Chapter 28

204 3 1
                                    

CHAPTER 28

FAST FORWARD..

GRADUATION DAY

(N/A: Minadali ko na po yung graduation nila ng HS kasi mas gusto ko mag focus na sa college naisip ko kasi mas maraming pwedeng gawin sa college. Sorry po! Sa daming inintindi medyo "Sabaw" Hahaha.)

*KATH

YES, Graduation nanamin! So, far okay naman kaming magbabarkada wala namang nagiging problema, minsan may tampuhan pero naayos naman namin agad at oo nga pala na dagdagan kami ng isa sa barkada, siya si KIRAY nakilala namin siya a week after ng JS..

(FLASHBACK)

Nasa classroom na kami ngayon at iniintay ang 2nd subject teacher namin, pero maya maya ay pumasok ang adviser namin may kasama siya.. Babae, Hindi Katangkaran, May Suot Na Salamin, Mahaba Ang Palda, sa isang salita ay NERD. Pero muka naman siyang mabait kaso mukang mahiyain, kasi pag pasok niya nakayuko lang siya..

"Goodmorning class, I just want to inform you that Ms. Kiray Celis from Section B will be transfered here in our section, kaya siya lilipat dito dahil ni-request iyon ng parents niya dahil madalas nabu-bully, kaya sana wag niyong gagayahin ang kabilang section. Maasahan ko ba iyon?"

Ahhh kawawa naman siya muka naman siyang mabait eh at tska maganda naman siya kulang lang talaga sa ayos.. 

"Yes, mam!" Sagot naming lahat.

"Ok good, Ms. Celis may available pang upuan sa likod ni Ms. Bernardo."

At umalis na si mam at naiwan na rito samin si Kiray, at pumunta na siya sa likod ko.

(END OF FLASHBACK)

At yun, after nung lumipat siya samin kinakausap ko na siya at inaaya nanamin ng barkada at hindi nagtagal naging komportable na siya samin, umiingay narin siya at nakikipagharutan na siya samin.

"Mag start na ang program, All students proceed to your seats now.." 

Nandito kami ngayon sa canteen nila Miles tumambay ng nag salita na ung speaker ng program..

"Uy guys tara na dun.." Aya samin ni Kiray, hindi parin naalis sakanya ang pagiging nerd niya kaya minsan naasar padin siya ng ibang tao eh pero dahil kasama na siya sa barkada sympre hindi namin pinapabayaan mangyare yun palagi naman namin siya pinagtatanggol eh.

"Chill lang Kiray, ggraduate din tayo.." Patawang sagot sakanya ni Miles. 

"Sige na tara na" Sabi ko sakanila at ayun nag tayuan na.. 

Nandito na kami ngayon sa gym naglalakad sa gitna papunta sa upuan namin, at habang nag lalakad kami yung ibang studyante nagbubulungan..

"Ang ganda talaga ni Kath no, ang talino pa.."

"OMG ang gwapo talaga ni Daniel oh"

"Hindi no mas gwapo kaya si Quen"

"Bulag ka ba? Si Daniel kaya ang galing pa mag basketball"

"ang ganda nung mag bestfriend oh kaso bakit nila kasama yung nerd na yun sayang"

Yan ang mga naririnig namin habang naglalakad kami. At nung nakarating kami sa pwesto namin nagkatinginan nalang kami at nag tawanan. 

Maya-maya lang ay nag simula na ang program.

(Fast forward..)

Pagkatapos ng program, nag aya si Mommy at Daddy na sa Mall na kumain kasama ang barkada at lahat naman ay pumayag kaya ngayon ay papunta na kami mall at nung nakarating na kami sa loob at pumasok na kami sa Restaurant..

"Mommy, mauna na kayo sa loob may titingnan lang ako sandali sa department store.." Paalam ko sakanila.

"Samahan na kita?" Sabay na sabi ni DJ at Quen. At tumingin naman sakin sila Mommy. Alam narin kasi nila na nangliligaw sakin sila DJ eh. Wala naman ako nililihim sakanila.

Hayy eto nanaman ho kami.

"Wag na kaya ko naman." Sabi ko saknila at tumalikod na..

"Samahan na kita.." DJ/QUEN

"Ay nko bes, hindi ka titigilan ng dalawang yan isama mo na para may dalawa kang body guard.." Sabi ni Miles sakin.

"May magagawa pa ba ko. Tara na nga!" Aya ko sakanila.

"Mom, Dad, alis muna kami ha."

At dumaretso na kami sa Department store, naisip ko kasi na ibili si Miles ng regalo. habang nag lalakad kami..

"QUEN?!" Tawag nung babae kay Quen, at nung palapit ng palapit yung babae samin nila DJ ngayon ko lang namukaan..

SI ZHARM.

*QUEN

Naglalakad na kami sa loob ng Department Store ng may biglang tumawag sakin..

"QUEN?!"

 Hindi ko masyadong mamukaan kasi medyo malayo pa siya samin pero nung palapit na luminaw na sakin at dahilan ng pagkagulat namin ni Kath, at nakita ko naman na mukang hindi maintindihan ni DJ dahil hindi naman niya kilala si Zharm, at hindi niya alam na yung babaeng nasa harap namin ngayon ang dahilan ng lahat ng paghihiwalay namin ni Kath..

"Anong ginagawa mo dito Zharm?" Bungad ko kay Zharm. Bakit ba kasi siya nandito, manggugulo nanaman ba siya. Okay na kami ni Kath eh.

"Ganyan ka ba bumati sakin?" Hinawakan niya ko sa pisngi ko at agad ko naman yun hinawi

"Ano bang kaylangan mo?" Sabi ko sakanya. Sasagot na sana si Zharm pero nag salita si Kath.

"Sige Quen mauna muna kami sa Restaurant ni DJ ha, bukas nalang ako bibili ng regalo kay Miles." Sabi ni Kath.

Kasi naman eh bakit ba namin nakita pa dito tong babaeng to. Ugh!

"Sasama na ako sainyo!" Habol ko sakanila pero..

"Wag na, mukang may dapat kayong pausapan eh. Ako na bahala kay Kath. Sumunod ka nalang." Pigil sakin ni DJ, minsan talaga epal to eh. Badtrip!

At ayun wala na ako nagawa, umalis na sila at naiwan kami ni Zharm.

*DJ

Hindi ko alam kung anong problema ni Kath pero simula nung nakita namin yung babae dun sa Department Store Zharm ata pangalan yun yung narinig kung tawag ni Quen sakanya eh basta yon. Simula non nung bumalik kami sa Restaurant at hanggang sa matapos kaming kumain ang tahimik niya. Ngayon naglilibot nalang kami dito sa Mall nila Kath, pag katapos kasi kumain iniwan na kami ng parents ni Kath para daw mkapag bonding kami kaso parang hindi iyon ang nangyayare..

Hindi ko alam kung anong iisipin ko pero hindi kaya nag selos si Kath? Paano kaya kung...

"Uy ano bang nangyare sainyo nung umalis kayo nila Kath ha? At bakit hindi na bumalik si Quen? Uy.."

"Oh bakit Miles?" Hindi ko napansin kinakausap na pala ako ni Miles..

"Anong bakit? May sinasabi ako hindi ka nakikinig.." Galit na sabi niya sakin..

"Sorry naman."

"So ano nga? Ano ba ngyare nung umalis kayo ni Kath?" Tanong niya sakin at ayun knwento ko saknya yung ngyare..

"ANO??????????????????!!! Kaya pala. Bakit ba nag balik na-" 

"Sino ba yon?" Tanong ko kay Miles. Ang OA naman kasi ng reaksyon eh.

"Yun yung dahilan kung bakit nag break si Quen at Kath, kung bakit nasaktan ng sobra si Kath noon." Seryosong sagot ni Miles.

Kaya pala ganun nalang ang reaksyon niya nung lumapit samin yung Zharm. Kaya pala nag iba ang mood niya.

Perfect Time (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon