#TYPOGM9: Where's Khirsten?

521 21 7
                                    

Chapter 9

Third Person's POV

Mahigpit ang hawak ni Khirsten sa manobela habang hinahabol niya ang isang kotseng sa tingin niyang nagdala ng box. Wala nang masyadong kotse ang dumaraan dahil hating gabi kaya malaya silang magpatakbo ng mabilis.

"Damn!" She cursed. Hinding-hindi niya makakalimutan ang nakasulat sa note. Nagring ang cellphone niyang nasa unahan ng kotse. She put her bluetooth earphone on her left ear and answered the call.

"Khirsten, where are you?" Kalmadong tanong ni Iris sa kanya. Tumingin siya saglit sa side mirror ng kotse niya, pero hindi niya makita ang kotse ni Iris.

"On the way to U.N Avenue" sagot niya at pinatay ang tawag. Mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Nakita niyang lumiko ang hinahabol niyang kotse at humanap siya ng short cut para maabutan niya ito.

Dumaan si Khirsten sa isang public school at lumiko pakanan, mabilis ang mga kamay niya sa magpaikot ng manobela. Mas binilisan niya pa ang takbo ng kotse at nang malapit na siya sa crossing road, bigla siyang yumuko at narinig ang malakas na banggaan.

Clone's POV

Mabilis ang pagpapatakbo ni Myth ng kotse niya at hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko.

"Don't test my patient Myth, just answer my question" madiin kong sabi.

"Shut up Clone! Alam kong nagtataka ka na, pero pwede ba mamaya na?! Nasa bingit ng kamatayan si Khirsten, so shut the fuck up!" Galit na sigaw ni Myth sakin.

Kinuyom ko lang ang kamao ko, bakit nasa bingit ng kamatayan si Khirsten? Kinuha ba siya? May kalaban ba? Damn! Nakita ko na rin ang kotse ni Bow na nilagpasan kami.

"Faster Myth!"

"Shut up Clone! Si Bow yan! Halimaw yan sa karera! She's driving the Bugatti Veyron! Damn! Bakit ba kasi Pagani lang ang dinala ko?!" Myth

"Damn!"

Third Person's POV

Nagising si Khirsten na sumasakit ang katawan at ulo pero hindi niya ininda, may mga sugat din siya sa braso sanhi ng mga bubog na tumalsik, tumingin siya sa unahan at nakita ang dalawang kotse na umuusok. Ang binanggaan niyang kotse ay sumalpok sa poste at nakataob. Sira ang window frame ng sasakyan ni Khirsten at wasak ang unahan ng kotse.

Lumabas siya ng kotse niya at pinuntahan kung buhay pa ang taong nag-iwan ng box sa party. She saw that the man was surrounded by his blood on his face. No! Hindi siya pwedeng mamatay, wala pa siyang nakukuhang evidence na magtuturo kung sino ang gustong pumatay sa kanya.

Tinignan niya kung may pulso pa ba ang lalake, biglang gumalaw ang lalaki pero makikitang hindi maganda ang lagay nito.

"Wake up you asshole!" sigaw ni Khirsten. She slapped the face of the man at dahan-dahan itong dumilat at tumingin sa kanya.

"Who's your boss?!" galit na tanong niya

"I will die if I tell you" nahihirapan nitong sabi.

"Do you think you'll not die in my hands?!"

"Mas mabuti nang mamatay sa piling mo kesa sa kanya"

"What the hell are you talking about?!" hindi maintindihan ni Khirsten ang sinasabi nito.

Hindi sumagot ang lalake pero ngumiti ito ng matamis at unti-unti itong pumikit.

"Shit! Wake up you asshole!" sigaw niya at tinignan ulit ang pulso nito. Damn! Patay na!

TNP : The Youngest Princess of Galaxy MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon