Chapter 24

204 3 0
                                    

CHAPTER 24

A/N: (PAGPAPATULOY LANG PO ITO DUN SA PAGUUSAP NILA KATH AT DJ HA. WAG MALITO. THANKYOU PO!)

*KATH

"May mahal kasi ako, hindi ko nga alam kung mahal na nga to pero iba yung nararamdaman ko saknya eh.. kaso, may mahal siyang iba. Hayy oh dba? Ang luma at ang babaw ng problema ko no? He-he-he"

So, may mahal siya, ibigsabihin mali yung akala ni Miles. Ay nko Kath eh ano naman sayo. Nvrmnd. Sa mga salita ni Dj, halatang hindi yon mababaw para saknya. At yung pilit niyang tawa? Halatang problemado talaga siya.

"Alam mo Dj, walang mababaw pag dating sa pag ibig. Dahil kung mababaw yan, hindi ka tunay na nagmamahal. Pag nag mahal ka, lahat ng bagay at mararanasan mo, malalim. Napatunayan ko na yan."

"Wow!! Ms. Love advice? Siguro nga malalim tong nararamdaman ko, pero parang ayoko narin ituloy tong nararamdaman ko, gusto ko ng pigilan. Ayoko ng masaktan ulit. Ayoko na."

Ulit? May mahal na siya dati? Mukang hindi ko pa nga siya talaga kilala.

"Sira! Pigilan? Napipigilan ba yon? Sana ganun kadali. Pero hindi Dj, hindi naman yun wala lang na.. Pag alam mong masasaktan ka na, titigil ka. Part ng pagmamahal ang masaktan Dj. Na-satin yon kung paano natin ito haharapin o tatanggapin."

"Ewan ko Kath, pero paano ko ititigil to? Ang hirap. Gusto ko siyang ipaglaban kaso parang talo nko. Talo nanaman ako..."

At pag kasabi niya non, tumulo ang mga luha sakanyang mga mata. Umiiyak si DJ, umiiyak siya sa harap ko.

"Nanaman?"

Wala sa ano kong tanong..

"Nag mahal na ako noon Kath. Nasaktan na ako noon Kath. Iniwan na ako noon. Kaya ayoko na, ayoko na maulit yon. Ayoko ng pagsisihan ang desisyon ko balang araw. Ayoko ng maulit na naduwag akong ipaglaban yung nakaraan ko. Kaya gusto ko pag nag desisyon ako gusto ko sigurado na."

Ramdam ko kung paano siya nasaktan noon, at ngayon.

"Alam mo Dj, sa pag dedesisyon walang mga kasiguraduhan yan, kaylangan mong tumaya talaga.

Pero eto lang yan DJ.. Dapat alam mo kung ano ang pinaglalaban mo. At dapat sigurado ka sa desisyon na gagawin mo at handa ka sa kakalabasan nito. Kasi kahit anong mangyare, alam mo sa sarili mo na lumaban ka."

"Thankyou Kath. Thankyou!"

At nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Hinayaan ko na at tuluyang tinanggap ang yakap niya. Sa gitna ng yakapan namin may bigla kaming narinig na boses..

"KATH? DJ?"

Perfect Time (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon