~❁✲❁***♥***❁✲❁~
"Do you have a training today?" Yuseff asked me while embracing me from my back.
I opened my still sleepy eyes and yawned. "Yes. Why?" I turned and laid on my back. Sa tatlong buwan na pagsasama namin, halos palagi na lang akong nakatagilid matulog dahil sa kaiiwas na makaharap siya. Feeling ko tuloy ay di na proportioned 'yung shape ng katawan ko.
He buried his face on my neck and kissed it.
"Hoy! Ano ba!" Pilit ko siyang itinulak pero hinigpitan pa niya lalo yung pagkakayakap sa 'kin. My mind was panicking because I could feel his body tensed and heat up suddenly.
"I missed kissing your whole body, sweetheart," he whispered softly and bit my earlobe, pressing his now hardened member against my side.
My eyes widened and suddenly had goosebumps all over. I clenched my teeth before I elbowed his stomach harshly.
"Aaaaah! Shít! Ang sakit!" sigaw niya habang sapo yung tiyan.
Napaupo ako sa ibabaw ng kama. Takte, nilipad bigla yung antok ko dahil sa sinabi niya. Susku, di ko talaga inakala na may itinatagong mga kalandian 'tong lalaking 'to sa katawan niya. "Tigilan mo ang kakalandi sa 'kin! Umagang-umaga, Yuseff!"
"I really missed you already, Misty."
"Heh! Manahimik kang maldito ka! Alam kong ibang miss ang meaning ng mga ganyang pagpaparamdam mo! Umayos ka!"
A naughty grin broke his lips. "Pwedeng um-absent ka na lang muna today sa training mo?"
Umarko yung kilay ko. "At bakit? Balak mong manyakin ako the whole day?"
He let out a silent chuckle."Masama bang manyakin ko ang asawa ko?"
Kukurutin ko na dapat siya sa tagiliran, nakaiwas lang agad siya.
"Let's go somewhere, sweetheart."
"Whoa! Si Mr. Punctual slash Mr. Efficient, a-absent sa office for leisure purposes? Are you ill?"
He smiled at me. "I just want to spend time with you. But if you're not really available, okay lang naman sa 'kin.
"Hindi talaga 'ko pwedeng um-absent today. I couldn't miss this training. Ang dami ko nang na-miss almost two weeks ago nung di ako makapasok dahil binaldado ka nung dalawang pinsan ko."
Sadness crossed his eyes for a second before he got up and walked towards the bathroom. "Okay. I'll just go to the office today," he said before closing the door.
I frowned and scratched my head. "Ano 'yun? Bipolar lang? Kanina tatawa-tawa at nangmamanyak pa. Ngayon bigla akong nilayasan. Nagtampo?"
At mukhang nagtampo nga ang loko dahil kahit during breakfast ay hindi rin ako kinikibo. Hindi talaga nagsasalita at hindi rin ako tinitingnan. Naku, may tinataglay din palang kaartehan sa katawan 'tong lalaking 'to.
Umalis din siya na di man lang nagpaalam samantalang dati may pahalik-halik pa siya sa 'kin bago umalis ng bahay.
I attended the training. Three weeks na lang at start na ng klase kaya todo kayod kami sa training this week dahil next week ay pagde-decorate na ng classroom ang gagawin namin.
After the training ay bumili ako ng cake sa isang bakeshop sa mall at nagpunta sa apartment ni Jones. Magkikita-kita kami today dahil birthday niya. Nilagay ko muna 'yun sa ref dahil gabi pa naman talaga ang pinaka-start ng celebration na handa namin para sa kanya.
We prepared a lot of foods kaya naman past eight na kami natapos magluto. After eating, we decided to have a videoke using a Magic Sing. Jones served some drinks. Puro juices na lang. Iwas na kami ngayon sa alcoholic beverages dahil teachers na kami at baka makita pa sa Facebook namin ng mga co-teachers or parents ng mga magiging estudyante namin 'yung pictures ng pag-iinuman namin at makasuhan pa kami at matanggal sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Perfectly Matched (Complete)
General FictionHot and Cold Makulit at Masungit Maingay at Tahimik Do opposites really attract? Perfectly Matched NOTE: I REPOSTED THIS STORY FROM OUR FORMER JOINT WATTPAD ACCOUNT OF THE OTHER AUTHOR.