#TYPOGM21: Tanya Manzano

362 8 2
                                    

Tumakbo si Clone sa isang plaza, dahil doon sila magkikita ni Bow. Mabuti na lang malapit lang siya sa pagbaba niya kanina mula sa kotse ni Fire. Nakita niya ang red Lamborghini ni Bow na nakaparada sa gilid ng kalsada. Umilaw ang headlight nito kaya alam nitong nakita na siya. Sumakay siya sa unahan at tinignan si Bow na nakatingin din sa kanya.

"You lied to me"sabi niya at tumingin sa unahan ng kotse.

"It's for the better Clone. Fasten your seatbelt" sabi ni Bow at mabilis na minaneho ang kotse. Bigla siyang humawak ng mahigpit sa seatbelt niya at napamura.

"Damn it! Sobra ka pa kay Khirsten magdrive! You're a wreckless driver Bow!" sabi ni Clone. First time niya kasing makasama si Bow sa isang kotse.

"Of course, sakin iyon nagmana eh. Manamana lang yan and before I drive, I told you to fasten your seatbelt" sabi ni Bow na relax lang. Tinignan niya lang ito na para bang casual na speed lang pinapatakbo nito. Napalingo-lingo siya. Ano ba nakita ni Kalvin sa babaeng ito?

Bakit ikaw? Ano rin ba ang nakita mo kay Khirsten?

Tanong ng isip niya. Oo nga naman, pareho lang naman sila ni Kalvin.

"Fuck!"

Naputol ang pag-iisip niya ng biglang nagbreak si Bow.

"We're here" Bow

Nilibot niya ang tingin. Puro mga nagtatag-asang damu.

"Here?" tanong niya. "Damo ang nakikita ko" Clone

"I know Clone, hihinto ba ako dito kung 'di ko nakikita?"

Pilosopo! Manang-mana nga kay Bow si Khirsten

"Tell me what her plan is"

"She has no plan yet, Kerwin has. But, she gave us her high tech watch"

Tinignan naman ni Bow ang wrist niya.

"Wala naman"

"Na kay Fire"

"Let's go" sabi ni Bow at lumbas ng kotse. Sumunod na rin siya. Nakita niyang kinuha ni Bow ang mga baril nito sa compartment. Kumunot ang noo niya. Hindi niya pa ito nakikita ang mga baril sa tanang buhay niya.

"Is that yours?" tanong ni Clone

"Yeah" sagot ni Bow at binigay sa kanya ang baril.

"You customized it?"

"Hmm" tango-tangong sagot ni Bow at tinignan niya ang baril at may magazines pa itong binigay sa kanya. It's a customized .45 calibre.

"By the way, that gun has 30 rounds plus the extension of magazine with 20 rounds. All in all, you have 50 rounds" sabi ni Bow at kinuha ang black bag nito at binuksan. Nakita niyang may hawak na telescope at umakyat sa bubong ng kotse. Nilagay ang telescope sa mga mata.

"I wonder why she hid in that building" sabi ni Bow. Umakyat na rin at tinignan. Isang building ang nakita niya sa isang malawak na lupain. Bow said 'she', babae ang nagtangkang patayin si Khirsten?

"Who's the suspect?" tanong ni Clone habang tumingin-tingin pa rin sa building.

"Tanya Manzano"

"What?!"

"Yeah"

"Siya rin nagpautos na rape in si Khirsten? I'll not forgive her!" asik niya

"She's not"

"What?! I'm confused"

"I'll explain to you later Clone, we need to get her alive"

"What do you mean?"

"I told you that my explanation is reserve later"

"So, ano pang hinihintay natin?"

"Tawagan mo sina Fire na 'wag muna silang pumunta dito, tell them that we will secure the perimeter first"

"Paano si Khirsten? Mag-isa lang 'yun"

"Don't worry, alam niya na ang gagawin 'pag ganitong mission. I taught her that"

"W-" magtatanong sana ulit si Clone nang pigilan siya ni Bow.

"Enough Clone. Mamaya nga 'di ba?!" inis na sabi ni Bow at nakita niyang nag-iba ang buhok nito, mukhang naiinis na si Bow sa kanya.

"Okay. I'll call Fire" kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Fire.

"Dude, sabi ni Bow, wag muna kayong pumunta, I'll call you later again. We will secure the perimeter first"

"All right" Fire ended the call.

See? Mabilis lang talagang kausapin si Fire.

"Bakit 'di mo tinawagan si Kuya Kerwin mo?"

"No. Alam kung magpupumilit yung isang 'yun dahil sa tigas ng ulo ko. Mabuti pa si Fire isang sabi mo lang, wala ng tanong kung bakit at tsaka may kailangan ýun sakin, di yun makakahindi"

Lumingo-lingo si Clone dahil sa sinabi ni Bow at ano naman kaya ang kailangan ni Fire kay Bow?

"Stay here" sabi ni Bow at bumaba at binuksan ulit ang compartment at may kinuha. Bumaba siya sa bubong ng kotse.

"What's that?"

"This is my solitary plane. I'll use this as my transportation to their building"

"Lilipad ka?"

"Oo. Dito ka muna, I'll hack their CCTV, and then I'll connect to their watch, send me their IP address. After that, we will study the place. Babalikan kita dito" sabi ni Bow at kumilos.

Nakita niya na lang si Bow na ekspertong sinuot ang solitary plane. Umakyat ito ulit sa bubong ng kotse at may pinindot. Nakita niyang unti-unting lumilipad si Bow sa ere. Tinawagan niya si Fire para malaman ang IP address ng mga relo para pagdating ni Bow, magpaplano na lang sila.

Kinuha niya ang telescope ni Bow at umakyat ulit sa bubong para makita kung saang banda na si Bow at ilang saglit lang nakarating na ito. That was fast. Ilang minuto pa ang hinintay niya at nakita niyang pababalik na si Bow kaya bumaba na siya.

"Did you hack their CCTV?"

"Yes, I did. But I have a problem" sagot ni Bow.

He frowned.

"What's the problem?"

"Patay lahat ng ilaw sa loob ng building, and our timing is not good. Let's leave this area now" pinal na sabi ni Bow at naging malikot ang kanyang mata.

"What?! Nandito na tayo!" tutol niya na mahina pero matigas na sabi at maging siya napapatingin na siya sa paligid.

"I know Clone, hindi basta-basta ang kalaban, hindi mo pa kilala si Tanya ng tuluyan"

Magsasalita sana si Clone nang makita niyang naging alerto si Bow.

"Damn! Damn!" Bow cursed.

He saw Bow turned on her solitary plane.

"They are here Clone! Come here!" matigas na sabi ni Bow.

"What?!"

"Fuck! Listen to me Clone, sating dalawa, ikaw lang ang hindi papatayin! I have twins Clone, I don't want to die! So listen to me!"

He caught off guard with the emotions of Bow's eyes and her hair too. Red and violet are the colors of her hair. Minsan niya na itong nakita noong gabing namatay si Reen.

"Okay" halos bulong na sabi ni Clone at bigla siyang hinila ni Bow, hindi niya na alam ang nangyari, nakita niya na lang na lumilipad sila sa ere.

A/N: I'm sorry. Please inspire me.

TNP : The Youngest Princess of Galaxy MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon