PB18: Tricks and Traps

1.6K 50 1
                                    

                 SOMERSET PRICE

"Life is full of unevitable tricks and traps. You evade it like it's one of your phobia yet it keeps chasing you. Sometimes, you just wake up in the morning feeling so exhausted for reality's deal. And you don't have a choice but to face it."

Pagkabasa ko palang ng unang entry ni Heijie sa ipinasa niyang article, alam ko nang may mali. Parang sobrang lalim ng kanyang pinanghuhugutan sa mga pinapasa niya ngayon para sa school paper. Ako na ang editor-in-chief simula nang makapasok ako sa St. Vitus kaya alam ko na kung paano magsulat ang baliw na 'yun. And right now, reading his articles gave me a lot of stress compared to his last scripts.

I closed my email and stood up from my sit. Wala rin akong ganang mag-edit ngayon. Mas lalo lang akong nakakakapag-isip ng kung anu-ano.

Hindi na ako mapakali tuwing gabi simula nang nagpadala ng mensahe sa akin si Aos na huwag na huwag ko raw sasabihin kay Zeena ang anumang laman ng file na galing sa computer ni Ben. Ngunit huli na nang mabasa ko. I already sent the file before he was able to stopped me. I tried to asked why but he didn't replied back.

Kaya sinusubukan ko na lamang mag-edit para sana mawala ang atensyon ko sa nangyayari ngunit hindi epektibo. It's been five days and no Aos nor Zeena showed up.

I understand why Aos became distant since her sister in involve. Napaiyak pa ako nang malaman kong ang taong minahal niya ng lubos ay siya rin palang mananakit sa kanya ng doble-doble. Kahit siguro ako, mawiwindang 'pag nagkataon.

Ang nakapagpabigat din ng aking pakiramdam ay ang katotohanan na sa lahat ng taong nakapaligid sa amin, bakit ang ate pa ni Aos? Ngayon, hindi ko na alam kung paano pipigilan sina Moe at Heijie sa paghihiganti. Will they still seek for revenge even if they will hurt Aos' heart? Anilea Simons will always be Aos top priority. Gagawin niya ang lahat para lang mailigtas ang kapatid niya. Pero paano niya ngayon iyon tatanggapin? Paano siya magiging masaya kung ang taong gusto niyang iligtas ay siya rin palang nagpahamak sa lahat?

Tumingin ako sa orasan, alas-nuebe na naman ng gabi. Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng kape.

I went back infront of my computer, carrying my mug. I opened my phone and dialed Heijie's number. Sana, sagutin na niya dahil maloloka na ang utak ko sa kakaisip.

Habang hinihintay kong sagutin niya ang tawag, tumitig akong muli sa opened document na na-retrieve ko sa computer ni Ben last week.

PRISONER'S BASE CHART

HEAD:
Dr. Zayto Sanders

GENERAL:
Anilea Simons

UNDERLYINGS:
Trixie Guevara
Henry Silverio
Azhel Max
Heidie Dela Cruz
Jaira Cullen
Trio Bones
John Clemor
Pia Dixon
Ben Santillan
Gary Espejo
Marcia Oliver

I've heard Dr. Zayto's name for several times from Proffesor Morris already but I don't know who's he. How is he related to Zeena? Kaya ba pinigilan ako ni Aos na sabihin dahil magkakilala sina Zeena at Dr. Zayto? Iniisip ba niya na magkasabwat ang dalawa? But why is Aos's sister was involved? Talaga bang siya ang general na nagsasagawa ng kasamaan o ginagamit lang siya?

"Sette?"

At bakit nakalagay lahat ang pangalan ng mga taong namatay na? Well, except for the last two person in the list, Marcia Oliver and Gary Espejo. Pinabantayan ko na ang dalawa kay Sir Lorenzo. May tiwala ako sa kanya, marahil dahil na rin kaibigan siya ng kaibigan ko, si Aos.

Prisoner's Base (COMPLETED) #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon