PB15: Deal

1.7K 53 1
                                    

                       Z. SANDERS

I woke-up with a pain in my head. Para akong binangungot ngunit hindi ko maalala kung ano. I really had a nightmare but why can't I remember even a single one?

Pinilit ko pa na ipikit ang aking mata para alalahanin kung ano ang aking nakalimutan ngunit wala talaga. Tila importante pa naman ang bagay na 'yun. I even felt the pain inside my chest. Hindi ko na lamang pinilit.

Pagbukas ng aking mata, bumungad sa akin ang puting kisame. Ang amoy palang ng paligid, alam ko nang nasa ospital ako. Napatingin ako sa gilid ng kama. I saw Aos leaning against the monoblock chair. Natatakpan ang mukha niya ng libro. Sa cover palang, sigurado na akong libro iyon ni Nancy Drew. I didn't know that he's also fond of reading Nancy's books.

Pero teka! Bakit siya ang nagbabantay sa akin?

Tumikhim ako. "Aos.." tawag ko para makuha ang kanyang atensyon.

Natigil siya sa pagbabasa at tumingin sa akin. His eyes blink for a few times before he put down the book from his hands. Bakit parang gulat na gulat siyang gising na ako?

Hinila niya ang upuan at lumapit sa tabi ko. "You're finally awake." Hindi ko alam kung masaya ba siyang nagising na ako o talagang wala lang sa kanya. Tulad ng dati, hindi ko na naman mabasa ang iniisip niya. Para siyang blangkong papel at robot kapag kausap. "How many hours have I been here?" I asked.

His eyes narrowed. "You've been here for three days. So you've been sleeping approximately sixty to seventy-two hours in this hospital now."

Nanlaki ang aking mata. Three days? Bakit ang tagal naman yata. Akala ko nandito lang ako ng ilang oras. Is he serious? Ako? Tatlong araw nang walang malay? The last thing I remember, there's someone who tricked us. Nasa conference room ako kasama sila Heijie.

Pinilit kong bumangon para makausap siya ng matino. Maaring nagbibiro lang siya. Sumandal ako sa headboard ng kama. "'Yung totoo Simons, nandito talaga ako ng tatlong araw?"

He nodded. Walang mababakas na ngisi o pang-aasar sa kanyang mukha. It means, he's telling the truth. Tumingin ako sa kalendaryo at orasan na nakasabit sa dingding.

It's January 16 and it's 7 o'clock in the morning.

He's right. The last time I checked, it's still January 14 and 5 o'clock in the afternoon.

I sighed. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. "Where are they? How did you manage to escape from PBH's hands? Ang huli kong natatandaan, we're all prisoners."

Tuluyan na niyang binaba ang libro at inilagay sa mesang nasa tabi ng kama ko. Ibinaling na nito ang kanyang buong atensyon sa akin. "Do you want me to answer all your questions or I'll call the doctor first to check you?"

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Muntikan ko nang makalimutan na iba palang mag-isip ang taong nasa harap ko ngayon. Kung ordinaryo lang siyang tao, taranta na itong tumawag ng nurse o doktor para inspeksyunin ako.

"I feel better now. Tell me what happened between you and Hera."

He chuckled slightly. "There's nothing between me and Hera."

My brow furrowed. "You know that's not what I meant."

He nudges his head and raise his brows. "You know what's wrong with people? They tend to ask the wrong question that's why they get the wrong answer. "

"You're impossible."

"I know," he countered. "You should've ask me a proper question if you want a proper answer."

Prisoner's Base (COMPLETED) #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon