto niyang sabihin sinasabi niya.

It's a good thing din kasi siya ang pinaka matanda samin. He is someone who can point our flaws and strengths and give us lessons.

"Um... okay? So nanghihingi ka sakin ng advice, hyung?" He nodded with his lips pursed.

"Ano bang gusto mong advice? I mean saan don? Eh diba nakapag confess ka na nga?"

"Oo nga nag confess na ko. Pero parang wala lang sa kaniya. Ano bang dapat ko pang gawin?" He whispered.

"Kailangan ba talaga pabulong? Haha. Edi pormahan mo na! Aware naman na siya eh." sabi ko with confidence.

"Hindi kasi ganon kadali. Ang hirap makuha ng loob niya-"

Naputol ang pagbulong ni Seungcheol hyung ng pumasok si Jeonghan hyung sa kwarto nila.

"Hi! Anong meron?" tanong ni Jeonghan hyung. Tumabi siya sakin at humarap kay Seungcheol hyung at inulit yung tanong niya.

"Uh... um. Wala ano... nagpapatulong lang si Jun sa um... sa Autocad."

"Ha? Hindi ah."

Napatingin naman saming dalawa si Jeonghan hyung. Confused.

"Si Seungcheol hyung kasi nanghihingi ng advice sakin. Nagconfess na kasi siya sa crush niya kaso parang wala daw pake."

I saw Seungcheol hyung mutter "Shit." mali ba yung ginawa ko? Bestfriends naman sila ni Jeonghan hyung kaya inassume ko na alam din niya yung tungkol sa crush ni Seungcheol hyung.

"Ah... Sige. Ako nalang magbibigay ng advice dito kay Cheol. Ituloy niyo na yung Goblin sa baba Jun. Iniintay ka na ni Wonwoo."

Hay buti naman! Tumayo ako sa kama at nagpaalam sa kanilang dalawa. Kaso parang ang sama yata ng tingin ni Jeonghan hyung kay Seungcheol hyung. Siguro kasi di pa nasasabi ni Seungcheol hyung kay Jeonghan hyung yung tungkol don? Baka nagseselos kasi ako unang nakaalam.

Aish ang daldal ko kasi eh. Hay magsosorry nalang ako kay Seungcheol hyung mamaya. Tatapusin ko muna tong Goblin.

ㅡㅡㅡ

Long time no update haha sobrang busy sa school tapos OJT pa namin this summer huhu. Junhao fic pa din to ah gusto ko lang isingit Jeongcheol kasi too much feels ginawa na nilang WGM yung OFD kaloka hahaha.

P.S. ANG GANDA NG GOBLIN 😭

comfort ㅡ junhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon