PB1: The Warning

4.1K 111 22
                                    

Z.SANDERS

Pasado alas-dose nang tanghali pero hindi ko pa rin natatapos ang dapat iligpit na mga gamit galing sa Manila. Kung tutuusin, kasalanan ito ni mama. She let me brought extra baggage just to make sure that I'll be comfortable in my new home.

Isang linggo na nang magsimula ang klase pero ngayon lang ako lumipat sa mismong dormitory ng St. Vitus University para mas convinient at mas matuto akong mag-isa.

Sa left wing ang dormitory ng mga lalaki at right wing naman kaming mga babae. May gate sa pagitan namin at may nagbabantay kaya kampante ako.

May pitong palapag ang bawat building at sa bawat floor, may sampung rooms. Pwedeng tatlo o dalawang tao sa isang kwarto. Sa kasalukuyan, mag-isa ko pa lang dito sa Room 405.

Dahil gutom na ako, napagpasyahan kong lumabas para kumain. Paglabas ng dormitory, namataan ko na agad ang mga naglalaro ng basketball. Napailing ako dahil sa malalakas na hiyawan ng mga babaeng nanonood ng practice.

What a typical sight! Boring scenes!

I didn't bother to watch them. I just walk towards the cafeteria while playing brain twisters in my phone.

I sat near the electric fan after ordering. Pagkalapag ng server sa in-order ko, nagsimula agad akong kumain dahil sa mga matang nakatitig sa 'kin. Gusto ko agad makaalis dito. I hate their stares. Marahil, nakatingin sila sa 'kin dahil ako lang ang loner dito sa loob o baka dahil sa buhok kong maiksi at sobrang silky o baka curious lang kung sino ako.

I roamed my eyes to answer which among the theories in my mind are correct. Hanggang sa napako ang tingin ko sa lalaking may eyeglasses na mag-isang kumakain. He's a two tables away from me. Ibig lang sabihin, students are staring at me because of my hair or they're curious of who I am.

"Ate, wala po ba talaga kayong panukli?" tanong ko sa kahera. Kung kailan naman gusto ko nang makaalis dito, saka naman sila nawalan ng barya.

"Sige, hintayin mo ako. Magpapabarya lang ako sandali." Hindi na niya ako hinintay sumagot. She immediately run towards the exit and went outside. I shrugged my shoulders in irritation.

I went back to my usual spot and continued playing brain twister. Tahimik ako not until a ball hit my head, halos masubsob ako sa mesa dahil sa malakas na impact ng pagkakatama ng bola sa ulo ko.

Instead of looking at the person who threw the ball, I continued playing. Mauubusan na kasi ako ng oras sa nilalaro ko. Ten seconds before it's game over. Naramdaman ko ang pananahimik ng mga tao na nasa paligid ko, maybe they're wondering how weird I am.

"Yes!" I exclaimed when I beat my own record. Natigil lang ako nang makitang nakatingin ang lahat sa 'kin. I slowly pocketed my phone.

Mali na bang sumigaw sa saya dahil natalo ko ang sarili kong record sa brain twister? Palibhasa, mas gugustuhin pa lang nilang magsisigaw para sa mga idolo nila at mas pipiliin nilang maubos ang kanilang boses para i-cheer ang mga taong wala namang ibang ginawa kundi gawin kung ano ang makapagpapasaya sa kanilang mga sarili.

"Trip niyo mag-mannequin challenge?" I asked to break the silence. Natauhan naman ang iba at itinuloy ang ginagawa nila kanina.

Tumingin ako sa lalaking nakahawak na ngayon ng bola na tumama sa akin kanina lang. Nakatayo siya, tila nanginginig at takot na takot. Nakataas ang mga buhok at medyo magulo na nababagay naman sa kanya. He's the guy who sat two tables away from me earlier.

"S-sorry, hindi ko sinasadya," he apologized. I can sense sincerity in his voice, but I felt sorry him. Hindi siya mapakali habang hinihintay ang aking sasabihin. Tumingin ako sa likuran ko, and I saw those basketball players who played at the gymnasium earlier. They are wearing an innocent looks.

Prisoner's Base (COMPLETED) #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon