Sander's POV
Nakatayo ako sa harap niya, nanginginig buong katawan at kinakabahan sa posibleng sabihin niya.
Alam ko bestfriend ko siya pero ang hirap pala.
Ang hirap pigilan nung nararamdaman ko sa kanya.
Hindi ko alam na nagkakagusto na pala ako sa kanya. Sa lahat ng flaws niya, kung sino siya mismo mo minahal ko na. Mahirap man paniwalaan na ako, si Sander magkakagusto sa isang babae.
Siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganito.
"S-Sander, a-ano ito?" Napangiti naman ako sa tono ng boses niya.
"Diba sinabi ko sayo na kung sino yung gusto ko, may ibibigay ako sa kanya."
"Oh, bakit ako nadamay?" Natawa ako sa mukha niya kasi mukhang inosente. Pagka-abot ko sa kanya nung box natigilan siya.
"W-wag mong sabihin na ako?" Nginitian ko lang siya at natawa.
"Ikaw. Ikaw Audrey Jillian Gonzales ang gusto ko." lahat ng courage ko ginamit ko para sabihin sa kanya yan.
"Bakit ako? I mean madami pang iba diyan na mas maganda ah."
"Ayaw mo ba? Hindi naman ganda lang ang hanap ko. Yung pag-uugali din kasi."
"Sander.. I'm sorry pero pag-iisipan ko muna." Agad akong natigilan sa sinabi niya. Alam ko naman mangyayari 'to, kasi turing lang niya talaga sa akin ay bestfriend. Dati pa nga nagkagusto siya kay Vince eh.
Hindi ko tuloy alam kung masasaktan ba ako sa sinabi niya o ano eh. Pero sanay naman akong masaktan eh.
"Ganun ba? Sige tanggapin mo na lang 'tong box na yan." Inabot ko sa kanya ito at tinignan ulit siya. Nalulungkot yung mukha niya at parang iiyak na.
"Sorry Sander." Niyakap niya ako bigla ng mahigpit at niyakap ko din siya. For once, ngayon lang. Mayakap kita ng matagal.
Siguro kailangan ko lang maghintay.
"Kahit na sabihin mong pinag-iisipan mo pa lang, gagawin ko lahat para sayo Audrey."
Hindi ko siya susukuan basta-basta.
xx

BINABASA MO ANG
euphoria // jk x joy
Historia Corta[CHAT SERIES #1: JOY X JUNGKOOK] "Cloud Villanueva nga pala." #142 in ss