Chapter Two

11 0 0
                                    

👑👑👑

Heather View

Nagmomotor na ako papunta sa Sinper University, ang school na pinanggalingan ko. Actually ngayong 2nd year college ako, 3 beses akong pinalayas ng iba't ibang school.

Dumating na ako sa school at expected na pagtitinginan ako. Nakinig pa ako sa grupo ng mga inggitera.

Inggitera 1: Girls si Heather oh.

Inggitera 2: Bat nandito yan?

Inggitera 3: Ang lakas ng loob niya ah.

Yang tatlong yan ang rason kung bakit ako napalayas. Nakakainis! Nasaan na naman ba kasi si Blodwen.

Inggitera 2: Tara lapitan girls.

Inggitera 1: Are you sure?

Inggitera 2: Natatakot ka ba?

Inggitera 3: You better go with the flow slut! Para naman magtanda si Heather.

Here they go again. Bago pa nila ako malapitan ay naglakad na ako ng mabilis at naabutan naman nila ako dito sa harap ng office ng Student Council.

Inggitera 3: Long time, no see Heather.

Inggitera 2: Did you miss us?

Inggitera 3: Saang school ka naman nailipat ngayon?

Inggitera 2: Mukha bang may tatanggap pa sa isang patapon, bitch?

Ako: Shut up! Pinalayas ako at hindi itinapon. Siguro kayo, mapagtitiisan ang katawan pero tapon mukha.

Nakita kong nagsalubong ang kilay nung dalawa except kay Inggitera 1. I forgot their name eh.

Inggitera 1: Girls tama na yan. May paparating!

Inggitera 2: I don't care!! This girl is pissing me off.

Inggitera 3: Gusto mo ba talaga ng gulo Heather!?

Ako: Well, hindi ko gusto yun eh. Ayoko ko kasi sa mga nakasanayan niyo. Gulong pang palengke.

Inggitera 2: You!

Nilapitan niya ako at bago pa ako makapagreact ay nasampal na ako. Grabe kung daanan ako ng antok, para tuloy akong tinatamad lagi. Tumataas tuloy yung dugo ko.

Inggitera 2: You better not to insult us kasi hindi lang yan ang aabutin mo. Kilala mo naman siguro kami. Baka gusto mong maranasan ulit yung mga naranasan mo dito sa school.

Ako: Oh really? Try me. Tinatakot niyo ko sa ginawa niyo sakin dati? Aww, ang babaw niyo ah. Did you really think na naapektuhan ako sa mga ginawa niyo nun? Anyway if you'll excuse me.

Naglakad na ako at binangga ko siya pero hindi ako nakaligtas ng masabunutan niya ako kaya naman agad ko siyang hinarap at sinabunutan siya at hinila ko siya palapit sa pinto ng Student Council Office at iniuntog ko siya dito.

Ako: Don't even try to fight me again. Wala akong oras sa mga katulad niyo.

Biglang nilapitan ni I1 si I2 at si I3 naman ay hinarap ako.

Queen Of AttitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon