xxxii

122 4 5
                                    

Audrey's POV

"Audrey may naghahanap sayo." Aniya ni manang Grace. Kumunot naman noo ko. Sino naman kaya yun? Bumaba na ako at pagbukas ng pinto niluwa si Cloud.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka kong tanong sa kanya. Nagulat ako ng hilahin niya kamay ko. Kanina kasi kakagaling niya lang dito tapos andito nanaman siya?

"Ano ba Cloud?!" sambit ko at hinila ko pabalik kamay ko.

"May importante lang akong sasabihin sayo Audrey. Pero wag tayo mag-usap dito." hindi ko alam kung papayag ako o ano pero pinagkakatiwalaan ko naman siya.

"Anak? Sino yan?" Nagulat naman ako ng sumulpot si mama sa labas.

"Ma, okay lang po kaibigan ko siya. May pupuntahan lang ako." tumango naman siya at bumalik sa loob.

Pinasakay niya ako sa motor niya. Binigyan niya ako ng helmet.

"Kumapit ka sa akin baka mahulog ka."

"Mahulog ka sa iba." natigilan ako sa sinabi niya. Okay medyo awkward nun.

"Hindi okay lang. Hindi naman ako mahuhulog." Mariin na sabi ko.

"Bilisan na lang natin. Baka magalit pa siya sa akin." Sambit ko.

"Si Sander hyung na lang palagi?" may binulong siya pero hindi ko narinig kasi pinaandar niya na motor niya.

Nagdrive na siya. Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung saan niya ako dadalhin.

Maya-maya nakarating kami sa may isang park. Tinigil niya yung motor at bumaba ako dun. May swing at napaupo ako dun.

Umupo din siya sa tabi ko.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Bungad ko. Bumuntong hininga naman siya.

"Matagal ko na kasi 'tong tinatago. Hindi ko din masabi sayo sa chat. Natatakot ako kasi baka layuan mo ako." Kumunot noo ko.

"Ano ba kasi yun Cloud?"

"Gusto ko lang sabihin na unti-unti na kitang nagugustuhan Audrey."

"Cloud. Sabi ko naman sayo na ayaw ko diba? May hawig ka sa ex ko.." Napabulong ko yung huling sinabi ko.

"Hayaan mo ako na pakita sayo na mahal kita. Na kaya kitang ipaglaban." Umiling ako sa sinabi niya.

"Hindi pwede, si Sander-"

"Sander? Puro si Sander na lang ba?!" Nagulat ako sa outburst niya.

"Kahit isang beses lang, wag namang puro si Sander."

"Sorry Cloud, siya kasi ang gusto ng mga magulang ko para sa akin."

"Eh ikaw ba gusto mo siya para sayo?" natigilan ako sa sinabi niya. Natanong ko na nga ba yun sa sarili ko?

"Sorry pero wag ka munang manggulo. Sige na uuwi na lang ako mag-isa." tumayo na ako sa swing. Naglakad na ako paalis.

"Audrey sandali lang." Hinawakan niya kamay ko at hinila ako pabalik. Nagkatitigan kaming dalawa. Kada tingin ko sa kanya hindi ko maiwasang hindi mainis. Masyado silang magkahawig ni Leo.

"Cloud ano ba?! Bitawan mo ako!" Sigaw ko naman.

"Audrey, gusto kita at gusto kong malaman mo na kapag sinaktan ka niya andito lang ako para sayo."

"Pero Cloud-" napako ako sa kinatatayuan ko. Nagulat ako ng biglang dumampi ang labi niya sa akin. Ano ba 'to? Ano 'tong nararamdaman ko? Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

Narealize ko yung sitwasyon namin at tinulak siya palayo.

"Cloud tangina mo layuan mo ako!" napalayo siya sa akin habang ako tumakbo na rin papalayo. Tumakbo ako at hindi ko na alam kung nasaan ako. Nakarating ako sa may seaside. Namasdan ko yung bar na tinatambayan namin ni Sander.

Sakto namang may nakita akong lalaki na lumabas. Nagulat na lang ako nung nagkaharap kami.

 Nagulat na lang ako nung nagkaharap kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang lalaking sinaktan ko

Ang lalaking niloko ako

"Audrey?!" Gulantang niyang sabi nanlaki mata niya.

"Leo." Iwas tingin naman ako sa kanya.

"Kamusta kayo ni Sander?" Ano? Pano niya nalaman?

"Anong pinagsasabi mo? Walang kami ni Sander." Mariin kong sagot sa kanya.

"Sigurado ka? Akala ko ba kaya mo ako hiniwalayan kasi ayaw mo na? Bakit ngayon pakiramdam ko kay Sander ka na?" Ngumisi siya. Nag-init naman dugo ko sa kanya.

"Ang lupet mo ah? Ikaw 'tong niloko ako tandaan mo yan Leo."

"At sino naman si Cloud? Grabe nga naman Audrey." He scoffed at me. Paano niya nalalaman ang mga iyon?

"Wala ka ng pake doon Leo, matagal na tayong tapos. Ikaw rin ang may kagagawan nito kaya wag kang magmalinis diyan."

"Pinagpalit mo ako sa isang malanding higad. Pinagpalit mo ako kay Lacey walanghiya ka!" Hindi ko na maiwasang sigawan siya. Pakiramdam ko ngayon ko lang nailabas yung galit ko. Ilang taon ko na 'tong tinitiis. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha.

"Aud-" hindi ko siya pinatapos magsalita at tumakbo papalayo. Nung maramdaman ko na hindi naman niya ako sinusundan napatigil ako.

Umiyak ako ng umiyak. Ang sakit. Ang sakit makita ulit yung taong minahal mo tapos ikaw pa ang sinisi. Na ako daw ang may kasalanan ng lahat. Tangina lang kasi. Siya 'tong dahilan kung bakit nagsara puso ko. Kung hindi dahil sa kanya edi sana binigyan ko ng chance si Cloud.

"Andito ka lang pala." kumunot noo ko ng makarinig ng may nagsalita. Pagkalingon ko wala naman. Dahan-dahan ako naglakad palayo at minessage si Sander.

"Hawakan niyo siya." Lumingon ako at nakita sila, grupo ng mga lalaki. Nakamaskara sila kaya hindi ko makita mukha. Nanginginig na ako sa takot hindi ko magawang sumigaw.

"Opo boss nahanap na namin siya. Sige dadalhin namin diyan." Unti-unti silang lumalapit sa akin at paatras ako ng paatras.

"LAYUAN NIYO AKO!!" May nakita akong itim na figure na papalapit sa akin.

"MANG-AAGAW KANG GAGA KA!" nagulat na lang ako ng may sumampal sa akin.

"Akin lang siya pero anong ginawa mo? Nilandi mo siya!" Mas lalo kong kinagulat yung pagsuntok niya sa akin. Putangina sino ba 'to?!

"Dapat sayo pinapatay!" Sigaw niya at sobrang lakas ng suntok niya sa akin na naging dahilan ng pagkabagsak ko at nabagok ulo ko.

Pagkatapos nun hindi ko na alam nangyari dahil dumili paligid ko.

Pero bago dumilim ang paligid ko may nakita akong mukha na pamilyar.

"Cloud..."

xx

euphoria // jk x joyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon