Z.SANDERS
"Kael Aragon, a medtech student killed himself by stabbing his chest. His fingerprints was found in the weapon he used. There are additional cuts across his wrist, stabbings and only one wound in his chest which confirms that he indeed committed a suicide.
According to some of his classmates, he failed one of his subject and his girlfriend broke up with him. But those are still to be investigated."
I am reading the official gazette of our school paper. I was really shocked when the suicide incident last week has been published. Sabi ng mga kaklase ko, ngayon lang daw 'yon nangyari, ang maisulat ang isang krimen sa aming school paper.
What made me confused is that, why would an achiever kill himself? What triggers him to do it?
"Hindi ako makapaniwala." Nawala ang konsentrasyon ko sa pagmuni-muni nang magsalita si Moe. Nabaling ang tingin ko sa kanya.
Tahimik akong nakaupo sa dulo ng canteen na lagi kong pinagpu-pwestuhan. I'm having my dinner alone when Moe saw me and I can't do anything but to allow her to sat beside me.
"Nakilala ko siya minsan, mukha naman siyang okay," malungkot niyang saad sabay inom ng softdrinks. After drinking, she resumed voicing out her sentiments. "Nakita ko pa nga na laging masaya ang mukha niya e."
I sighed and shake my head. "Isa lang ang dapat mong tandaan Moe, never be fooled by what your eyes see, because what cannot be seen is often a different story," sabi ko. Tuluyan ko nang binaba ang school paper na hawak ko at nagsimula nang kumain. I'm still stiff when it comes to people. I'm not conversationalist so I just allowed Moe to talk.
Hanggang may naramdaman akong nakatingin sa amin. When I roamed my eyes, I saw nothing. Hindi na tuloy ako mapakali.
Nang matapos akong kumain, agad akong tumayo. "I'm going," paalam ko. Nataranta naman siya at hinigop nang mabilis ang softdrinks. I frowned. "Hey! Stop that. Baka mabulunan ka!"
Hindi niya ako pinakinggan. Nang maubos niya ito, pinunasan niya ang kanyang labi sabay ngiti. I hate her smiles, I felt like it's sincere but not genuine. I'm confused with her gestures. We only met last week and now, she's talking to me like we're friends. "Ayoko na naiiwanan," she exclaimed.
Natigilan akong muli nang may nakita akong lalaking naka-hood na tumatakbo palayo, hahabulin ko na sana nang hilahin ni Moe ang kamay ko. Is it a boy or a girl? Bakit parang babae?
"May problema ba?"
Tumingin akong muli kung saan ko nakita ang lalaki, pero wala na. I sighed in defeat. Nauna na akong naglakad kay Moe pero hinabol niya ako. Nagsimula na naman siyang mag-kwento hanggang makarating kami sa campus dormitory.
"Uwi na ako," paalam niya. Nag-alanganin pa ako na iwanan siya dahil gabi na at dahil sa nakita ko. Hindi kasi siya nagdo-dorm katulad ko. Ikinuwento niya rin 'yon kanina.
I just nodded before leaving her behind. Hindi ko na kasalanan kung lagi siyang ginagabi. Pag-akyat ko sa kwarto, agad kong naramdaman ang antok. I put all my things above my study table.
Pagkakuha ko ng tuwalya, agad akong pumunta sa banyo para maligo at mahimasmasan ang antok. Naramdaman ko ang ginhawa pagkabasa ko ng aking katawan. Pagkatapos ng halos tatlumpung minuto, lumabas ako sa banyo.
Habang nagpapalit, nakatanggap ako ng mensahe. Isang unknown number. Hindi ko na sana babasahin nang mahagip ng mata ko napakaraming numero.
From: PBH
My wAnna be hErOine. fInd her. you only have 30 mINuteS to Decode this, if not, shE'll be oNe of those bloody Goody's barbie in st. vitus Rooms.
(3,2,2,6)
BINABASA MO ANG
Prisoner's Base (COMPLETED) #YourChoice2017
RandomAccording to Webster's Dictionary, Prisoner's Base is a game in which players on each of two teams seek to tag and imprison players of the other team who have ventured out of their home territorry. But that childish game gave an idea for unknown kil...