Chapter 27

5.4K 123 5
                                    

~❁✲❁***♥***❁✲❁~

February 18, the day that would seal my freedom has finally arrived. They actually decided for us to have a church wedding. But they changed their minds and opted for a garden wedding instead when I didn't show any interest in all the preparations. May seminar ek-ek pa raw kasi for the couple kapag church wedding. As if naman pupunta ako dun para makinig sa mga pangaral at advice nila eh 'yung mismong kasal nga eh nawala na 'yung sacredness dahil para lang naman sa negosyo ang rason ng kasal na 'to. Di rin naman ako willing for this wedding. Idagdag pa na ginagamit lang akong panakip-butas nung groom dun sa ex niya. O baka itinatago niya 'yung relasyon nilang dalawa dahil napilitan lang din siyang pakasalan ako dahil naiipit siya dun sa kasunduan ng dalawang matanda.

Kasura! Ano'ng drama 'to? Ako legal wife. Ikaw kabit lang. Kaso ikaw ang mahal. Ako panakip-butas lang.

Now I'm here in the bridal suite of the venue of this garden wedding. Kakatapos lang nila akong ayusan at naghihintay na lang ng oras para sa mismong kasal. Everything was set. Everything was fine. Ako lang ang hindi. Kahit milyones pa ang ginastos ng mga pamilya namin dito, hindi ko pa rin ma-appreciate ang kagandahan ng lahat.

 Kahit milyones pa ang ginastos ng mga pamilya namin dito, hindi ko pa rin ma-appreciate ang kagandahan ng lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I heard a knock on the door kaya napatingin ako dun. "Pasok."

The door opened and my three angels came in wearing their purple bridesmaid gowns.

"Wow! Mukha kang fairy, Misty! At kami naman mga mukhang naglalakad na ube! Wahahaha! You look so lovely," Jones told me.

"Nas'an 'yung lovely dyan? Kita n'yo nga yung mukha, nakabusangot," sabi ni Joyce.

"Haha! Oo nga, Mi. Parang burol ang pupuntahan mo ah," puna naman ni Jaidee.

"Burol naman talaga. Ako 'yung patay. Feeling ko deathbed 'yung pupuntahan ko."

"Hoy, grabe ka naman! Ang creepy mo naman mag-isip!" Jones yelled at me.

"Chill ka lang, Mami. Naku, kung ako ang ipapakasal ng parents ko sa isang napakagwapong lalaking mayaman, gora na ko!" Jaidee said and giggled.

"Ayaw mo ba talagang pakasalan si Yuseff? Gusto mo palit na lang tayo? Ako na lang ang magpapakasal sa kanya at ikaw na lang ang bridesmaid ko. Ang pogi kaya niya, sobra! Mukha talaga siyang animé. Tara na, magpalit na tayo ng gown," kilig na kilig naman na sabi ni Joyce.

After what happened in the clinic of Saint Dominic, I decided to tell them about the wedding. About the merger. About the engagement. About the soon-to-be-groom. Pero hanggang dun lang. Ayos nang 'yun lang ang nalalaman nila dahil 'yung mga nangyari sa akin kasama 'yung lalaki na 'yun sa bahay niya for a month ay closed book na at ayoko nang buklatin pa.

"Hoy, tigilan n'yo nga ako. Di pa ba magsisimula? Kairita, naiinip na 'ko!"

"Thirty minutes pa. Wag masyadong magpahalatang excited!" tukso ni Jones.

Perfectly Matched (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon