#TYPOGM13: Bomb Cars

397 17 2
                                    


A/N: Nagka-internal error ang wattpad kagabi. Kaya hindi nyo po mabasa. Hays. Buti na lang narecover ko pa. Hehe. Update ako sa Sunday. 

****

Tumikhim si Khirsten ng umamin si Clone na nagseselos ito kay Hirro.

"Bakit ka naman magseselos? For Pete's sake Clone, tapos na tayo..." Tumawa si Khirsten. "Ay oo nga pala. Wala nga palang tayo"

"I loved you Khirsten, I really do. There are times I want to show you that I love you, pero hindi ko magawa dahil sa nangyari. Kailangan kitang iwan because of some reasons"

Kahit alam naman niya na ang rason, hindi siya nagpatinag.

"You know what Clone, I don't want to know what your reasons are. The important thing for me is now, and not the past. So, let's just forget what we had in the past. I moved on, so should you"

"But K-"

"No buts Clone. Leave my office now"

"K-"

"I said LEAVE Clone, just leave" mahina pero matigas na sabi ni Khirsten. Walang nagawa si Clone kunde ang sumunod sa gusto ni Khirsten.

***

"Hello Ate?" Khirsten

"Yeap?"

"We talked about the past"

"With whom?"

"With Clone"

"Then?"

"Ate naman. Muntik niyang sabihin sakin ang nangyari sa kanya"

"So?"

"Grabe. Isang word lang ang reaction?"

She heard the long sigh of her sister.

"You know what Khirsten. You can't avoid that. Syempre, minsan kailangan natin malaman kung bakit tayo iniwan or bakit nangyari. To clarify what is left behind. Yan ang tinatawag na closure"

"I don't want to hear his reasons"

"Oh come on Khirsten, you knew already the reason. Sana hinayaan mo na lang na sabihin niya. Unless na lang kung ayaw mong marinig ang rason na galing mismo sa kanya"

Khirsten didn't utter any words.

"Then, it is a yes. Kailangan mo ng closure Khirsten, nang makamove on ka at mafocus sa case mo if you want justice. Sige na. Bye"

***

Sumakay si Clone sa taxi at sinara ng malakas ang pintuan. Hindi coding ang sasakyan niya, talagang taxi lang ang tanging makakapasok sa isang city kung saan nakatayo ang mga buildings and stores ng mga Park. Sa ibang branch ng Iera Technology, ganyan din ang patakaran. Bawat branch ay may terminal malapit sa mall. Buti na lang hindi nagreact ang driver dahil sa pagsara niya ng pintuan.

Nang makalabas na sila ng building, bigla siyang nakarinig ng tunog mula sa kotse at sa relo niya.

"Shit"

Nabaling ang tingin niya sa driver. Nagtaka siya kung bakit parang studyante pa lang ang driver, akala niya matanda ang nagdadrive.

"What's happening?" Tanong niya habang papalapit sila sa mall, lalong lumalakas ang tunog. Hindi sumagot ang driver dahil parang may hinahanap ito sa kotse.

Narining niyang umiba ang tunog ng relo niya at tinignan niya ito. May tumatawag and it's Bow. Sinagot niya ang tawag, magsasalita sana siya nang marinig ang sigaw ni Bow.

TNP : The Youngest Princess of Galaxy MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon