PB19: Cold Flame

1.4K 51 2
                                    

                     Z. SANDERS

Mabilis kumalat ang apoy sa apartment. Hindi ko na alam kung saan baba dahil halos lahat ng daan palabas ay tinutupok na ng apoy. Kinuha ko ang aking maliit na bagpack at ang wallet.

Napatakip ako ng aking ilong dahil sa nakakasulasok na amoy ng mga nasusunog na plastic at iba pa. May mga pagsabog na rin na galing sa mga tangke ng gasolina sa iba't ibang silid. I coughed several times because of the smoke coming from the door. Naririnig ko na ang mga sigawan at iyakan sa labas.

Don't tell me, nasusunog na rin sa baba?!

Agad kumabog ang aking dibdib. Sigurado akong mamamatay ako kung hindi ako gagawa ng paraan para makababa mula dito sa pang-limang palapag lalo na kung nagsimula ang sunog sa 4rt floor. Kung bakit naman kasi ito lang ang bakante noong umalis ako sa dati kong room sa 405.

Inisip ko ang schedule ni Hera, nasa school siya ngayon kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag.

Isinuot ko ang bagpack saka ako lumusong sa nagsisimula nang masunog na pintuan. I kicked it hard. Thank God at agad namang tumumba.

I glance at the left hallway, it's no longer passable. Nahulog na kasi ang bubong na nasa taas kaya nasaraduhan na ito ng mga naglaglagang kahoy. This is an old dormitory, almost 73 years since this building has been constructed. Hindi na rin ako nagtaka na mabilis itong tinutupok ngayon ng apoy dahil panahon pa ito ng mga Hapones. Napatayo raw ito nang magwakas ang digmaan ng Pilipino at Hapones sa Europa, noong ika-6 ng Mayo, 1945.

The safest place is only in the first floor dahil hindi na ito gawa sa kahoy.
Tumingin ako sa pasilyo papunta sa rooftop, may napansin ko. Nanlaki aking mata nang mamataan kong sa left-side nagsimula ang sunog at ito ay sa fourth floor.

It means...

Sa room 405 ito nagsimula. Pero walang tao doon kaya paanong...

I get it! Ang pagsunog ay hindi aksidente kung hindi sinadya. Ang akala siguro ng salarin, doon pa ang room ko. But why? Sino naman ang taong matino na susunugin ang buong building para lang mamatay ako? May kinalaman na naman kaya ang PBH?

Then I remembered Hera, hindi kaya siya ang pakay? Dati may nagpadala na sa kanya ng threat, buti na lang at kasama niya noon si Aos at nakaligtas siya. Ngayon kaya, siya pa rin ang gusto ng PBH?

"Kyaaaaahhh!"

Natigil ako sa pag-iisip at napalingon sa kabilang room dahil sa malakas na sigaw na nanggaling sa loob nito.  Tumakbo ako papunta doon at binuksan ang pinto. Mabuti na lang at hindi pa gaanong naaabutan ng apoy ang kanang hallway.

"Tulooooong!"

"P-Please h-help me!" Her voice is trembling.  "M-May tao ba d'yan? Patulong!" impit na sigaw niya at namimilipit sa sakit.

Pagbukas ko ng pintuan, isang babae na nadaganan ng malaking kabinet ang bumungad sa akin. Nahihirapan itong tumayo. Lumapit ako sa tabi niya. Her face is already filled with tears.

"I'll help you. Don't move," I ordered. Tumango ito at pinilit ang kanyang sarili na huwag umiyak.  I stood up and try to carry the cabinet. Medyo mabigat kaya halos mabitawan ko itong muli.

"Aaaah!"

Napapikit ako nang may nahulog sa aking paa na kahoy at ito'y umaapoy galing sa bubong. Damn it! I kicked it away from me while carrying the weight of the cabinet. Pinagpapawisan na ako.

"Itaas natin ng sabay," utos ko dahil nahihirapan na ako. Pinilit niyang igalaw ang kanyang kamay. Unti-unti itong umurong palabas sa kabinet hanggang sa maialis niya ang sarili nitong katawan. Binitawan ko agad nang tuluyan na siyang makaalis.

Prisoner's Base (COMPLETED) #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon