Chapter 29

204 3 1
                                    

CHAPTER 29

*KATH

SUMMER!!!!!

Napagdesisyunan ng barkada na mag Boracay this Summer kaya bukas na bukas ay lilipad kami papunta don kaya ngayon ay nag aayos na ako nang gamit dahil maaga ang flight namin, sabi ni Miles dadaanan nalang nila ako dito. Sasakyan nila DJ ang gagamitin papuntang airport. Simula nga pala nung nag kita sa Quen at Zharm, bihirang bihira na si Quen sumama sa barkada at bihira nadin namin siya nakikita, pero kanina sabi ni Miles tinawagan niya si Quen at inaya ang sabi daw ay sasama siya..

*Knock knock*

"Anak?"

Si Daddy.

"Pasok po."

Sabi ko habang inaayos ko ang gamit ko sa maleta. Umupo si Daddy sa kama.

"Anak pwede ba kita muna makausap?"

"Yes dad, tungkol saan?"

Mukang seryosong usapin nanaman to ah.

"Tungkol dun sa resulta ng--"

"Dad please wag muna natin yan pagusapan." 

Putol ko sa sasabihin niya, ayoko. ayoko munang alalahanin ulit yun. Mas gusto ko ienjoy muna to.

"But, they need to know, dahil hindi magtatagal mahahalata na nila yon."

Alam ko, alam ko pero...

"Dad please, sasabihin ko din but not now."

"Ok princess, magiingat kayo dun ah."

Pagkasabi niya nun hinalikan na ako ni Daddy at lumabas na.

Basta sa ngayon ayoko munang isipin yun, dahil summer ngayon mageenjoy muna ako kasama sila...

*DJ

Nandito na kami ngayon sa Airport papuntang Boracay. Iniintay nalang namin ang flight namin. Lahat sila nka-headset pero except kay Kath t sakin..

"Kath?"  Tawag ko sakanya na mukang malalim ang iniisip.

"Oh bakit?" Wala sa isip niyang sagot..

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik ah?" Simula nung sinundo namin siya di siya masyadong nagsasalita eh at twing napapansin kung kakausapin siya ni Quen palagi siyang umiiwas. Apektado parin ata siya sa ngyare dun sa mall.

"Okay lang ako." Sagot niya at hinayaan ko na. At maya maya lang ay tinawag na kami para sumakay na sa eroplano..

*QUEN

Nandito na kami ngayon sa Boracay. Napagdesisyunan nila Miles na mag pahinga muna sa mga kwarto dalawa ang kwarto na kinuha namin. Hiwalay ang Lalaki at Babae. Magkakasama sina Kiray, Miles, at Kath at kami naman Si Marco, Ako, at DJ. 

Kanina ko pa gusto kausapin si Kath, nasa Manila pa lang kami gusto ko na siya lapitan at kausapin kaso twing gagawin ko yun palagi siyang umiiwas. Alam ko naman na dahil parin yun sa nangyare sa Department Store eh. Gusto ko sakanya mag sorry dahil hindi na ako bumalik pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya yung nangyare nung araw na yon.

(FLASHBACK)

"QUEN?!"

 Hindi ko masyadong mamukaan kasi medyo malayo pa siya samin pero nung palapit na luminaw na sakin at dahilan ng pagkagulat namin ni Kath, at nakita ko naman na mukang hindi maintindihan ni DJ dahil hindi naman niya kilala si Zharm, at hindi niya alam na yung babaeng nasa harap namin ngayon ang dahilan ng lahat ng paghihiwalay namin ni Kath..

"Anong ginagawa mo dito Zharm?" Bungad ko kay Zharm. Bakit ba kasi siya nandito, manggugulo nanaman ba siya. Okay na kami ni Kath eh.

"Ganyan ka ba bumati sakin?" Hinawakan niya ko sa pisngi ko at agad ko naman yun hinawi

"Ano bang kaylangan mo?" Sabi ko sakanya. Sasagot na sana si Zharm pero nag salita si Kath.

"Sige Quen mauna muna kami sa Restaurant ni DJ ha, bukas nalang ako bibili ng regalo kay Miles." Sabi ni Kath.

"Sasama na ako sainyo!" Habol ko sakanila pero..

"Wag na, mukang may dapat kayong pausapan eh. Ako na bahala kay Kath. Sumunod ka nalang." Pigil sakin ni DJ, minsan talaga epal to eh. Badtrip!

Kasi naman eh bakit ba namin nakita pa dito tong babaeng to. Ugh!

"Buti naman at nakaramdam sila na kaylangan natin magusap dalawa.." Sabi netong si Zharm habang pumupulupot sa braso ko.

"Ano ba kasi kaylangan mo ha?" Naiinis na kasi talaga ako sa babaeng to eh.

"Alam mo mas maganda sumama ka sakin dahil alam kung pag ako ang nag sabi hindi ka naman maniniwala.." Ano bang pakulo netong babaeng to. 

"Saan ba yan?" Sabi ko habang hinahatak niya ko sa sasakyan niya. Sumama na ko ng matapos na ang kahibangan ng babaeng to.

Nang mapansin kong nandito kami ngayon sa tapat ng kompanya namin nagtaka na ko.

"Anong ginagawa natin dito ha? Ano nanaman ba nasa isip mo?"  Bakit niya ko dinala dito?

"Malalaman mo din mamaya.." Sagot niya at umakyat na kami sa opisina ng Papa ko. Bakit niya naman ako dadalin dito kay Papa, ano ba to? Tatanungin ko na sana ulit siya pero bigla nalang niya binuksan yung pinto ni Papa, bastos din tong babaeng to eh hindi sanay kumatok.

"Oh darling? Kasama mo na pala siya.." Darling? Darling ang tawag niya kay Zharm? Bakit?

"Yes tito, ayaw pa nga nung una eh" Ano ba to? Tinawag ni Papa si Zharm na Darling tapos ngayon si Zharm tinatawag si Papa na Tito? Ano ba talaga ngyayare?

"Ay nko. Enrique ayusin mo naman ang trato sa future wife mo." 

Enrique ayusin mo naman ang trato sa future wife mo.

Enrique ayusin mo naman ang trato sa future wife mo.

Enrique ayusin mo naman ang trato sa future wife mo.

Fuq!

"Papa ano ba tong kalokohan na to?!"

"Enrique pwede ba huminahon ka ipapaliwanag namin sayo pag dating ng Mama mo okay?"

(END OF FLASHBACK)

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganon, bakit biglaan. Ang gulo gulo. Pero basta ang alam ko, Si Kath ang Mahal ko. Si Kath lang ang gusto ko pakasalan balang araw..

*KATH

Kanina tinanong ako ni Miles kung anong reaksyon ko nung nag kita kami ni Zharm nung nag Mall kami, sabi ko wala naman na sakin yun. Hindi naman na ako apektado. Napatawad ko na si Quen sa issue nung nakaraan kaya ayoko ng balikan yun. Ngayon nanditon na kami sa beach sabi ko saknila dito muna ako sa upuan at pinapanood ko silang naghaharutan habang tinitingnan ko sila.. Iniisip ko lang yung pinagusapan namin ni Daddy..

"But, they need to know, dahil hindi magtatagal mahahalata na nila yon."

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanila. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sakanila...

Perfect Time (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon