CHAPTER 15

78 17 7
                                    

SA SCHOOL GYM

*Nag -e-enjoy talaga ako sa paglalaro ng tennis.  Nakakatanggal ng stress. Feeling ko naeEnergized ako imbes na maLowbatt. *

"next pair! " sigaw ni coach

"palit na! Palit na!" Utos nya pa sa amin

*kung kelan naman nag-e-enjoy ako sa sports na ito saka naman kami pinauupo. Papunta na ako sa bench nang makita ko ang hindi inaasahang panauhin... Panauhin nga ba or i should said enemy/frienemy what so ever. *

*naupo ako sa bench at wala sana akong balak kausapin ang bwisita ko.*

*and to my surprise...  Naupo pa talaga sya sa tabi ko.  Nang-iinis ba ito or what?*

"akala ko ba bawal ang out sider dito?"

"hindi naman ako out sider.  Alumna ako ng school na to. And my parents made very good donations to this school." mayabang na sagot ni Hazel.

"wala namang nagtatanong sa participation ng mga magulang mo dito.  So i suppose hindi badminton ang sadya mo. "

"tama kaIkaw ang sadya ko. I want to ask you something that i can't ask infront of tito and tita."

"ano yun? Nabubugnot kong tanong kay Hazel

"Did you know that you were supposed to be engaged with Red? Yung kuya ni Russel".

"Sabi mo nga". Walang gana kong sagot kay Hazel

"At dahil wala si Red, Russel will take place by default".

"I didn't know that til you brought it up". Sarcastic kong sagot sa kanya

"Why are you bringing it up?" Tanong ko kay Hazel

"Kasi inagawan mo ako eh". diretso niyang sagot sa akin

"Excuse me?"

"I should have been engaged with Russel. The next thing i heard he's engaged with you".

"Wow! Just wow!

*grabe talaga itong si Hazel. Sobrang kapal! pasalamat siya at hindi ako war freak. Kung nagkataon malamang nakalbo ko na siya.*

"Unang una hindi ako mang-aagaw. Pangalawa i didn't know that their family has that kind of pre-historic set -up. And third i didn't know that i'll be set up with Russel". Mahaba habang sagot ko kay Hazel dahil sa sobrang nakakairitang pagtatanong niya.

*imagine katatapos ko lang maglaro ng tennis. Dapat nagpapahinga ako pero sa kasamaang palad dumating ang nakakairitang babaeng ito. At sa tingin ko mas nakakapagod pang kausapin siya kaysa sa paglalaro ng tennis which i enjoy.*

"Naniniwala ako sayo. Maybe you really didn't know. But Russel? He know's everything."

"Of course not! His parents didn't tell him that will be set-up". Sagot ko

"Oh! Pity. Lying at this early age of your relationship. Red and Russel were raised knowing that this was the set-up". Pang aasar pa ni Hazel

*nakakainis talaga itong babaeng ito. Pinamumukha ba niya sa akin na mas marami siyang alam kaysa sa akin. Na mas kilala niya pa ang magiging asawa ko at ang pamilya nito.*

*pwes!!! Talagang naaasar na ako!*

*konting konti na lang at bibingo na sa akin ang babaeng ito.*

"Russel already had your file so he just went along with it."

"Ang tanong? Anong meron ka para habol habulin ka nila ng ganun? And to dump me just like that?"

*nagkatinginan na lang kami ni Hazel. Marahil hindi namin alam pareho ang tamang kasagutan sa mga tanong niya.*



A/N

Thank you sa votesKwinKookie

Thank you for adding my story to your reading list @LilianMaceda


Sorry po sa mga readers dahil sa matagal bago po ako nakapag update. Naging busy po ako nitong mga nakaraang linggo. Sana po ipagpatuloy nyo pa din ang pagbabasa ng story ko. Maraming salamat sa inyong lahat. Muahh! 😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon