PB21: Get Away With Murder

1.3K 44 1
                                    

                          Z.SANDERS

"Sigurado ka bang uuwi ka na sa inyong bahay?"

"Hindi ko po alam Manang. Ngunit kahit uuwi ako, ayokong makita si dad. Kailangan ko lang maghanap ng mga ebidensya nang hindi niya nalalaman. Alam niyo naman ang kayang kong gawin. I almost killed my own father the last time I saw him. I don't want to put my hands in justice when it comes to him. At si mama, she loves my father too much. Ayokong pagdating ng araw, papipiliin ko siya dahil alam ko ang pipiliin niya..." I choked, holding my chest.

Bumuntung-hininga si Manang. "Napakalayo mo doon sa inyo, gusto mo bang samahan kita?"

Sandali kong inilayo ang phone sa tenga ko. Baka kasi hindi ko mapigilan at magpasama na ako sa dati naming katiwala. She's Penelope's mother.

"Hindi na po Manang," tugon ko makalipas ang isang minuto. "Huwag niyo nga po palang sabihin kay Pen na tumawag ako. Kinumusta ko lang din kayo."

"Naiintindihan ko iha. Ayoko man na ibaba itong telepono, kailangan. Mag-aangkat pa kasi kami ng isda, pasensya ka na."

I wiped the tears that escaped my eyes. "Okay po. Salamat. Lagi po kayong mag-iingat."

"Ikaw din iha," paalala niya bago pinatay ang kabilang linya. Pagkabulsa ko ng phone, binuksan ko ang aking locker at kinuha ang mga gamit na naiwan. Ang mga letters na nakaipit, pinagpatung-patong ko na lang at nilagay sa bag.

I decided to do the job alone. Tutal, nasanay naman na akong walang kasama. I'll investigate my father without him knowing it. But today, I have to make sure that Gary will stay alive and the chemical must be confiscated.

Pagkatapos kong makuha ang aking mga gamit, pumunta naman ako sa locker ni Somerset. She gave me her key. I requested a micro video recorder which she created last year. Napansin ko kasi na lahat ng walang cctv na area, doon naikakalat ang kemikal. I have to do these things.

Paglabas ng locker room, hawak ang video recorder, pumunta ako sa mini-garden at doon ito nilagay. Dahil madilim na at walang tao, agad ko itong naikabit. Mamaya, bubuksan ang ilaw dito kaya makikita ko pa rin kung sinong maglalagay ng kemikal.

Next, tinawagan ko si Sette. I instructed her to check on Gary's room number. Just like Pia and Trio, nakalabas din si Gary ng kulungan.

Agad akong lumabas ng school vicinity at naglakad papunta sa dorm. Pagpasok ng boy's building, naglakad ako papunta sa second floor. Tinawagan ko muna ang numerong binigay sa akin ni Sette galing sa information ni Gary.

Hindi ito sumasagot kaya nagpadala na lang ako ng mensahe. Sinabi kong nandito ako sa labas ng kanilang kwarto. Sana lang sumagot nang hindi na ako kailangang kumatok pa.

Ilang sandali pa, hindi pa rin ito nagre-reply. Kakatok na sana ako nang mapansin kong nakaawang ng kaunti ang pintuan. Nagdadalawang-isip ako kung sisilip ako o hindi. Baka nandito kasi ang ibang dormmates niya, nakakahiya naman. Dahan-dahan na lang akong kumatok. Ilang beses ko din itong ginawa ngunit walang sumasagot kaya nilakasan ko na ang aking loob.

I slowly opened the door, avoiding to make it creak. Ginamit ko ang aking panyo para hawakan ang doorknob. Bumungad sa akin ang blue painted room. Katulad lang din ng nasa fifth floor. Ang pagkakaiba lang, may mga charts at cartoons na nakakatakot tulad ng duguang babae at iba pang krimen. Nakasabit ito sa mga dingding.

Then​ my eyes shifted at the table. Isang lalaki ang nakalublob sa mesa, may hawak na lapis sa kaliwang kamay at ang kanang kamay nito ay nakalaylay mula sa mesa.

At sa ibabaw ng mesa ay umaagos ang pulang likido at mabagal na tumutulo sa sahig. I shifted my gaze in his hands, para itong lantay na gulay.

Te-Teka... R-Red Fluid?! Posible kayang—

Prisoner's Base (COMPLETED) #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon