Andie's POVNagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.
Pagmulat ng aking mga mata nagulat ako sa aking nakita.
Inilibot ko ang aking paningin."Hindi ito ang aking kwarto, nasaan ako?" Bulong ko sa aking sarili.
Lumabas ako sa estrangherong silid na iyon.
Paglabas ko ng kwarto nagulat ako sa lalaking aking nakasalubong na lumabas mula sa banyo.Natulala ako sa pagkabigla hindi naman ako nainform sa mga ganitong pangyayari.
Napatitig ako sa kanyang mukha.
Maganda ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at may mapulang labi...At OMG!!! ang ganda ng kanyang katawan.
Hindi lang basta katawan... 6pack abs lang naman ang meron sya
"Oh! Your awake. Tara mag-almusal tayo." aya nya sa akin.Unti unting bumalik ako sa realisasyon.
Sa pagkagulat nawala ako sa aking sarili, nautal, hindi ko malaman ang isasagot."I have to go!" Iyon ang lumabas bibig ko at sa hiya tumakbo ako palabas ng condo unit.
"Wait!" sigaw ng hindi ko nakikilalang lalaki."Wait! Wait! Hey! Miss! I don't even know your name!"
Habol nya sa akin hanggang sa makapasok ako sa elevator.
"Bakit ako nandito? Wala akong maalala! Wait Andie...think! One at a time." Pagpapakalma ko sa aking sarili."Kagabi pumunta ako sa bar para uminom at ilabas ang sama ng loob."
"Then uminom ako nang uminom at uminom nang uminom."
"Pagkatapos?...ano na nga kasi ang nangyari?"
"Hala?! Ano na naman ang ginawa mo Andie?" Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili dito sa loob ng elevator.
Sa labas ng Condo...
"What did I do? Paano nga ba ako napunta dito?" Sino sya? Sino yung lalaking 'yon? Paano kung serial killer sya? addict? or rapist?!
Nakaramdam ako ng kilabot at takot sa mga naisip ko na 'yon. Geez!"Nasan na nga ba yung kotse ko?"
Arrr... ang sakit sa ulo nang sinag ng araw. Nga pala siguradong nasa bar ang kotse ko.
Ringggg! Ringggg! Ringggggg!Inilabas ko ang cellphone mula sa bag na dala ko at agad kong sinagot ang tawag.
"Hello..Jessica..."
"Where are you? Hindi ka 'daw umuwi kagabi. Nasan kaba?"
Sunod sunod na tanong sa kabilang linya.
"Ah..somewhere--ah hindi ko alam! Mamaya nalang tayo mag-usap tatawagan kita. Bye!"
"Ano ba kasi itong ginawa ko? Lagot na naman ako kapag nalaman ito ni Mama."
Halo halong imosyon ang nararamdaman ko nang mga panahong ito habang nag-aabang ng taxi.
Nang may makita akong bakanteng taxi ay agad ko itong pinara.
"Taxi!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Fiksi RemajaBakit kapag tayo ay masaya hindi nawawala ang alak? ? Kapag tayo ay nalulungkot at nasasaktan present din si alak.? Talaga bang ito ang ating paraan at sandigan sa ating nararamdaman at pinagdadaanan? Nakakatulong ba o nakasasama? Paano kung ito pa...