Chapter 31

217 4 0
                                    

CHAPTER 31

*MILES

Isang araw matapos ang nangyare kay Kath, ayun nandito ako ngayon sa room niya nakabantay, iniintay siyang gumising at iniintay ko sila Tito at Tita. Ako ang naiwan dito dahil inutusan ko nalang si DJ at Marco kumuha ng damit ni Kath sa bahay nila. At eto naman si Quen umalis nagpaalam kaninang 4am ata, ewan ko ba dun palagi na siyang ganun parang may tinatago. Habang nandito ako sa gilid ng kama ni Kath may biglang pumasok..

"Kamusta ang anak ko?" Si Tita Min.. Kasama niyang pumasok si Tito Teddy at Si Kuya Jake. Bakas sa muka nila ang pagaalala.

"Goodmorning po! Sabi ng doctor, okay na daw po siya kaso kaylangan daw po kayo makausap." Pagkasabi ko nun ay saktong dumating sina DJ at Marco.

"Ay, nandito na po pala kayo.. Goodmorning po Tita, Tito, at Kuya Jake." Sabi ni DJ. Atska binaba nila Marco ang gamit na nakuha nila. 

"Goodmorning Mrs./Mr. Bernardo, Kaylangan ko po kayo makausap. Its confidential.." Pag pasok ng doktor yan agad ang sinabi niya at tumingin sila Tito at Tita samin nila Marco na parang sinasabi na maiwan muna sila at maguusap..

"Sige po Tito, Tita uwi muna po kami." Paalam ko

"Sige po alis muna po kami.." Sabay na sabi ni Marco at DJ.

"Maraming salamat sainyo, magiingat kayo. Babalitaan ko nalang kayo pag pwede na ulit madalaw si Kath." Sabi ni Tita at tuluyan na kaming umabas ng kwarto.

*KATH

Pagdilat ko bumungad sakin ang puting paligid. Akala ko nasa langit na ko eh, pero sa gilid ko nakita ko sila Mommy at Daddy na nakayuko pero hawak hawak ang kamay ko. Si Kuya naman nakita kong nakahiga sa Sofa. Halata sakanila na ngayon lang nakapagpahinga, anong oras na ba? Atska nasan sila Miles ang natatandaan ko sila ang huli kong kasama.. Nung tiningnan ko yung oras 5am na pala. Dahil parang nararamdaman ko ang gutom ngayon tnry kong abutin yung apple sa kabilang gilid ko pero..

"Anak? Thankyou Lord, Gising kna.." Sabi ni Daddy sakin sabay halik sa noo ko. At dahil sa boses at galaw ni Daddy nagising narin si Mommy at niyakap ako nang napaka-higpit.

"Mo-Mommy.." Sabi ko dahil hindi ako makahinga sa yakap niya.

"Sorry anak, namiss lang kita. Buti naman at gising kna, kumain ka muna at tatawagin ko lang ang doctor." Pagkasabi ni Mommy ay lumabas na siya para tawagin ang doctor, Si Daddy naman binigyan ako ng pagkain. Hindi nag tagal nagising narin si Kuya..

"Oh baby gising kna.." 

"Oo gising nko kuya, ikaw? buti nagising ka.." Sabi ko sakanya.

"Ikaw talaga, ewan ko sayo.. Namiss kna nga ganyan kpa.." Sabi niya habang ginugulo ang buhok ko..

"Kuya naman your so arte.." At ayun nag tawanan lang kami. Habang nagkakaharutan kami biglang pumasok si Mommy nasa likod niya yung Doctor at natahimik na kaming lahat at iniintay lang ang sasabihin ng Doctor.

"So kelan ko ipapaschedule ang operation sa New york? Kasi kaylangan pa ipaalam dun na--"

"Operation? New york? Ano to? Pwede ba iexplain niyo naman?" Sabi ko sakanila at walang sumasagot nakatingin lang sila sakin at si Mommy umiiyak na. Ano ba nangyayare? Oo alam ko sitwasyon ko pero wala naman sila sinabi na aabot sa operation o kung san man..

"Iha, meron kang Traumatic brain injury.." Ha?

"Dba doc nakukuha lang yun pag.." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng lumapit sakin si Mommy hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at humagulgol ng iyak..

Perfect Time (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon