Audrey's POV
"Iha may bisita ka sa baba lumabas ka muna diyan." Pinusan ko mga luha ko at lumabas nung tinawag ako ni manang. Pagkababa ko nakita kong nakaupo si Cloud.
Pinandigan niya talaga papgpunta dito.
"Hoy anong ginagawa mo dito?" tinarayan ko siya. Agad naman siyang nagpout.
"Sabi ko naman sayo diba?" Napatitig ako sa mga mata niya. Kapag tinititigan ko lalo lang akong naiiyak.
Ganun kasi ako, pag malungkot ako tas may taong nasa harap ko, gusto kong maglabas ng kalungkutan sa kanya.
"Drey, umiyak ka ba?" Ngayon napansin niya na. Kusa namang tumulo yung luha ko at hindi na napigilan. Tuloy-tuloy na 'tong umagos sa pisngi ko. Ang sakit.
"Hey, wag ka naman umiyak oh." Nagulat ako ng dahan-dahan niya akong yakapin. Hinayaan niya din na mabasa damit niya dahil sa kakaiyak ko. He's gentle and caring.
"Shh, tahan na Audrey." He rubbed my back as I cry on his shirt.
Hindi ko namalayan nakayakap na din ako pabalik sa kanya.
"Ang sakit Cloud, ang sakit na pagsinungalingan ako." Hagulgol ko habang humihigpit ang yakap ko sa kanya dahil sa galit, sa sakit at sa lungkot.
"Nakakagago siya, nakakairita pero bakit ganun, gusto ko pa rin siya makasama at makausap."
"Hayaan mo muna siya. Alam mo namang hindi tama ginawa niya sa kaibigan mo diba? Hayaan mo siyang magdusa dahil sinaktan niya siya at ikaw na din." Sagot naman niya.
"Maraming iba diyan na rerespetuhin at papasayahin ka hindi lang siya. Hindi lang siya ang tao sa mundong 'to." Madiin niyang sabi.
Tama nga siguro si Cloud.
Napaisip ako sa sinabi niya.
Hindi lang siya ang tao sa mundong 'to.
Hindi ko alam pero nung makita ko si Sander nung pagkagising ko sa hospital at wala akong maalala, siya ang unang tao na andun nung wala akong alam sa nangyari.
Sa maikling panahon tinulungan niya akong makaalala at makabangon sa sakit na dinanas ko noon. Aaminin ko sa maikling panahon na iyon naramdaman ko na espesyal para sa akin si Sander.
Pero nagbago lahat nun nung malaman ko ang ginawa niya kay Tina. Gumuho ang mundo ko.
"Pag-isipan mo munang mabuti drey. Ayaw kitang masaktan kaya please pag-isipan mong mabuti ang desisyon na gagawin mo." Sincere na sabi ni Cloud.
"Nalilito ako. Hindi ko alam." Magulo, magulo puso ko, magulo utak ko. Lahat ng nangyayaring ito ay siya ang dahilan.
"Hey, listen to me." Hinawakan niya parehong pisngi ko at hinayaang tignan ang maamong mata niya.
"Hindi man kita nakasama ng matagal o matagal ng kaibigan pero alam ko na kaya mo 'to. Matatag ka at hindi ka papatalo sa problemang ganito." Hindi ko alam kung bakit pero nakakatunaw yung mga tingin niya.
"Alam mo ang tama at mali kaya please don't make a wrong decision again. Think about it Audrey." Tumango na lang ako sa sinabi niya.
I'll listen to Cloud. Susundin ko yung payo niya kung para yun sa ikabubuti ko.
I just hope it's the right thing to do.
----
xx
![](https://img.wattpad.com/cover/92159672-288-k995019.jpg)
BINABASA MO ANG
euphoria // jk x joy
Short Story[CHAT SERIES #1: JOY X JUNGKOOK] "Cloud Villanueva nga pala." #142 in ss