liii

63 3 0
                                    

Third Person's POV

"Thank you Cloud. For making me feel better." Aniya ni Audrey.

"Wala yun, alam ko naman na nahihirapan ka ngayon eh." Tumango si Audrey sa sinabi ni Cloud.

"Sige na umuwi ka na. Hahanapin ka na sainyo."

"If you need anything alam mo naman na andito lang ako palagi okay?" Mukhang nagulat si Audrey ng ipatong ni Cloud ang kamay niya sa tuktok ng ulo niya at ginulo-gulo pa buhok niya.

"Goodnight Audrey." Pero mas lalong kinagulat niya yung malambot na labi na dumampi sa pisngi niya.

"Sweetdreams." Habang pinagmamasdan niya siya paalis, napahawak siya sa puso niya dahil sa lakas ng tibok nito. Hindi niya maexplain kung ano yung nararamdaman niya.

Kakaibang tuwa at kilig ang naramdaman niya.

Agad na lang siya napangiti at pumasok sa bahay nila na tila di pa rin alam kung totoo ba yung nangyari o ano.

Habang sa 'di kalayuan nakatingin lang siya. Pinagmamasdan ang bahay ng mahal niya. Nung makita niya ang ginawa ni Cloud kay Audrey parang tinusok-tusok yung puso niya ng ilang beses.

"Bakit kailangan sa lalaking yun ka ma-fall? Bakit sa lalaking niloko ka nung una? Andito naman ako na totoong minahal ka." Bulong niya sa sarili niya. At pumatak na ang luha niya.

Pinaandar niya yung sasakyan at sinundan yung si Cloud.

Nakarating si Sander sa tapat ng bahay ni Cloud. Di kalayuan naka-park yung kotse niya. Para di masyadong mahalata na sinundan niya. Nang na-park yung motor, tumayo sa tabi ng motor niya.

Nakita ni Sander na may tinawagan siya sa phone niya kaya sinubukan niyang medyo lumapit sa kanya para marinig yung usapan.

Nagulat din si Sander kasi biglang nag-ring cellphone niya. Tinignan niya caller id at si Cloud yung tumatawag.

Walang kamalay-malay, sinagot niya yung tawag.

"Hyung."

"Problema mo Cloud?"

"Sasabihin ko naman sayo yung nangyari. Nag-abala ka pa sundan ako." Sa di kalayuan nakatingin na pala sa direksyon ko.

"Pag-usapan natin 'to hyung. Ayoko ng gulo at away."

"Usap? Walang ganon Cloud. Malaman ko lang ang sikreto mo sirang-sira ka na." Mariin na sabi ni Sander sa kanya at binabaan niya ito.

Nag-drive na paalis si Sander at hindi na tinignan si Cloud mula sa likod niya.

Sa kabilang dako naman, nakatulala siya sa kwarto nila. Nagulat sa nangyaring ganun kasi huling malakas na tibok na puso na naramdaman niya ay 2 years ago.

Kay Leo.

Umiling-iling si Audrey at nagtata-talon sa kama niya.

"Hindi ko siya gusto hindi ko siya gusto hindi ko siya gusto hindi ko siya-" nadulas siya sa pagtatalon at napahiga sa kama niya.

Agad siyang napatitig sa kisame.

"Kaso may mali eh." Agad napaupo siya sa kama.

"Kahawig siya ni Leo. Posible kayang magkamag-anak sila?" Bulong niya sa sarili. Umiling na lang siya at ginulo-gulo ang buhok niya.

"Jusko nababaliw na ako." Napahiga siya ulit. Kinuha niya phone niya at hinanap ang number niya.

"Audrey?! Salamat naman at tumawag ka! Antagal ko ng hinihintay-"

"Sander, hindi ako tumawag dahil makikipagbati ako. Gusto ko lang malaman mo na naalala ko na lahat. Di mo na kailangan magsinungaling sa akin tungkol kay Cloud."

"Ano?! Ginawa ko para sayo yun Audrey! Para di ka niya saktan."

"Talaga ba? Para sa akin? O para sa sarili mo? Bullshit Sander."

"Maniwala ka sa hindi ginawa ko yun para sayo. Kaso yung lalaking yun lapit pa rin ng lapit sayo."

"Oh? Sa kanya mag-ingat o sayo? Pinagtatakpan mo lang kasalanan mo eh. Wag ganun."

"Audrey ano ba?! Niloloko ka lang niyang si Cloud, wag kang maniniwala sa pinagsasabi niyan."

"Sinayang mo ang 5 years na pagkakaibigan natin Sander. Sinira mo dahil sa selos. Nasabi ko na dapat kong sabihin. Bye na."

"Audrey sandali la-"

binaba niya na yung tawag at tinabi yung phone niya.

"Sorry Sander pero masyado mo na akong sinasaktan at hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Tina." At tuluyan na siya nakatulog.

"Puta!!" Hinampas niya yung manibela matapos ng tawag at pinaharurot yung sasakyan.

"Humanda ka Cloud. Malalaman ko din ang sikreto mo."

xx

It's been a long time coming~ HAHAHA

Aymbak beshies. Keep reading, sharing commenting and voting this story.

Spread the luv.

euphoria // jk x joyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon