Chapter 22

204 2 0
                                    

CHAPTER 22

*QUEN

Nandito ako ngayon sa Canteen, iniintay kong matapos sila Kath at Miles sa ginagawa nila tapos aayain ko silang kumain. Buti nga magaling na si Miles, at malaki din ang pasasalamat ko saknya, dahil sakanya okay na ulit kami ni Kath.

"Kath! Miles!"

Tawag ko sakanila nung nakita kong papasok na sila ng Canteen at may kasama sila.. Sila nanaman... Bakit ba palagi nilang kasama yang dalawang yan..

"Oh Quen?"

Bungad ni Kath sakin..

"Tara sabay sabay na tayo kumaen?"

Tanong ko sakanila..

"Ay sige. Kayo Dj at Marco sumabay na din kayo samin.."

Sabi ni Miles.

"Ah eh Miles..--"

Ayoko sila kasabay.. Iba kasi talaga pakiramdam ko jan kay Daniel na yan eh

"Bakit Quen? Anong problema?"

Tanong ni Kath.. Ayoko siya ma-disappoint. Lalo na okay na kami. At kaybigan niya sila Marco..

"Ah wala naman, tara na guys sumabay na kayo samin.."

Sabi ko ng nakatingin kayla Marco..

"Sigurado kba na okay lang na sumaba--"

Naputol ang sasabihin niya ng..

"MARCO!! Tama na yan. Tara na umorder na tayo.."

Sa totoo lang hindi okay sakin, pero para kay Kath... para kay Kath...

*KATH

Kakatapos lang namin kumaen nila Miles. Babalik na kami sa mga ginagawa namin para sa JS prom.

"Osige na guys alis na kami ni Kath, marami pa kaming gagawin eh.."

Paalam ni Miles kayla Marco..

"Pwede bko tumulong sainyo?"

Tanong ni Quen samin Miles. At nagkatinginan kami ni Miles..

"Nko wag na quen pang babaeng gawain lang yon, ayan oh sumama ka kayla Marco"

Pigil ni Miles kay Quen.. Mas maganda ng siya ang pumigil kesa ako, hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko, napansin ko din na simula nung kumakaen kami hanggang ngayon, hindi nag sasalita masyado si DJ. Papansinin ka lang niya pag tinanong mo. Ano kaya problema neto...

"Uy bes tara na!!"

Sigaw ni Miles sa muka ko, dahilan ng pagkawala ng tulala ko..

"Nasan na sila?"

Wala na sila Marco, ganun ba ako katulala kanina..

"Ay nko wala na, nagpaalam sila sayo pero tulala ka dyan, ano ba iniisip mo?"

Ano ba kasi tong iniisip ko..

"Eh nakakapanibago lang si DJ, ang tahimik niya kasi kanina eh."

"Ay sus!! Ikaw bes ha? Ay nko malamang bes nag seselos yon. Eh hanggang ngayon siguro nagiisip siya kung bakit biglang ok na kayo ni Quen."

Ha? Selos? Si DJ?

"Selos?"

Bakit naman siya mag seselos?

"Alam mo bes minsan iniisip ko pano kita naging besfriend, kasi ako ang lakas ko naman pumick up, eh ikaw? Ano ngyare sayo? Hindi mo ba nahahalata? Mahal ka ni Daniel. May gusto siya sayo.."

Mahal? May gusto? Ano ba tong sinasabi ni Miles..

"Ewan ko sayo bes! Imagination mo lang yon no. Tara na nga, mag simula na tayo. Andami pa natin gahawin ohh.. Kung ano ano yang iniisip mo eh."

Ayoko muna mag isip tungkol sa nararamdaman ni Dj hanggat hindi ko mismo naririnig mula sakanya..

Perfect Time (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon