xlix

86 1 5
                                    

Sander's POV

Kasi naman hindi talaga ako sweet.

Ayoko ng ganun.

Hindi ako ganun.

Pero wala eh si Audrey yan.

Kailangan suyuin yung babaitang yun lalo na't nagtatampo eh. Hirap pa naman pag galit yun sayo. Kulang na lang patayin ka sa inis eh.

Pero syempre di siya ganun sa akin.

Naglakad ako sa hallway at hinanap yung locker niya. Ewan ko susurpresahin ko na lang. Sorry na rin sa nangyari kagabi.

Okay na sana eh kaso may sumulpot.

"Gilagid hyung!" Sigaw niya at umakbay sa akin. Agad naman akong nairita.

"Hoy Jacob pandak. Tigil-tigilan mo ako ha ang aga-aga. Kung mang-iinis ka lang dun ka sa mangga mong hyung." Natawa siya at napailing lang ako.

"Alam mo hyung, nakaka-turn off yang pagiging masungit mo."

"Leche babae ka ba para maturn off sa akin?!" Irita kong sabi. Umikot mata nitong pandak na 'to.

"Tanga hyung, ibig kong sabihin kay Audrey. Mamaya mainis siya sa sobrang kasungitan mo." aniya.

"Kay Audrey lang ako minsan magsungit. Kaso wala eh napagsabihan ko ng kung ano kagabi ayan nagalit." Lumingon naman siya sa mga hawak ko.

"Kaya bang may dala kang mga ganyan?" Turo niya sa dala ko. Tumango naman ako. Ngumiti ng nakakaasar ang pandak.

"Naks naman hyung! Iba ka na! Ngayon ko lang nakita na ganyan ka sa isang babae ah? Parang dati lang yung si-" sinamaan ko siya ng tingin.

"Past is past. Wag mo ng paalala iyon." Tumikom naman bibig niya.

"Basta paalala ko lang hyung, bawas-bawasan ang pagiging masungit. Mamaya may iba diyan na sobrang bait sa kanya at siya makakuha ng atensyon ni Audrey." Kunot noo naman ako.

"Ano?"

"Sige na hyung una na ako sa klase. Bye~" bago ko pa man siya tanungin ay kumaripas na siya paalis. Abnormal talaga yun.

Napatingin ulit ako sa harapan ng locker niya at huminga ng malalim. May passcode yung locker niya at alam ko yung number. Ha.

"696969." Pagkatapos ng ilang ikot nabuksan iyon at tumambad sa akin ang locker niyang walang laman.

Ambait kasi nito, iniiwan sa cabinet yung mga books imbes sa locker. Nag-locker pa siya eh no.

Napatingin ako dun sa mga pictures na nasa pinto ng locker at yun ay halos mga kinaadikan niyang kipop at kidrama.

Adik nga yun kay Jungcook ba yun? Jongkuk? Laki ng ilong pwe. Aba malay ko eh mas gwapo naman ako dun tss. Isa pa yung Yunggi? Monggo? Ewan ko ba anong meron sa kanila eh ako padin gwapo lalo na kesa dun sa monggo na yun.

Tinignan ko yung mga hawak ko at nilagay na sa loob ng locker niya. Matapos nun isasara ko pa lang ng-

"Hyung." Sinarado ko ng tuluyan ang locker at nagkatinginan kami.

euphoria // jk x joyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon