xlvi

91 3 2
                                        

Audrey's POV

Pagkababa ko sinilip ko muna mula sa hagdan kung sino yung nasa sala. Nakatalikod siya at yung buhok niya brown.

Parang pamilyar siya.

Wag kong sabihin ito yung lalaking sinusundan ako sa school at yung chinachat ako?

Tuluyan na akong bumaba at naglakad papunta sa sala. Paglapit ko ay napalingon siya at tumayo agad.

Siya nga.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko sa kanya. Wala ako sa mood makipagusap lalo na sa mga weirdong sinusundan ako tulad niya. Napakamot siya sa batok niya.

"Audrey, kasi ano gusto kitang ayain sa-"

"Hindi pwede, may lakad ako mamaya." Pagputol ko sa sasabihin niya. Nanlaki naman mata niya.

"Okay lang, sa ibang araw kaya? May importante lang ako ikwekwento sayo." Kumunot noo ako.

"Tungkol saan?" Ako naman nacurious.

"Ano ba ang natatandaan mo sa nangyaring akskdente sayo?" Napaisip ako.

Ano nga ba?

Ay tanga may amnesia ka malamang hindi ko alam.

"Hindi ko maalala. Pero ang kwento nila nabagok ako."

"Yun lang?" Aniya ng lalaking malaki ilong.

"Oo, ano bang problema? At kung umasta ka parang alam mo lahat ng nangyari ha?" Pananaray ko ulit.

"Alam ko nga." Nagulat naman ako.

"Kaya sana, humihingi ako ng oras mo para masabi ko sayo lahat." Hindi ko alam kung dapat bang paniwalaan siya kasi kakakilala ko lang rin naman sa kanya. At wala nga ako maalala tungkol sa kanya.

Pero siguro pag tumagal maalala ko.

"Sige. Sasabihan kita kung kailan ako pwede."

"Talaga?!" Nakangiting sambit niya.

Ang cute niya ha.

Ang joke magagalit si Sander.

"Oo nga. Ano gusto mo bawiin ko?" Umiling siya.

"Nga pala, anong pangalan mo ulit?"

"Cloud Nathan Villanueva at your service." Nag-bow pa siya sa harap ko. Ang cute niya shet.

"Sige. Cloud, chat na lang tayo at sa susunod na lang ulit. Umalis ka na." Tinaboy ko na siya palabas.

"Salamat Audrey!" Paalam niya habang paalis siya. Pinagmasdan ko kotse niya paalis.

Cloud Nathan Villanueva.

Familiar nga sa akin.

Pero hindi ko pa masyadong maalala.

Importante ba siya sa akin?

----

xx

euphoria // jk x joyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon