Chapter 4

6.5K 141 6
                                    

******

I was so curious about Yuseff. Sobrang tahimik niya kasi. Napaka-mysterious pa niya, tapos ang sungit-sungit pa. Gwapo nga pero masungit naman.

Dahil sa lalim ng inisip ko ay napapalinis tuloy ako ng glass window. Alam ko namang may maintenance na naglilinis para rito pero sadyang ganito talaga ako kapag malalim ang iniisip ko. Kung anu-ano ang pinagkakaabalahan at ginagawa ko para mas makapag-isip ako.

Kaloka naman kasi. Maraming beses ko na siyang nahuhuling tumitingin sa akin. Tapos mabilis siyang mag-iiwas ng tingin, iiling tapos aalis sa pwesto niya. Haha! Shuckz! Ang ganda-ganda ko talaga. Siguro napapailing na lang siya dahil sa sobrang kagandahan at kaseksihan ko. Ooooh-la-la!

'Pandak ka nga lang!' sabi ng mahaderang isip ko.

Natigilan ako at nawala ang ngiti ko. Pinagpag ko ang paligid ng ulo ko. "Heh! Shut up! I'm not asking for your comment! Loko ka ah! Panira ng moment!"

Pero pakiramdam ko ay binabantayan talaga niya ang bawat kilos ko. Alam ko namang maganda at irresistible talaga ako pero may something kasi in him that I couldn't explain. Chos!

But I need to find it out as soon as possible. Alam kong may itinatago siyang isang malaking sikreto.

If he's not a beast, then maybe he's really an alien! Napatakip ako ng kamay sa bibig ko. Naku, if that's the case eh mas dapat ngang tulungan ko siya na makabalik sa planeta niya! Baka mamaya eh makilala pa niya si Jones na one of my BFF's at sila pa ang magkagustuhan! Takte, alien pa naman iyong babae na iyon. Shuckz! Magkalahi sila!

But oh my shocking boo!!! Hindi kaya nagpunta nga si Yuseff dito sa Earth para hanapin talaga si Jones? Waaaah! No, no, no, no way! Hinding-hindi ko siya ipapakilala kay Jones! Baka nga mangyari ang naisip ko at ma-heartbroken pa ako! Sa 'kin lang siya! Hubby ko nga siya, di ba?

Pero siguro nga malaki talaga ang problema niya kaya ganoon na lang siya kung pakitunguhan ako. O baka naman gusto na niyang umuwi sa planeta nila pero hindi niya alam ang daan pauwi kaya idinadaan niya na lang sa kasungitan ang frustration niya. Weh, baka naman nasira pala ang spaceship niya. I snapped my fingers. Tama! Si Kuya Lance! Marami siyang mga kakilalang mekaniko. Racer 'yon eh! Matutulungan niya ako.

Napailing ako habang tuluy-tuloy ang pagpupunas ko sa bintana. Shems! Kawawa naman siya. Siguro miss na niya ang pamilya niya. Kailangan ko siyang tulungang makabalik sa kanila. I knew how it felt to be away from your family and loved ones. Iyong feeling na sobrang miss mo na ang pamilya mo pero di mo naman alam kung paano ka makakauwi sa inyo. Kaya tutulungan ko siyang makabalik sa kanila. Pero paano? How? How how de carabao? Si Jones lang ang pwedeng makatulong sa akin dahil nga alien 'yon. Pero baka kasi agawin niya sa akin ang hubby ko.

I was out of my self, thinking about Yuseff kaya nawala rin sa isip ko na nasa ladder pala ako. I took a wrong step and it was too late when I realized it. Napatili ako. I closed my eyes at hinintay ko na lang ang pagbagsak ko sa tiled floor. Shít! My hot and gorgeous sexy body! Hindi pa nga natitikman ni Sungit pero magkakadurog-durog na agad! Waaah! Hustisya!

"Aaaaaaaaaaaah!!!" My eyes were still closed. Matagal kong pinakiramdaman ang sarili ko. Eh? Humiwalay na ba ang espirito ko sa katawan ko? Shet! Puting liwanag, wag mo muna akong susunduin! Hindi pa nga kami nakakasal ng hubby Yuseff ko eh! Gagawin mo na agad siyang biyudo! Shuckz! Wag gano'n!

I slowly opened my eyes and I saw an angel. He was carrying me, bridal style. I gave him a smile and touched his face. "Ang gwapo mo namang anghel. Teka, bakit kamukha mo si Sungit? Ayieeeee! Kung kasing gwapo naman ni Sungit ang taga-sundo ko eh sasama na ako. Pero kikidnapin muna kita. Okay na sa 'kin kahit kamukha ka lang ni Sungit. Pasado ka na! Pakakasalan muna kita bago tayo magpunta sa langit."

Perfectly Matched (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon