02

237 12 10
                                    

Jun's POV

Nakaidlip pala ko sa pagkakayakap ko kay Vernon. Nagising nalang ako nung tinapik nya ko. Nandyan na daw sila Seungcheol hyung. Kakain naaaa!!!!!

Bumili sila Seungcheol hyung at Jisoo hyung ng jajjangmyeon para saming lahat at dalawang malaking box ng chicken. Nagutom ako bigla huhu.

Tinawag na nila Seokmin at Vernon yung iba sa study room. Ako naman tumulong na kela hyung sa paghahanda ng pagkain. Gutom na din kasi ako kahit kakagising ko lang at wala pang nagagawa hehe.

Nagsiupuan na ang lahat sa mesa. Mukhang gutom na din sila. Maingay sa mesa, nagkukwentuhan, yung iba naman nagrereklamo dahil sa exams. "Oh nasan si Minghao?" tanong ni Jeonghan hyung. Oo nga no? Ngayon lang namin napansin. "Tawagin mo nga Chan. Malamang gutom na din yun." sabi ni Seungcheol. "Bakit ako hyung?" reklamo nito habang nakakunot ang noo. "Ikaw kasi pinakabata~" sabay naming sabi ni Soonyoung. Nagtawanan yung iba habang si Chan pinuntahan na si Minghao para tawagin. Ganito kasi lagi ang dahilan ni Seungcheol hyung kapag inuutusan nya si Chan at ayaw nitong sumunod.

Bumalik si Chan na kasunod si Minghao. Mukhang nakatulog sya. Gulo gulo pa ang buhok nito. Ang cute nya! Gusto ko sya i-squish huhu. Umupo na si Minghao sa bakanteng upuan sa tabi ni Chan at nagsimulang kumain. Kaming dalawa lang ni Minghao ang chinese dito pero hindi kami sobrang close. Mas ka-close nya yung mga mas bata sakin. Pero ok lang din naman kami. Isa sya sa pinaka-cute na dongsaeng ko dito sa apartment. Kaso may pagka-mataray tong si Minghao eh. Nung isang beses na nilambing ko sya nainis ba naman. My heart was hurt, tbh I can still feel the pain. Haha joke. Ayaw nya yata sa mga clingy. Kaya madalas ko syang iniiwasan pag umaatake yung pagka-clingy ko baka kasi hindi sya komportable sa ganon. Kaya kay Chan at Vernon ako lagi naglalambing. Si Seungkwan kasi maarte din yun ayaw din minsan ng nadidikitan haha.

Si Jihoon wala din dito. Nandon sa kwarto nila ni Wonwoo. Tatawagin na dapat ni Seungkwan eh kaso pagkakita nya sa tapat ng pinto may note na "DO NOT DISTURB OR ELSE..." ayon alam na namin ang meaning nung or else. All caps pa yung note kaya di na namin inabala. Baka masumpa lang kami hahaha. Bababa naman yon dito pag gutom na sya.

Natapos na kong kumain. Nakikinig nalang ako sa usapan ng mga dumadaldal sa table. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Soonyoung na nakikipag-kwentuhan. Hindi ko type tong mga kaibigan ko ah may girlfriend kaya ako. Monthsary nga namin bukas eh haha kaya bukas may date ako. "Anong oras ka na nagising?"  tanong sakin ni Soonyoung. Napaangat yung ulo ko sa balikat nya. "Hmm maaga." Napasama naman yung tingin sakin ni Soonyoung "Maaga? Eh hanggang 2am yata kayo magkausap sa phone ng girlfriend mo ang ingay ingay mo." Ngumiti naman ako sa kanya "Sorry hehe."

"Kakagising mo lang kaya. Di ka pa nga nagrereview." pagsabat ni Minghao. "Reviewing is not my style." sabi ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay. "Palibhasa matalino ka! Yabang mo talaga." sabi nito at tumayo sa inuupuan nya. "Luh. Masyado ka namang seryoso inaano kita?" sabi ko. "Turuan mo ko sa Calculus." sabi sakin ni Minghao. Kahit naman mukhang pa-chill chill lang ako may katalinuhang taglay din naman ako di lang halata. "Ang taray taray mo. Ayoko." sabi ko sa kanya. "Hindi naman ako mataray ah. Normal lang to sakin." sabi nya with a poker face. "Pilitin mo muna ko." i said with a grin. "Tch. Sige naaa~" Cute. "Sige na please?" Ang cute cute nya asdfjdgshg. "Sige na hyungg~" dammit nababakla ako. Mahilig kasi ako sa mga cute. Katulad ni author hahahaha omg landi ko. "Sige mamayang after dinner tuturuan kita. Magrereview lang din ako sa mga subjects ko." Nagrereview din naman ako. Ano akala nyo sakin genius na di na kelangan magreview? Medyo slight pero humble kasi ako eh. "Papayag ka din naman pala eh."

comfort ㅡ junhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon