#TYPOGM1: Lady in Red

1.2K 35 0
                                    

TYPOGM (Chapter 1)

Airport

Kararating lang ng isang private plane sa Siazon Internal Airport at agad na inasikaso ng mga nakablack suit ang entrance ng hinihintay nila. After a minute, lumabas ang isang babae na nakasuot ng red dress, sa taas nito ay fit at sa baba ay medyo maluwag. Nakasuot din ito ng 4 inches red heels at merong black rayban shades sa mga mata nito at ang agaw pansin sa kanya ang straight shiny black hair na naeemphasize ang fierce ng mukha niya.

Nilibot nito ang kanyang tingin sa airport. Wala pa rin pinagbago. Bumaba siya sa hagdan na poise na poise, huminto siya sa isang pulang Ferrari at agad naman binigay ng isang nakablack suit na tao ang susi. Kinuha niya ito at sumakay sa kotse. Nag bow ang lahat ng tao sa kanya ng pumasok siya sa kotse niya. She turned on the engine and left in the airport.

Dumiretso siya kaagad sa bagong bahay niya na ipinagawa niya ng nasa Korea pa siya. Pagkarating niya sa mataas na gate na itim ay bumukas ito. Her gate is a high tech gate, it has a system to access and know if the cars or visitors are allowed to come in, thanks to her invention. Isa lang naman siya sa pinakasuccessful na IT sa buong mundo, but on the second thought those people who idolized her are not allowed to see her face, meaning hindi siya nagpapakita sa mga tao. She wants a private life kahit mahal na mahal nya ang hobby niya.

Nang makapasok na siya sa loob, lumabas siya ng kotse at ibinigay ang susi niya sa Butler.

"Good afternoon Young Lady"

Hindi sya kumibo at pumasok sa bahay niya. She felt relaxed and calmed. Siya mismo ang nagsabi sa Architect kung ano ang gusto niya sa bahay niya. She wants a crystal clear house, yung tipong makikita mo ang lahat na para bang walang tinatago except to her room. Mukhang nahawaan na nga siya ni Nene ng mga hugot. Dumiretso siya sa kanyang kwarto na ubod ng pula. She pinned her fingers to a scanner and then, the door opened. Tumambad sa kanya ang high tech room niya, kulay pula ang lahat, pati ang flooring, cabinet, table, bed and her love of her life, her awesome computers.

Yes. She liked red when she became strong. Humiga siya sa kama at tinignan ang ceiling. Now what? What's her plan after 4 years ago? She closed her eyes, she can still remember what happened, but she's back not to remember all that shits, instead she was here to make it up to her family since she was already graduated in college at Korea. Nagtatampo na ang parents at mga Kuya niya sa kanya, mas lalo na ang Ate Bow niya, panigurado any minute now baka sugurin na siya, but she doesn't care, alam naman nila kung bakit siya naging ganito. Na halos patayin niya ang sarili dahil sa nangyari.

She opened her eyes. No! Bakit niya pa nga ba iniisip ang nakaraan? Tss! Bumangon siya sa kama at pumunta ng banyo. She decided to go to mall to buy new red dresses.

Nang makarating siya sa mall ay pinagtitinginan siya ng mga tao. She rolled her eyes, akala niya sa Korea niya lang makikita ang mga mapanghusga mata ng mga tao, dito rin pala sa Pilipinas.

Oh! She maybe forgot, isa nga pala ang mga Pinoy na makajudge sa isang tao. Hindi niya na pinansin ang mga tingin na nakatitig sa kanya mula ulo hanggang paa.

She's wearing red fitted dress and 3 inches wedge sandals, red bag, shiny black long hair na akala mong any minute ay tatarayan ka. Dumiretso siya sa isang boutique dahil kuminang ang mga mata niya ng makita ang isang red dress, backless ito at ang front nito ay mahabang v neck. Tamang-tama, pupunta siya sa kasal ng Ate Bow niya.

"Good afternoon Mam" bati sa kanya ng isang sales lady ng pumasok siya sa boutique. Hindi niya ito pinansin at dumiretso sa mannequin. Dati rati kapag binati siya ng sales lady, agad siyang babati pabalik at may mga ngiti pa sa labi, pero ngayon, ewan niya na lang.

TNP : The Youngest Princess of Galaxy MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon