#TYPOGM15: Return the favor

358 12 0
                                    

A/N: Sorry, ang tagal kong mag-update. Medyo kinulang ako ng willingness na magsulat this year. Pero tataposin ko 'to dahil meron na akong series 3 nito. Kaya please bear with me :)


****

Maingat na naglalakad ng walang tunog si Khirsten, may dala siyang KMP AEK-919 silencer. Nakaring siya ng taong nag-uusap kaya nagtago siya sa likod ng isang drum. Sumilip siya para makita kung sino ang mga tao na gustong manira ng kumpanya. Nakita niya ang dalawang lalaking nagtatawanan at may bitbit na Armalite. Tumingin siya sa itaas at binaling ang paligid at napagtanto niyang walang CCTV man lang ang pier. Wala siyang choice kunde magtiwala sa instinct niya. Naramdaman niyang naglalakad ang mga lalaki ng biglang may sumigaw.

"Nasan ang Nanay Soling ko?!"

She cursed. Si Malvin!

Narinig nyang nagtakbohan ang dalawang lalaki. Hindi man lang nag-iisip si Malvin, sumugod ng walang plano. Umalis siya sa pinagtataguan niya at mabilis na pumunta kung saan si Malvin. Nakita niyang binubogbog na ng mga armadong lalaki si Malvin. Napamura siya, walang kalaban-laban ang binata.

"Sinabi ko naman sa'yo na kapag hindi mo nagawa ang pinapagawa ni Boss, papatayin namin ang Nanay mo!"

Nakita ni Khirsten ang nasa harapan ni Malvin, nakablack suit ang lalaki. Napakunot ang noo niya dahil mukhang malaking tao ang gustong magpabagsak sa kumpanya niya.

"Hindi!" sigaw din ni Malvin.

Tumawa ang lalaki.

"Matapang ka rin ano?" Binalingan ng nakablack suit ang isang lalaki. "Kunin mo ang matanda" maawtoridad na saad nito.

"Anong gagawin niyo sa Nanay ko?!"

"Nag-iba ang isip ko, sa harap mo na lang papatayin ang Nanay mo!" sabi nito at tumawa.

"Hindi! Maawa kayo kay Nanay Soling, ako na lang patayin niyo. Nagmamakaawa ako" humihikbing sabi ni Malvin.

Napahigpit ang hawak ni Khirsten sa dala niyang baril. Ilang saglit nakita ni Khirsten na marahas na kinaladkad ng mga lalaki ang matanda. Siya na siguro ang Nanay ni Malvin. Shit! Di man lang sila naawa sa matanda. Pati ang walang kamalay-malay na sibilyan, dinadamay nila sa kagagohan nila.

She has no choice, but to shoot the men. Long range shooting. Tinutok niya ang baril sa lalaking may hawak sa matanda. Biglang natumba ang lalaki at nabitawan ang matanda. Dali-dali namang gumapang si Malvin sa Nanay Soling niya.

Naging alerto ang mga lalaki at tumingin-tingin sa paligid.

"Hanapin niyo! Ang lakas nang loob niyang pumasok sa teritoryo natin!" sigaw ng lalaking nakasuit.

Khirsten smirked. Di ba siya dapat magsabi niyan? She made sure na hindi siya makikita sa pwesto niya. Pinagpatuloy niya ang pagbaril at nagkagulo na. Marami palang kasama ang mga walang hiya! Tinignan niya si Malvin at nakita niyang inaakay na nito ang matanda.

Ilang saglit lang at dumating na ang mga Agents nila. She need to protect Malvin and his mother, dahil siya lang ang susi kung sino ang gustong magpatumba sa company niya. Kung sino man siya, siguradohin niyang hindi siya magpapakita, dahil oras na malaman niya. Hindi na niya makikita ang mundo.

Dali-dali siyang umalis sa pinagtataguan niya at pinuntahan sina Malvin. Mabilis ang kilos niya at kung may makakasalubong man siya, binabaril niya ng walang alinlangan. Nakita niyang nahihirapan si Malvin sa pagbuhat sa Nanay nito, lahat ng gustong bumaril sa dalawa ay binabaril niya ng mabilis at mabilis din ang takbo niya.

"Shit!"she cursed. Mas binilisan niya ang ang takbo dahil ayaw niyang mamatay si Malvin, but the man she saw in earlier shot the old lady.

"Nay!" sigaw nito

TNP : The Youngest Princess of Galaxy MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon