Chapter 40

104 1 0
                                    

CHAPTER 40

*DJ

Dalawang araw na.. Dalawang araw na ang dumaan pero hindi ko parin siya nakikita at nakakausap.. Kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya? Kumakain ba siya sa oras? Makikita ko pa kaya siya? Lahat na naiisip ko.. Lahat na kasi ng paraan para mahanap ko kung nasan siya pero wala.. Wala ako nagawa... Twing dadalaw ako sa bahay nila palaging sinasabi ni Manang na Wala parin si Kath.. Pag nadadatnan ko naman sila Tita palagi nalang nilang sinasabi may inaasikaso pa... Mababaliw na talaga ako dito eh. UGHHHH! Hindi ko na alam gagawin ko..

*Knock* *Knock* *Knock* 

"Si-sir may gusto po kuma-.."

Mukang nagulat ang sekretarya ko dahil sa gulo ng gamit ko sa table tapos yung ibang papers nasa sahig na..

"Sabihin mo busy ako.."

Putol ko sa sinasabi niya.. Ayoko munang humarap sa kahit kanina ngayon.. Ang dami kong iniisip..

"Kahit na tungkol to kay Kath.. Busy ka padin?"

Biglang may pumasok sa opisina ko.. At tinitigan ko agad siya at tumayo sa harap niya nung marinig ko ang pangalan ni Kath.. 

"Miles..."

*KATHRYN

"Miss, mukang kaylangan mo neto oh.." 

Sabi ng lalakeng kaharap ko habang inaabot niya ang panyo sakin...

Nandito ako ngayon sa Park dito sa Baguio, pangatlong araw ko na dito.. Dapat ngayon ang uwi ko pero naisip ko kulang pala ang dalawang araw para sakin kaya kanina tinawagan ko sila Mommy na baka 1week na ako dito at wala naman silang nagawa at pumayag..

Habang nakaupo ako dito sa gilid ng puno, naisip ko nanaman si Daniel.. Kaya di ko napansin na naiyak na pala ako.

"No, thanks!"

Sabi ko dun sa lalaki at tumayo na ko para mag ikot ikot..

"Alam mo miss, mahirap pag sinasarili yang problema..."

Sabi nung lalaki kanina na nag aalok ng panyo..

Huminto ako sa pag lalakad at hinarap siya..

"Excuse me? Do I know you?"

Nginisian niya lang ako at naglahad ng kamay...

"CJ Navato..."

*CJ

Dahil tapos na ang trabaho ko dito sa Baguio naisip kong wag muna umuwi at mamasyal muna dito.. Naglalakad ako sa Park ng may nakita akong Babaeng nakaupo sa may gilid ng puno at umiiyak..

"Miss, mukang kaylangan mo neto oh.." 

Inangat niya ang ulo niya para tingnan ako...

Ang ganda niya... Pero bakas sa muka niya na malungkot siya...

"No, thanks!"

Sagot niya sakin at tumayo..

Ngumiti siya pero alam ko .. Nararamdaman ko.. May mabigat siyang problema.. This girl is so interesting..

Sinundan ko siya.. At dahil malalim ang iniisip niya hindi niya yon napansin..

"Alam mo miss, mahirap pag sinasarili yang problema..."

Halatang nagulat siya sa presensya ko.. Huminto siya ng paglalakad at humarap sakin..

May iba talaga sa babaeng to.. Ang ganda niya talaga..

"Excuse me? Do I know you?"

Sabi niya ng nakatingin sakin na nagtataka...

Nginitian ko siya at nilahad ang kamay ko sakanya..

"CJ Navato.."

Ang tagal niyang tiningnan ang kamay ko pero hindi niya eto tinanggap.. Tumingin ulit siya sakin ng nakataas ang kilay..

"And?"

Sabi niya..

"You? What is your name?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko, pero kahit ganun ang ganda niya parin..

"You know what? I have no time for this.. I'm sorry.. I need to go."

Pagkasabi niya ay umalis na siya... Sinundan ko nalang siya gamit ang mata ko at nakita kong pumara siya ng taxi..

I will meet you again, soon.....

*DJ 

"Miles..."

Umupo siya sa sofa ng office ko..

"So, ano Mr. Padilla? Busy ka parin ba?"

Tanong niya habang tinataas baba ang kilay.. Hayyyy ughh alam talaga nila ang kahinaan ko.. Si Kath lang talaga..

"Spill it out, Miles!" 

Sigaw ko sakanya dahil atat na talaga ako malaman kung ano ang alam niya tungkol kay Kath..

Nginisian niya lang ako at tska tumawa..

"What?! Don't play with me, Miles! Spill it!"

Tssss. Oras na malaman ko kung nasan talaga si Kath.. Hindi ako magdadalawang isip na puntahan siya. Wala na kong pakealam kung galit parin siya sakin. I swear!

"Ok fine, Chill Padilla.. Chill.."

Tumayo siya at humarap sakin..

".. Nasa Baguio siya.. -"

Shit! Kung kinakaylangan ko paliparin ang sasakyan ko makapunta lang agad dun gagawin ko na.. Tumayo na ako at kinuha ang coat ko.. Lalabas na sana ako ng biglang may nag salita..

"Thankyou ha.."

Ops! Oo nga pala..

"Sorry, and Thankyou Miles! I need to go there! Gusto ko na talaga siya makita eh.."

Nginitian niya ako..

"Pag talaga kay Kath, hay.. Ok Padilla.. Go! Ingat ha."

Pag kasabi niya ay lumabas na ako ng opisina.. Naririnig ko pa ang Secretary ko na hinahabol ako pero di ko siya pinansin at dumaretso ako sa sasakyan ko at pinaandar eto..

Kath... I'm coming.... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect Time (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon