Chapter Ten

5 0 0
                                    

👑👑👑

Heather's View

Papunta ako ngayon sa bahay ni Mira at gabi ngayon. Sariling bahay din ni Mira ang tinutukoy ko.

Blodwen: Siguro naman maraming pogi duon.

And kasama ko nga pala si Blodwen. She's invited ng hindi ko alam. Si Mira kasi ang umasikaso ng lahat kaya ilang araw ko din siyang hindi nakita. House Party is the worst. Ano naman sanang gagawin ko dun.

Blodwen: Ate, alam kong tahimik ka pero hindi ka naman siguro pipi.

Me: Shut up or I'll jump.

Blodwen: Fine, I'll be quiet.

Pag ako tumalon, hindi ako ang mamamatay kasi hindi siya marunong magmaneho.

Nasa bahay na kami ni Mira at ang dami naman atang invited. Sakit na naman sa ulo to.

Hals: Jaena!

Nilingon ko si Hals at hinintay siya sa kinatatayuan ko. Si Blodwen naman ay pumasok na sa loob.

Hals: Halika, may pupuntahan tayo.

Magrere-react palang ako pero hinila na niya agad ako. Malilintikan talaga siya sakin.

Ako: Saan mo ba ako dadalhin!?

Hals: Here.

Tumigil na kami at napansin kong nandito kami sa isa sa mga kwarto ni Mira. Nasa may balcony kami at ang ganda ng natatanaw ko. Hindi kasi ako palaging pumupunta dito sa bahay ni Mira kaya hindi ko pa natu-tour itong bahay.

Hals: Ang ganda no?

Ako: So anong gusto mong gawin ko dito?

Hindi ko alam pero ayokong nakikita nila akong natutuwa sa mga bagay bagay. Duh, hindi naman kasi ako kasing babaw nila.

Hals: Hindi ka nagagandahan?

Tinignan ko ulit yung view at kahit gabi ay ang ganda ng mga flowers at yung mga lamp post sa mga gilid ng daanan ay maganda rin. Ngayon ko lang naapprecite ang environment.

Ako: Maganda.

Hals: Hindi naman halata sa mukha mo eh.

Ako: Paano ko ba ipapakita sayo na nagagandahan nga ako? Tell me.

Hals: Kahit sa pagngiti lang, hindi mo pa magawa.

Ako: Kailangan pag nagagandahan ka, dapat ngumiti?

Hals: Fine, you win. Just sit beside me.

Ako: Ayoko na dito.

Hals: Alam kong mas ayaw mo sa baba.

Ako: You bet.

Hals: I know you Jaena. I'm your bestfriend.

Inirapan ko nalang siya at umupo na sa tabi niya. Tsaka ako tumingin sa taas. Bestfriend? Only Hals and Mira. Actually, hindi kasi tumatalab yung kamlditahan ko kay Hals. Tapos lagi pa niya akong inaasar dati.

Queen Of AttitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon