#TYPOGM6: Bidding and Business

577 21 2
                                    

Khirsten's POV

Katabi ko ngayon sa upuan si Munich habang ang ibang kasama namin ay tapos nang e-bid. Ang mas mataas na binid ay 750,000 pesos. Wow! Para sa date, ganyan igagastos? Kunsabagay, it's for charity.

Lumapit na ang host sa amin para sa susunod na auction.

"Ms. Munich Song, you're next"

Tumingin sakin si Munich kaya ngumiti na lang ako. Tumayo siya at naglakad papunta sa unahan ng stage, tinawag ko ang host.

"Yes Ms. Park?"

"I want to bid for Munich Song"

Nanunuri naman ng tingin ang host sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napabuga ako ng hangin at ngumiti.

"Well, my brother called me to bid, he'll be late, but he's coming"

Ngumiti ng matamis ang host.

"I thought you're... Nevermind Ms. Park, okay, you can bid" sabi niya at tumango lang ako.

Sayang ang ganda ko kung magtotomboy ako noh. Tss. Nagsimula na ang bidding kay Munich at nagulat ako na 200,000 pesos agad ang starting bid niya. Kunsabagay, maganda siya, lalo na ang dress niyang hapit na hapit sa katawan.

"250,000"
"300,000"
"500,000"

Halos mapanganga ako sa sunod-sunod na pagbid ng mga lalaki kay Munich and they are freaking hot.

"750,000" sabi ko habang tinataas ang kamay. Napatingin naman ang lahat sa akin na para bang nahihibang ako. Eh kasi naman si Kuya kaya ang may gusto nito. Napatingin naman sakin si Munich na nagtataka.

"Gentlemen, she bids for her brother. Her brother will be late" sabi naman ng host. Nagpatuloy ang pag bid.

"800,000 pesos"
"900,000 pesos"
"1.5 million pesos"

Napatingin ako sa crowd ng makita ko si Kuya na nakasuit na mataman na tinitignan si Munich. Napaawang ako sa ginawa ni Kuya Kerwin, he spend his money to date with Munich?

Wala nang nagsalita sa mga bachelors kaya si Kuya Kerwin ang kadate ni Munich. Bumalik si Munich sa upuan namin at tulala lang siya.

"Ms. Park, it's your turn po"

Tumango ako at pumunta sa unahan ng stage. Nagsalita ang host na mag-uumpisa na ang bidding.

"One million pesos"

Napatingin ako sa lalaking nagtaas ng kamay at napanganga ako. Shit! He bid for me? Nagbulong-bulongan ang mga tao. Nagtanong ang host kung may magbibid pa ba, at wala na nagtaas ng kamay. I looked at him and he smirked. Damn you Clone! Damn you.

*****

"How's the charity event, Iha?" Tanong ni Daddy habang kami ay naglulunch. It's Sunday kaya family time.

"It was good Dad, maraming nagdonate at 'yung mga bata ang gagaling sumayaw at kumanta" sagot ko

"I heard you're part of the game?"

Muntik na akong mabilaukan sa tanong ni Daddy. Ang mga kapatid ko tahimik lang na kumakain.

"Opo, and Kuya Kerwin was there" sabi ko at uminom ng tubig.

Tumingin naman ang lahat kay Kuya.

"What were you doing there Kerwin?" Mommy

"Sinundo ko si Khirsten" tipid niyang sagot kay Mommy na nagpataas ng kilay ko.

"Wait, Khirsten was with Clone, hindi ka hinatid Khirsten?" Ate Bow

"Hinatid pero..." Pabitin kong sagot kay Ate at tumingin kay Kuya Kerwin, sinamaan niya ako ng tingin. Lihim akong natawa. It's payback time.

TNP : The Youngest Princess of Galaxy MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon