#TYPOGM24.2: Clone's Sadness

215 4 0
                                    

She saw how Clone shocked when he saw her. Tinutukan ni Khirsten nang baril si Tanya sa left hand niya at habang ang right hand niya naman na may hawak na baril ay tinutok niya sa lalaking matanda.

"Shad" seryosong banggit ni Clone sa pangalan niya, na para bang sinasabi na bakit pa siya sumunod dito.

"Welcome to my kingdom The Youngest Princess of Galaxy Mafia"

Nabaling ang tingin niya sa matandang lalaki, hindi man lang ito nagpakita ng kaba. Hindi niya 'to pinansin.

"Clone, stand up" sabi niya at hinigpitan ang hawak sa baril. Tumawa ang matanda.

"I didn't know that you're rude Ms. Park" sabi ulit ng matanda at ngumiti, pero alam niyang sa likod ng mga ngiti na 'yan ay masama itong tao.

Ngumisi siya. "Sorry not sorry, I don't talk to stranger. Hindi ba 'yan tinuro sa'yo ng magulang mo? You are a senior citizen, 'di mo alam 'yan?"

Nakita niyang naalis ang ngiti ng matanda dahil sa sagot niya.

"Put down your guns, bitch!" Sigaw ni Tanya sa kanya at nanlalaki pa talaga ang mga mata nito na tipong kakainin siya ng buhay.

Khirsten's smirked. "Oh, are you afraid Tanya?"

Mukhang nainis ang dalaga sa kanya at nakita niya na susugorin siya nito kaya binaril niya ito sa kaliwang hita. Biglang napaupo si Tanya na sumisigaw sa sakit dahil sa tama ng baril.

"Are you deaf, Clone? Stand up!" Gigil niyang sabi dahil hindi pa rin kumikilos ang binata. Ang matandang lalaki naman ay nakatingin pa rin sa kanya. Tumayo naman si Clone at pumunta sa kinaroroonan niya.

"Kunin mo ang baril sa likod ko" sabi ni Khirsten at sinunod naman siya ni Clone.

"Hindi mo ba tatanongin kung sino ako Ms. Park?" Sabat ulit ng matanda at wala itong pakialam sa nangingiyak na si Tanya.

"I don't know that you are a stupid old man, why would I ask you? Kaano-ano ba kita?"

"Masyado talaga mataas ang tingin ng mga Park sa sarili nila"

"At masyado ka naman yatang madaldal sa tanda mong 'yan?" Pabalang niyang sagot

Magsasalita sana ang matanda nang mabilis na kumilos si Khirsten. Nakita na lang ni Clone na bumagsak si Mr. Manzano sa sahig at wala ng malay.

"You fucking bitch! You killed my father!" Sigaw ni Tanya sa kanya at mabilis din niya itong pinatulog.

"Mag Tatay nga kayo! Ang bobobo!" Inis na sabi ni Khirsten at binalingan ng tingin si Clone na nakatingin din sa kanya, hindi niya maintindihan ang mga mata neto. May lungkot, sakit at gulat siyang nakikita.

"Did you kill them?" Tanong ni Clone sa kanya

"Hindi, pinatulog ko lang sila" sabi niya at tinignan ang wristwatch, nakahinga siya ng maluwag ng makitang nasa hospital na ang Ate Bow niya.

Mabilis niyang kinuha ang isang sticker tracking device at nilagay sa batok na malapit sa buhok nina Tanya at Mr. Manzano.

Biglang tumunog ang earpiece ni Khirsten at narinig niya ang boses ni Iris.

"Youngest Princess, where are you?"

Lumaki ang mga mata niya.

"Iris? What the?! Diba nasa hospital ka?!" Inis na sagot niya kay Iris

"Nalaman ko kasi na nahospital si Young Princess kaya hindi ako nakatiis baka mapano ka"

"Damn it you reaper! Where the hell are you?! Sino kasama mo?"

"Don't worry, I'm with her" malamig na sabi ni Fire na narinig niya sa ear piece.

Kumunot ang noo niya. Bakit sila magkasama?

"I'm okay Youngest Princess, the perimeter is secured now, but I think we should go, kasama mo na si Clone?"

Napatingin naman siya sa binata at nakita niya ito na parang wala ito sa sarili.

"Okay, let's meet up. Trace my location" sabi ni Khirsten kay Iris.

"Clone" tawag niya sa binata pero hindi siya yata naririnig. She sighed. Mukhang malaki amg problema ni Clone, sa tingin niya dahil sa kay Tanya at sa matandang lalaki. Lumapit si Khirsten kay Clone at hinawakan niya ang kamay nito. Ang lamig.

Napatingin sa kanya si Clone

"Let's go" sabi ni Khirsten. Tumango ng mahina si Clone at mabilis silang lumabas ng building ng walang kalaban. Mukhang napatumba lahat nina Iris at Fire ang mga taohan ng mga Manzano. Pero malaking palaisipan pa kay Khirsten kung bakit involve si Tanya

***

Sa hospital sila dumeretcho para kamustahin ang lagay ni Bow. Nadatnan nila na pabalik-bali si Kalvin sa ER. At nakaupo sina Kavin at Kerwin sa harap ng ER na inip na inip ang mukhan.

"Kuya" patakbo na tawag ni Khirsten. Napatingin naman sa kanya ang tatlong Kuya niya at parang nabawasan ang stress sa mga mukha neto ng makita siya

"How's Ate Bow?" Tanong niya at umupo sa tani ni Kavin

"Inooperahan pa baby" sabi ni Kavin st niyakap siya ng mahigpit. "Thank God you are alive" bulong nito sa kanya. Yumakap rin siya ng mahigpit sa Kuya niya.

"Don't worry Kuya, I'm okay" sabi niya at kumalas sa pagkakayakap

"Where's Clone?" Tanong ni Kerwin

"Nasa labas siya Kuya, kasama sina Iris at Fire"

"Is he okay?" Kerwin

Hindi siya sumagot dahil hindi niya naman kasi alam kung okay ang binata dahil habang nasa byahe sila papuntang hospital, tahimik lang ito at parang malalim ang iniisip.

"Khirsten" tawag sa kanyan ni Kalvin. Napatingin siya dito.

"Can I ask a favor?" Kalvin

"Sure Kuya, ano 'yun?"

"Pwede mo bang samahan si Clone? Talk with him Khirsten, my best friend needs you. Ikaw lang ang masasabihan niya ng problema"

Mukha ngang kailangan ni Clone na makaka-usap dahil iba talaga ang kinililos ng binata.

She sighed. "Okay Kuya Kalvin, call me when Ate Bow's operation is finish"

Tumango naman si Kalvin at tumayo siya.

"Bibili na rin ako ng food" sabi niya at pinuntahan sina Clone, Fire at Iris.

Nakita niya si Fire at Iris na masama ang tingin sa isa't isa. Ano kayang nangyayari sa kanila? Hindi naman sila nag-uusap pero mukhang may awayan na nagaganap sa masamang tinginan nila. Hinanap niya si Clone at naka upo lang ito sa visitor's area at nakatingjn sa kawalan. Nilapitan niya ito.

"Clone" tawag niya, pero hindi siya tinignan.

Hinawakan niya ito sa balikat at napatingin ito sa kanya. Nakita niyang namumula ang mga mata nito. Bigla siyang niyakap ni Clone, naramdaman niyang nababasa ang damit niya sa bandang balikat.

Sht. Clone's crying. He's fucking crying! Ngayon niya lang nakitang umiyak si Clone dahil all along alam niyang matatag ang binata.

She tapped Clone's back na para bang magiging okay ang lahat.

"Shhh. It's okay Clone, I'm here" pang-aalo niya sa binata at naramdaman niyang umaalog na ang balikat ni Clone at may kunting hagolhol siyang naririnig.

A/N: This is edited 🙂

TNP : The Youngest Princess of Galaxy MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon