TYPOGM25: The End

381 8 2
                                    

Bow's and Kalvin wedding were postponed because Bow's condition is not that good, but she's safe now. Naging maluwag na ang damdamin ni Khirsten ng malaman na safe na ang Ate niya kahit kailangan pa nitong manatili sa hospital. Bantay sarado din ang buong hospital nang OGM dahil maaaring lusubin sila ng mga kalaban ng GM (Galaxy Mafia) habang mahina pa ang isa sa mga heiress ng GM.

Nasa bahay niya si Khirsten at tinetrace niya kung ano ang kilos nina Tanya at ang tatay nito. Hindi na nagtanong si Khirsten kay Clone kung ano ang nangyari sa opisina ni Mr. Manzano dahil ayaw niyang pilitin ang binata, umiyak lang ito sa balikat niya at pagkatapos nag thank you at umalis na.

Hindi niya na rin hinabol si Clone dahil alam niya na gusto nitong mapag-isa. Nakita niya sa computer ang location ni Mr. Manzano at nasa company ito. Si Tanya naman ay mabilis ang red dot na kumikilos at nakita niyang papunta ito sa bahay ni Clone.

"Damn it" she cursed. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Clone. Ring lang ng ring ang cellphone nito at hindi sinasagot. Dali-dali niyang kinuha ang susi ng red porshe niya at mabilis na pumunta sa Condo ni Clone, habang nagdadrive siya, tinitignan niya pa rin ang location ni Tanya.

Mabilis niyang kinabig ang manobela at tinapakan ang acceleration para maunahan niya si Tanya. Habang nagdadrive siya hindi niya maiwasang kabahan para sa binata. Alam naman niyang kaya ito ni Clone pero baka may masamang balak si Tanya kaya by hook or by crook, siya dapat ang mauna.

Ikaw naman ang nauna ah.

"Stop thinking that! Oh sht!" Sigaw niya sa sarili. Gusto niyang sampalin ang sarili niya dahil kung ano-ano ang pumasok sa utak niya  Hindi niya talaga minsan gusto ang nasa isip.

Dumating na siya sa harapan ng building ng Eugenio Condominium at mabilis na lumabas ng sasakyan. Tinignan niya ang wrist watch niya at malapit na rin si Tanya. She smirked. Binigay niya sa lalaki ang susi niya para e-park ito sa basement, nakapunta na siya dito at madalas siya dito sa waiting area kaya medyo kilala siya ngunit hindi pa siya nakakapasok sa condo ni Clone, ever. Ayaw niyang pumasok sa condo ng binata dahil nahihiya siya dati. Pumunta siya sa front desk para mag log in sa visitor.

"Long time no see Ms. Khirsten" bati sa kanya ng receptionist

Ngumiti siya ng pilit. "Is Clone here? I called him earlier, but he didn't pick up my call"

"He's here Ms. Khirsten, kakaakyat lang po ni Mr. Webb"

"Really? Pwede ba akong pumunta?"

"Of course Ms. Khirsten"

"Thank you" sabi niya at ngumiti ng kunti at tumalikod pero bago siya humakbang bumaling ang tingin niya sa receptionist.

"Levi"

"Yes Miss Khirsten?"

"Ako lang ba dyan ang allowed para bisitahan si Mr. Webb?"

"I'm sorry Miss Khirsten, I can't provide you an answer"

"Oh, I'm sorry Levi, hindi ko alam. Ahm. Medyo nagkaproblema kasi kami ni Clone, so yeah gusto ko lang malaman if ako pa rin ba ang pwede" paawang acting niyang sabi sa receptionist at mukhang effective naman dahil naaawa itong nakatingin sa kanya

"Ahm.." mabilis na chineck ni Levi ang computer, at may tinype at pagkatapos, tumingin ito sa kanya. "Yes Miss Khirsten, ikaw lang po"

Ngumiti siya ng palihim at medyo nakaramdam siya ng saya.

"Good, ako lang dapat at ako lang sapat na" ngumiti siya at nakita niyang kinikilig ang receptionist.

Gusto niyang kastigohin ang sarili dahil sa pinaggagawa niya. Damn you, Khirsten! Nice act! Sabi niya sa sarili niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TNP : The Youngest Princess of Galaxy MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon