Chapter 6

5.9K 150 16
                                    

******

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

******

Pagkatapos kong mag-iiyak doon sa loob ng music room ay umakyat na lang ulit ako sa kwarto ko. Lalo lang kasing sumama ang pakiramdam ko. Hindi na ako kumain. Natulog na lang ako ulit.

It was already dark when I woke up again. I just stayed on the bed and stared at the ceiling. Medyo nawala na iyong hilo at sinat ko kanina noong nasa music room ako.

Anong oras na kaya? Wala ako sa mood magluto ng pagkain. Wala rin ako sa mood kumain. I took a deep breath. Tumagilid ako at niyakap ang isang unan.

Bahala ka nang magluto ng dinner mo, Sungit. O kaya sa labas ka na lang kumain. Hindi pa rin kita bati. Sinaktan mo ako verbally and emotionally. Nagkakasakit na rin tuloy ako physically.

Pumasok na naman sa isip ko iyong picture no'ng babae sa kwarto niya. Para talaga akong tino-torture kapag naiisip ko iyon. Bigla na lang kasing naninikip ang dibdib ko. Masakit kasi talaga.

Hay, langya naman. In-love na ba talaga ako sa masungit na lalaki na iyon kaya ako nagkakaganito?

Umikot ako ng higa sa kabilang gilid ko. Kumunot ang noo ko sa natanaw ko. Pagkain ba iyon? Inangat ko ng bahagya ang katawan ko at tiningnan iyong nakapatong sa bedside table. Pagkain nga! Nakalagay ang mga iyon sa isang food tray. May gatas pa sa isang baso.

"Taray ni Ate Minda ah. Nagpunta pa rito para ipagluto ako." Inilapat ko ulit ang katawan ko sa kama at tumitig sa kisame. Ayokong mag-assume na si Yuseff ang gumawa n'on. Masakit kasi umasa at ma-disappoint after.

Tumayo ako. "Makakain na nga rin. Mukhang masarap ang mga ito eh." Sumubo ako no'ng soup. Malamig na iyon pero masarap pa rin. Noon ko napansin iyong benda ng daliri ko. "Napalitan na ng bago? Grabe! Ang thoughtful talaga ni Ate Minda."

Kumain na rin ako ng beef. Hindi ko kilala iyong luto pero in fairness masarap ah! "Magpapaturo ako kay Ate Minda gumawa nito." Sumubo ako ulit at noon ko napansin iyong gamot sa tabi ng pinggan. As usual may note ulit.

"Eat and take your medicine afterwards."

"Hmmmm... Pa-English-English pa talaga tong si Ate Minda eh," sabi ko habang ngumunguya.

Mabilis kong naubos ang mga pagkain. Uminom na rin ako ng gamot bago humiga ulit. Itutulog ko na lang itong nararamdaman kong sakit sa buong pagkatao ko. At sana bukas paggising ko ay maayos na ulit ang pakiramdam ko.

******

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Yuseff. I was usually greeting him every morning pero ngayon ay gusto kong tumalikod pabalik sa kwarto ko para di siya makasalubong. Yumuko na lang ako para di mapatingin sa kanya at itinuloy ang pagbaba sa hagdan habang paakyat naman siya. Wala talaga ako sa mood. Pagkatapos niya akong pagalitan, sigawan, tapos tinabig pa niya ang kamay ko dahil lang sa picture na iyon. Ano ang gusto niyang maging reaction ko? Matuwa sa kanya?

Perfectly Matched (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon