Chapter Four

11 0 0
                                    

👑👑👑

Heather's POV

Nakarating na ako sa school at gaya ng dati ay tinatamad na naman ako. Sino namang hindi, diba.

Chismosa 1: Totoo nga yung kumakalat.

Chismosa 2: Kamukha nga niya.

Sinalpak ko na sa tenga ko yung earphone ko dahil masyado pang maaga para makinig ng chismis.

Nakahanap ako ng lugar kung saan walang katao tao kaya naman humiga ako sa ilalim nung puno habang nakapatong yung kanang kamay ko sa mata ko.

Alam niyo yung ang gaan sa pakiramdam? Mahangin tapos ang tahimik. I need blanket.

Maya maya ay may kumukulding sakin. Idinilat ko yung mata ko at tinignan ng masama kung sino ang nangahas na guluhin ako.

Me: What?

Him: Blah, blah, blah.

Me: Ano?!

Him: Blah, blah, blah.

Me: Hindi kita marinig!!

Nagkamot ng batok yung lalaki at inalis niya yung earphone ko.

Him: Hanap ka sa Office.

Me: Office?

Him: Oo, ikaw si Heather diba?

Me: Hindi!

Tumayo na ako at dumiretso sa Office. Tungkol ata sa punishment ko.

After Office...

Para akong binagsakan ng napakalaking bato ng malaman kong 3hrs akong walang klase. Absent kasi yung teacher namin sa Bus. Math. Nag absent nalang sana ako.

Alam niyo kung saan ako papunta? Sa Old Library para ayusin ang mga maalikabok na libro.

Principal: Teacher ng Literature ang binastos mo kaya naman naisip ko na linisin mo ang Old Library dahil more of the books there are Literature.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko yung sinabi ng Principal. Narating ko ang Old Library at para itong Haunted Library. Inabanduna na to ah! Oh ghad!

Ale: Neng ikaw ba ang inutusang maglinis dito?

Ako: Inutusan? Mukha ba akong utusan tulad mo?

Ale: Pasensya na neng.

Ako: Atsaka wag mo nga akong tawaging neng, ang sagwa! Umalis ka na nga, mas masagwa ang mukha mo eh!

Mukhang nahiya yung ale na mukhang nasa mid 20's kaya umalis na ito. Hindi uso sakin ang respeto kaya dapat nag iingat kayo sa salitang bibitawan ninyo.

Pumasok na ako at bigla akong napaubo. Sobra naman ang alikabok dito! Kailangan ko ng kasama.

Kinuha ko yung phone ko sa bag at tinawagan si Almira, bestfriend ko. Mas matanda siya ng isang taon sakim.

Queen Of AttitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon